Kabanata 5

4.3K 79 1
                                        


Amber's POV



"Good morning." sabi ni Kuya Hendrix nang makita akong pababa ng hagdan.


Oo may kuya ako at may nakababata rin akong kapatid. Pareho silang lalaki. Umuuwi lang si kuya Hendrix dito sa bahay tuwing sabado't linggo. Nagdodorm kasi siya. Masyado kasing malayo ang bahay namin sa pinapasukan niyang University. College na kasi siya. Actually graduating na siya.



Sa totoo lang stepbrother ko si kuya Hendrix. Hindi ko siya totoong kuya dahil inampon lang siya nila mama at papa. Kapitbahay kasi namin sila at kaibigan din nila mama at papa ang mga magulang niya. Namatay ang totoo niyang mga magulang noong nine years old siya. Ang kwento sa akin ni mama, pauwi na daw sila noon kaya lang naasidente sila. Nabangga ang bus na sinasakyan nila at kasama sila sa mga nasawi.

Pero itinuring nila mama at papa na parang totoo na nilang anak si kuya. Parang tunay na kapatid na din ang turing namin sa isa't-isa kahit hindi naman kami magkadugo. Close na close kami ni Kuya Hendrix at madalas din kaming magkasundo sa mga bagay bagay. Sweet din siya sa akin.




"Good morning." matamlay kong bati habang pababa sa hagdan. Dati excited na excited ako 'pag umuuwi siya pero ngayon ewan. Para akong pinagsukluban ng langit at lupa.



"Oh bakit ganyan yang mata mo?" tanong sa akin ni Kuya habang nakatingin sa mga mata.

Akala ko hindi na niya mapapansin. Umiyak lang naman kasi ako ng umiyak kagabi. Kaya ayon mugto ang mga mata ko. Naiinis kasi ako sa sarili ko. I hate myself. Parang gusto ko ng magpakamatay para wala ng madamay pa. Para wala ng mamatay. Pakiramdam ko para akong isinumpa. Diba sa mga fairytales lang yang sumpa-sumpa na 'yan? Diba hindi naman 'yon totoo? Pero bakit nangyayari sa akin? Bakit kailangan maranasan ko 'to?!

"Nakakaiyak kasi yung pinanood ko kagabi." palusot ko. Madalas akong magkwento sa kanya tuwing may mga problema ako. Pero ayoko munang sabihin ang mga problema ko sa kanya. Hindi ko kaya.

"Oo na lang." sagot niya at naglakad papuntang dining area. Hay. Sabi na nga hindi siya maniniwala. Paano ba naman siya maniniwala eh ang lame ng palusot ko. Hindi naman kasi ako masyadong mahilig manood ng mga drama. Sa dinami-dami ba naman kasi ng palusot na pwede kong sabihin, 'yon pa ang nasabi ko. Aishh.

Sumunod na lang ako kay kuya Hendrix papuntang dining area. Pagkarating ko doon nakaupo na silang lahat. Mukhang ako na lang ang hinihintay.

"Good morning." masiglang bati ko kay mama at sa nakababata kong kapatid. Pinilit kong pinasigla ang boses ko para hindi nila mahalata ang tunay kong nararamdaman.

Kung tinatanong niyo kung bakit wala si papa ngayon well nagtratrabaho siya sa ibang bansa. Sa South Korea. Malaki kasi ang sweldo doon. Tuwing pasko ay lagi siyang umuuwi dito sa Pilipinas para sabay-sabay naming icelebrate ang christmas.

"Anong nangyari sa mata mo? Umiyak ka ba anak?" nag-aalalang tanong ni mama habang umuupo ako sa upuan.

"May pinanood daw kasi siya kagabi ma." sabi ni kuya sabay ngisi ng nakakaloko sa akin. Nakakainis. >_< Balak niya pa talaga akong ilaglag.

Hindi alam nila mama ang nangyayari. Alam nila na may pinatay na schoolmates ko pero hindi nila alam na may kinalaman ako kung bakit sila namatay. Hindi kasi kinakalat nila CI Henry at nila Detective Cassandra at Detective Axcell ang tungkol doon. Mas mabuti daw kasi na walang makaalam tungkol sa imbestigastion na ginagawa nila. Atsaka ayoko ring malaman nila mama ang tungkol doon. Ayokong mag-alala sila sa akin. At natatakot din ako para sa kanila. Paano kung madamay sila diba? Sa tingin ko hindi ko na kakayanin. Sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman ko.

Meurtrier ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon