Epilogue

5K 96 16
                                        


Amber's POV


Sabi nila lahat ng sobra ay masama. Kapag nasobrahan mong kumain sasakit ang tiyan mo. Kapag nasobrahan mong kumain ng mga candy sasakit ang ngipin mo at magkakaroon ka ng diabetis. Kapag nasobrahan mong manigarilyo at uminom ng alak masusunog ang baga mo. Kapag nasobrahan mong uminom ng kung ano-anong gamot maaari kang mamatay. Tama sila. Lahat ng sobra nakakasama.



Pati pagmamahal ng sobra nakakasama din. Oo pati pagmamahal nakakasama din kapag nasosobrahan. 'Pag binigay mo lahat ng meron ka sa taong mahal mo walang matitira sayo. Kapag nagmahal ka ng taong hindi ka mahal masasaktan ka. Kapag iniwan ka ng taong minahal mo ng sobra-sobra maraming masamang mangyayari. Masasaktan ka. Magiging miserable ang buhay mo. Nadadamay din ang pag-aaral mo. Nawawalan ka na ng ganang mabuhay pa sa mundo kaya nagpapakamatay ka na lang. Kapag nagmahal ka ng sobra-sobra marami kang kayang gawin para sa kanya. Kaya mong gawin lahat-lahat para sa kanya.




Tulad ng nangyari sa akin. Dahil sa pagkahumaling niya sa akin maraming masamang nangyari. Dahil gustong-gusto niya akong makuha. Dahil ayaw niya akong mapunta sa iba. Dahil gusto niya na sakanya lang ako. Dahil ayaw niya akong nasasaktan. Dahil ayaw niya akong hinahawakan ng iba. Dahil ayaw niya akong kinakausap ng kung sino-sinong lalaki. Dahil ayaw niyang may lumalapit sa akin. Dahil sa sobrang pagmamahal niya sa akin maraming nadamay at maraming namatay.




Limang tao. Limang taon na akong nakakulong sa pesteng lugar na ito. Wala akong kaide-ideya kung saang parte ng Pilipinas ako naroroon. Ewan ko nga kung nasa Pilipinas pa ako. Basta isa lang ang alam ko. Ang lugar na ito ay punong-puno ng kalungkutan. Walang kabuhay-buhay dahil puro itim lang ang makikita mo. Isang napakalaking palasyo lang ang nakayo sa lugar na ito. Walang ibang bahay na nakatayo dito.  Napapaligiran din ang palasyong ito ng mga puno na walang mga dahon at itim din ang kulay nito. Marami ring natuyong mga dugo sa mga sahig at dingding sa ibang parte ng palasyo. Sa loob man o sa labas. Ito ay isang palasyo na malayong malayo sa mga napapanood kong fairytales noong bata pa ako. Walang magandang makikita sa kahit anong sulok ng lugar na ito. Itong lugar na ito... itong lugar na ito ang lugar na hinding hindi ko gugustuhing puntahan sa tanang buhay ko. . Sana nga isang masamang panaginip na lang lahat lahat ng nangyari. Sana bigla na lang akong magising sa bangungot na ito. Sana hindi na lang ito totoo. Sana. Sana lahat ng sana totoo. Pero alam kong hindi. Alam kong totoo lahat ng ito.




Dati pinangarap kong tumira sa isang napakalaking palasyo kasama ang pamilya ko. Yung sobrang ganda at sobrang laki. Oo nakatira nga ako ngayon sa isang napakalaking palasyo ngayon. Pero hindi ko pinangarap na ganitong klase ng palasyo ang matitirhan ko. Isang palasyo na akala ko hindi nag-eexist sa mundo. Isang palasyong kakaiba. Isang palasyong kaming dalawa lang ang nakatira.



Noong unang araw na dinala niya ako dito ay wala akong ibang magawa kundi umiyak. Ang sakit sa damdamin dahil nalayo ang sa pamilya at kaibigan ko. Ang sakit sakit dahil alam kong hindi na ako makakaalis sa lugar na ito kailan man. Mas lalo din akong nasaktan dahil nalaman kong siya ang taong matagal na naming hinahanap. Siya yung taong pumatay sa mga kaeskuwela at sa kapatid ko. Nabalutan ng galit ang puso ko dahil siya... siya na kaibigan ko ang may gawa ng lahat ng ito. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang pumatay para sa akin. Galit na galit ako sa kanya pero mas galit ako sa sarili ko. Dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit niya ginawa lahat ng iyon.



Siya ang pumatay kay Luis at alam kong dahil iyon sa akin. Kaya pala sinasabi sa akin ni Luis sa panaginip na iwasan ko siya dahil alam niyang mangyayari lahat ng ito.




Simula nang mapunta ako dito wala nang maganda at masayang nangyari. Paano ba naman ako sasaya sa lugar na ito, diba? Paano ako sasaya kung nakakasama ko yung taong pumatay sa mga kaeskuwela at sa kapatid ko? Paano ako sasaya kung hindi ko nakakasama ang pamilya ko? Paano ako sasaya kung nakakulong ako dito? Paano ako sasaya kung hindi ko naman nagagawa lahat ng gusto ko? Paano ako sasaya kung hindi ako malaya? Diba?



Gustong-gusto ko ng magpakamatay noon. Ayaw ko ng mabuhay pa. Mas gugustuhin ko na lang ang mamatay kaysa makasama ang isang demonyong katulad niya. He's a freaking monster. A vampire. A murderer. Demon.



Dati sinubukan kong magpakamatay pero lagi niya akong napipigilan. Ilang beses kong tinangkang magpakamatay noon. Pero noong huling beses kong nagtangkang magpakamatay napigilan niya nanaman ako at sinabi niya sa akin na papatayin niya ang pamilya at kaibigan ko. Alam kong seryoso siya doon kaya hindi na ulit ako nagtangkang magpakamatay pa. Mas gugustuhin ko na lang na makasama siya at mabulok sa lugar na ito kaysa mamatay ang mga mahal ko sa buhay. Ayokong mamatay sila nang dahil sa akin. Ayokong madamay sila. Ayoko ng madagdagan pa ang mga taong namatay nang dahil sa akin. Hinding-hindi ko na talaga kakayanin kapag nangyari ang bagay na iyon.


Napatigil ako sa pagbabalik tanaw nang bigla akong may makitang isang napakagandang ibon na lumilipad mula sa madilim na kalangitan. Nandito kasi ako ngayon sa terrace. Gusto ko lang kasing magpahangin. Atsaka ito rin ang pinakapaborito kong lugar sa napakalawak na paslasyong ito. Kaya ako nandito ngayon. Kung tinatanong niyo kung nasaan siya well 'wag niyo ng tanungin dahil wala akong pake kung nasaan siya.




Nagulat ako nang bigla itong lumapit sa akin at biglang lumapag sa railing. Ang cute niya. Hinawakan ko siya at napapikit naman siya dahil sa paghaplos ko sa kanya. Napansin kong parang may bagay na nakarolyo sa pagitan ng bunganga niya. Kinuha ko iyon at binuksan. Nang mabuksan ko ito ay may nakasulat sa loob. Isa siyang letter. Binasa ko iyon.



'Don't worry Amber. Ililigtas kita sa demonyong lalaking iyon. I will kill him and I will save you from that fvcking guy. Just wait for me. Konting oras na lang Amber.'




Meurtrier ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon