Third's Person POV
Nagising na lang si Amber dahil sa isang masamang panaginip. Napahawak siya sa kanyang dibdib, hinahabol ang hininga. Nakaramdam siya ng matinding takot dahil parang... parang totoo ang mga nangyari sa loob ng kanyang panaginip.
Her dream keeps on playing in her head. Parang sirang plaka na paulit-ulit. At habang tumatagal ay lalo siyang natatakot, kinikilabutan, hindi makapaniwala.
Sa panaginip, kinuha raw siya ng isang bampira. Isang lalaking pamilyar na pamilyar din sa kanya ngunit hindi niya matukoy kung sino ang lalaking iyon.
Dinala raw siya sa isang napakalayong lugar. Sa lugar kung saan silang dalawa lang ang naroroon. Lugar kung saan walang kahit na sinong tao. Just the two of them.
Isang palasyo na kung saan napapaligiran ng dugo at bungo ng mga tao. Ito ang nagsisilbeng disenyo sa labas ng palasyo. Kulay itim din ito at napapaligiran ng dilim. Tanging liwanag lang na nagmumula sa buwan ang nagsisilbeng ilaw dito. Marami ring puno sa paligid. Mga puno na kakaiba. Mga puno na walang mga dahon at kulay itim ang mga sanga.
Ikinulong daw si Amber at ikinadena sa loob ng isang malawak na kwarto. Isang kwarto na napakadilim. Isang kwarto na may malaki at malambot na kama. Isang kwarto na may isang malaking bintana lamang. Nakabukas iyon at hinahangin ang mga pulang kurtina. Doon lang din nanggagaling ang nagsilsilbing ilaw.
Napatigil si Amber nang may mapagtanto. Inilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto kung saan siya naroroon. Isang kwarto na hindi pamilyar sa kanya. Isang kwarto... na nasa panaginip niya.
'Wait. This is the same as my dream. Nananaginip pa rin ba ako?' tanong niya sa kanyang isipan.
Sinabunutan at pinagsasampal niya ang kanyang sarili upang magising na mula sa masamang panaginip na iyon. Pero kahit anong kanyang gawin, hindi pa rin siya magising.
Because the truth is, everything's real.
And that hit her. She finally realized what was happening. Para siyang nabuhusan ng malamig sa tubig.
"Hindi. Hindi ito totoo. Panaginip lang ito. Panaginip lang!" paulit-ulit niyang ibinubulong. Ayaw niyang tanggapin sa sarili niya na totoo lahat ng ito. Ayaw niyang tanggapin na nangyari ang lahat ng mga masasamang bagay na iyon ng dahil sa kanya.
Napahagulgol na lang siya bigla dahil sa mga samut-saring alaalang bumabalik sa kanya. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili dahil sa mga nangyari. Hanggang ngayon hindi niya matanggap na wala na sila. Wala na sila ng dahil kanya.
Bigla siyang kinabahan, bakas na bakas ang takot sa kanyang mukha dahil hindi niya alam kung ano pa ang mga bagay na maaaring gawin ng isang demonyong lalaking iyon. Bigla siyang natakot para sa sarili at sa mga natitirang taong mahal niya sa buhay.
Nang mahimasmasan, isa lang ang pumasok sa kanyang isipan, iyon ay ang makatakas sa lugar na iyon.
Pinahid niya ang mga luhang lumandas sa kanyang mukha. Pinakalma muna ang sarili bago isinagawa ang ambang pagtakas. Ngunit nang tumayo ay natantong nakakadena pala ang isa niyang paa.
Pinilit niya itong tanggalin ngunit hindi niya magawa. Halos lahat ng paraan na pwede niyang gawin ay ginawa na niya pero lahat ng iyon ay walang kwenta.
Nawawalan na siya ng pag-asa pero hindi pa rin siya tumitigil. Iniisip niya na lang na marami pang naghihintay sa kanya. Hinihintay pa siya ng kanyang ina at kapatid, at sigurado siyang nag-aalala na ang mga iyon sa kanya. Iniisip niya din na gusto niya pang mabuhay upang makasama ang kanyang pamilya at kaibigan.
"Trying to escape huh?"
Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang marinig ang malalim na boses na iyon. Biglang nabitiwan ni Amber ang hawak na kadena dahil sa matinding gulat. Nanigas ang kanyang buong katawan, at hindi na magkamayaw ang puso sa sobrang kaba at takot na nadarama. Unti-unti siyang humarap kung saan nanggaling ang boses. Hindi niya ito makita dahil madilim sa parte kung saan naroroon ang demonyong lalaki.
Unti-unti siyang umaatras nang marinig niya ang isang pares ng paa na papalapit sa kanya.
Parang sasabog na ang kanyang dibdib dahil sa kabang kanyang nararamdaman habang papalapit ito sa kanya.
Tumigil ang lalaki sa paglalakad nang malapit na ito sa bintana kung saan mayroong liwanag na nagmumula sa buwan. Napatigil din si Amber sa pag-atras.
Pinilit niyang aninagin ang mukha ng lalaking kumuha sa kanya at ang lalaking dahilan kung bakit nasira ang buhay niya. Ngunit isang pares ng sapatos ang lang malinaw niyang nakikita.
Naglakad ulit ang lalaki kaya muli siyang napaatras. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso niya dahil doon. Gusto niyang malaman kung sino ang kumuha sa kanya ngunit sa kabilang banda natatakot din siyang malaman kung sino ba talaga ang taong nasa likod ng mga patayang naganap. Natatakot siyang malaman kung sino ang taong gustong-gusto siyang makuha. Natatakot siyang malaman kung sino ang taong obsess na obsess sa kanya na kayang nitong kumitil ng buhay para sa kanya.
Unti-unting naaninag ni Amber ang mukha ng lalaki dahil nakatapat na siya ngayon sa bintana kung saan nagmumula ang liwanag. Napahawak siya sa kanyang bibig.
"I-i-ikaw?" nanginginig niyang tanong habang nakahawak pa rin sa kanyang bibig.
'Sa dinami-dami ng tao bakit siya pa?! Bakit siya pa?' tanong ni Amber sa kanyang isipan. 'Baka naman namamalikmata lang ako. Imposible. Imposibleng siya!'
Hindi siya makapaniwala na ang taong gagawa ng mga bagay na iyon ay SIYA. SIYA na itinuring niyang kaibigan. Siya na akala niya hinding-hindi makagagawa ng mga bagay na gano'n.
Tinitigang mabuti ni Amber ang mukha ng lalaking iyon. Nagbabaka sakali siyang namalikmata lang. Pero hindi. Dahil kahit madilim ang paligid at tanging liwanag lang na nagmumula sa buwan ang tanging ilaw sa loob ng kwartong iyon ay malinaw na malinaw na siya ang lalaking iyon.
"Are you surprise to see me, darling?" the guy asked while smiling devilishly. Nagtindigan ang mga balahibo ni Amber. Bakas na bakas na ang takot sa kanyang mga mata.
"Bakit? Bakit kailangan mong gawin lahat ng ito?" naluluhang tanong niya. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa ng lalaking iyon na pumatay. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin lahat ng bagay na iyon.
Naglakad papalapit ang lalaking palapit sa kanya at bigla nanaman siyang napaatras hanggang sa wala na siyang maatrasan pa.
Hinawakan ng lalaki ang likod ng ulo ni Amber habang hinimas-himas ito. Ang mga mata ay seryosong tinitigan si Amber habang sinasabi ang mga katagang ito.
"Well I'm doing all of these for YOU, my darling." he said in a sweet voice and kissed her harshly.
___
Ang istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Ang pangalan, tauhan, lugar at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may akda. Anumang pagkakahawig sa mga tauhan, lugar at pangyayari na nakapaloob sa kwentong ito ay pawang aksidente, hindi sinasadya at nagkataon lamang.
DISCLAIMER: The photos that I used in the cover are not mine. Photos that will be shown here are just for imaginary purposes. I do not own any of the following photos.
Credits to the rightful owners.
Copyright © 2020 by loveeshedoes
![](https://img.wattpad.com/cover/123364889-288-k73161.jpg)
BINABASA MO ANG
Meurtrier Obsession
Misteri / ThrillerMystery || Vampire || Romance ________________________________________________________________________________________________________________ I am happened to be 'His Obsession'. But who is he????! __________________________________________________...