Amber's POV"Amber siguro mas mabuti kung umiwas-iwas ka muna sa mga tao ngayon." detective Cassandra said.
"Pero paano niyo naman po nasabi na talagang dahil sa akin kaya pinatay si Luis at Loise? Hindi lang naman po siguro ako ang may pangalang Amber dito sa university. Diba?" wika ko. Parang napakaimposible naman kasi. Ang hirap paniwalaan.
"Ikaw lang ang may pangalang Amber dito sa buong university Amber" nagulat ako dahil sa sinabi ni CI Henry.
"A...ako lang?" tanong ko. Sa dinami dami ng tao dito sa university, ako lang ang may pangalang Amber.
"Oo. Ikaw lang." sagot ni Detective Axcell.
"Amber sa tingin namin may gusto sayo ang killer." wika ni Detective Cassandra. Dahil ba sa nakasulat sa pesteng liham na iyon kaya nasabi ni Detective Cassandra may gusto sa akin yung killer?
"Oo. Sa tingin namin the killer is inlove...no i mean.... obsess with you. Diba nakasulat sa liham na 'yan na pinatay niya si Ms. Loise Eilerman dahil sinasaktan ka niya. And he also said 'I love you'." Detective Axcell.
"Pinatay niya si Loise dahil sinaktan ka niya. And he killed Luis dahil maaring nagselos siya sa inyo. Sabi mo nga diba na magkasama kayo noong gabi bago siya mamatay." CI Henry.
Ewan ko kung maniniwala ba ako sa kanila o hindi. Parang hindi maabsorb ng utak ko lahat ng mga sinasabi nila.
"Wala ka bang kilala na taong may gusto sayo?" tanong ni CI Henry. Wala akong kilala dahil wala namang magkakagusto sa isang katulad ko. Imposible namang may magkagusto sa akin.
Tsaka paano kung hindi talaga sa killer galing yung liham. Paano kung pakana lang nang kung sinong tao 'yon. Tsaka baka plano lang ng killer na lituhin ang sina CI Henry at Detective Axcell at Cassandra. Diba? Napaka imposible naman kasi. Sino namang tao ang gagawa non para sa akin? Bakit naman siya papatay para sa akin?
Ewan ko kung ano nang papaniwalaan ko. Litong-lito na ako. >_<
~~~~
(Amber's Dream)
Ang dilim ng paligid. Nasan ba ako? Anong lugar ba ito? Umikot-ikot ako. Wala akong ibang makita kundi kadiliman. Walang hanggan na kadiliman. Nakakatakot.
Nagsimula akong maglakad kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kahit hindi ko alam kung saan ba ako patungo. Basta gusto ko lang makaalis sa lugar na ito.
Lakad lang ako ng lakad pero parang wala itong katapusan. Napapagod na ako sa kakalakad pero parang hindi ako nakakaalis sa lugar na ito.
"Amber." tawag ng isang lalaki na pamilyar na pamilyar ang boses. Nag echo ang boses na iyon sa buong lugar.
Nagpaikot-ikot ako para malaman kung kanino galing ang mga boses na iyon pero wala akong makita kahit na sino.
"Sino ka?" tanong ko. Nag echo din ang boses ko sa buong lugar.
"Amber." tawag nanaman niya sa akin. Napakapamilyar talaga ng boses na iyon. Umikot nanaman ako para malaman kung kanino ba talaga galing ang mga boses na iyon pero gaya kanina wala akong nakita.
Inisip kong mabuti kung kanino ba talaga galing ang mga boses na iyon. Pero hindi ko talaga maalala.
"Amber." tawag niya ulit. Biglang pumasok sa utak ko si Luis dahil ganun na ganun ang boses niya. Pero hindi ako sigurado kung sa kanya ba talaga galing ang mga boses na iyon.
"Luis? Ikaw ba 'yan?" tanong ko.
"Amber mag-iingat ka. Mag-iingat ka lalong-lalo na sa kanya." babala niya. Ngayon sigurado na ako na sa kanya galing ang mga boses na iyon. Pero ano bang sinasabi niya na mag-iingat ako. May mangyayari bang masama sa akin? Papatayin ba ako ng killer? Tsaka sino bang tinutukoy niya?
BINABASA MO ANG
Meurtrier Obsession
Gizem / GerilimMystery || Vampire || Romance ________________________________________________________________________________________________________________ I am happened to be 'His Obsession'. But who is he????! __________________________________________________...