Kabanata 7

3.7K 65 2
                                        

Kaizer's POV




Kasalukuyan kaming nag uusap ngayon ni Xander dahil sinabi kong papatayin ko ang pinakamamahal niyang babae na si Amber 'pag hindi siya bumalik sa Baempaieo, nagalit siya sa sinabi ko kaya naman nagkasagutan kami.



Wala naman talaga akong balak patayin si Amber. Kailangan ko lang siyang takutin para bumalik na siya sa Baempaieo. Mas malaking gulo ang mangyayari kapag hindi siya bumalik doon. Maaari nilang patayin si Amber. Maaari rin nilang gawing bihag si Amber para mapabalik si Xander sa Baempaieo. Maaari nilang gamitin si Amber kung siya lang ang makakapagpabalik kay Xander sa Baempaieo. Alam kong labag iyon sa patakaran namin pero alam ko ring handa silang sirain iyon mapabalik lang si Xander sa Baempaieo. Si Xander ang susunod ka hari kaya kailangan namin siyang mapabalik sa Baempaieo.


Hindi ko sinasadya ang pagsakal ko kay Amber noong isang araw. Gusto ko siyang balaan. Kailangan niyang mag-ingat kay Xander. Hindi ko man gusto ang ginawa ko but I need to do it.


"No one can touch her." Sabi niya.



Oo sa ngayon wala pa. Wala pang mananakit na iba sa kanya. Pero kung hindi ka sasama sa amin maaari siyang mapahamak.



"Sigurado ka ba?" nakangisi kong tanong. Hindi ko na kailangan sabihin 'yon. Dahil alam kong kahit sabihin ko 'yon hindi pa rin siya babalik sa Baempaieo


"Oo. Walang makakagalaw sa kanya habang nandito ako. I will protect her. I will protect her from you. From all of you" matapang na sabi niya.


Pero paano niya naman maproprotektahan si Amber kung mag-isa lang siya. Unless may ginawa siyang alagad. Pero posibleng ngang may ginawa siyang alagad niya. At makapangyarihan siya kaya maaari niya iyong magawa.




"Prinoprotektahan mo siya pero alam mo bang dahil sayo kaya nalalagay ang buhay niya sa kapahamakan?." sambit ko. Biglang sumama ang tingin niya sa akin. Alam kong bigla siyang nagalit dahil sa sinabi ko. Pero 'yon ang totoo.



"Pinoprotektahan ko lang siya sa mga taong nananakit sa kanya." sagot niya.


"Pinoprotektahan sa mga taong nananakit sa kanya? 'Wag na tayong maglokohan dito Xander. Alam namin na pinapatay mo lahat ng taong lumalapit kay Amber." wika ko. Nalaman namin 'yon dahil nabasa namin sa dyaryo. Nabasa namin doon na pinatay ang kaibigan ni Amber na lalaki. Nakasulat kasi na si Amber ang huling kasama nang bestfriend niyang lalaki bago siya mamatay. Nakalagay din ang litrato ng bestfriend ni Amber doon. Isang litrato kung paano natagpuan ang bangkay niya. Pagkakita pa lang namin ni Cerys sa bangkay nang lalaking 'yon ay alam na agad namin na si Xander ang pumatay sa kanya.



"Im just protecting her." sagot nanaman niya.



"You're not protecting her Xander. You're destroying her. You know want Xander? You didn't love her. Because you don't destroy people you love. At ginagawa mo lang iyon para sa sarili mo at hindi para sa kanya." wika ko.




"Im not destroying her Kai. Im just doing that to make her happy." sabi niya. He's doing it to make her happy? That's bullshit!



"Does she look happy? No. Hindi siya masaya sa mga ginagawa mo. Alam mo itigil mo na 'yan Xander. Bumalik ka na sa Baempaieo. Kung talagang mahal mo siya dapat hindi mo siya sinasaktan. Hindi ganyan kung paano magmahal Xander. You should make the person you love happy not destroying them! Alam mo hindi na pagmamahal 'yang nararamdaman mo. Obsession na. You're obsess with her and you are willing to do anything for her. You're willing to kill innocent people for her" mahabang wika ko. Kailangan ko siyang gisingin sa mga maling ginagawa niya. Totoong hindi kami pwedeng pumatay ng mga inosenteng tao. Ang bampira lang sa kaharian ng Mortel ang mga gumagawa non. Ang kinakain lang namin ay mga patay na tao. Minsan yung mga taong masasama at yung mga taong hindi na dapat mabuhay pa sa mundo ang mga pinapatay namin. Yung mga walang kwentang tao. We don't kill innocent people. 'Yon ang patakaran sa amin. Para hindi malaman ng mga tao na totoo ang mga bampira. Para hindi nila malaman na merong totoong bampira na nabubuhay sa mundo nila. Para hindi nila malaman ang existence namin.




Meurtrier ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon