Kabanata 2

6.3K 120 13
                                        

Amber's POV

Nakatungo ako habang naglalakad sa hallway. Pinagtitinginan nanaman ako ng mga kapwa ko schoolmates. Halos lahat sila masama ang tingin sa akin. Yung iba sinasabihan nanaman ako ng 'Mamamatay tao'. Yung iba naman sinisisi ako sa pagkamatay ni Luis.

Kumalat kasi sa buong unibersidad na ako ang huling kasama ni Luis at nalaman din nila na sa locker ko natagpuan ang nawawalang kamay ni Luis.

Tatlong araw. Tatlong araw na na ganyan ang pakikitungo nila sa akin. Ang tingin nila sa akin ay isang mamamatay tao. Hindi ko na lang sila masyadong pinapasin para wala nang gulong mangyari.

Paika-ika akong naglalakad dahil nanghihina ang katawan ko. Madami rin akong mga pasa at mga sugat. Mugto din ang mga mata ko dahil sa kakaiyak. Lagi din akong walang ganang kumain. Kaya wala akong lakas ngayon.

Simula noong namatay si Luis lagi na akong sinasaktan physically and emotionally ng mga schoolmates ko. Lagi na nila akong binubully. Kung ano-anong pinaggagagawa nila sa akin. Binabato at binubuhusan ng kung ano-ano.

Pero sa tingin ko deserve ko lahat ng mga pananakit nila sa akin. Dahil alam kong ako... ako ang may kasalanan kung bakit wala na siya ngayon.

Sinisisi ko din ang sarili dahil sa pagkamatay niya. Kung hindi dahil sa akin buhay pa sana siya ngayon. Kung hindi ko sana naiwan yung pesteng libro ko sa English sana nandito pa siya ngayon. Kung sana pinigilan ko siya na ihatid ako, sana buhay pa siya. Sana nakakasama at nakakausap pa namin siya. Sana nakakakwentuhan at nakakatawanan ko pa siya.

Nag-uumpisa nanamang mabuo ang luha sa aking mga mata. Naiiyak nanaman ako. Kailan ba mauubos ang mga pesteng luhang ito?! T.T

Araw-araw kong sinisisi ang sarili ko dahil sa pagkamatay niya. Lagi kong hinihiling na irewind yung mga nangyari para mapalitan ko ito. Hinihiling ko din minsan na sana isa lang itong masamang panaginip. Na sana magising na ako mula sa isang masamang panaginip na ito. Pero alam ko, alam kong hindi ito isang panaginip dahil totoo na wala na siya.

Tama nga siguro sila. Mamamatay tao nga ako. Hindi nga ako ang pumatay sa kanya. Pero dahil sa akin namatay siya.

Siguro yung mga lasinggero sa kanto namin ang pumatay sa kanya. Baka napagtripan siya ng mga 'yon matapos niya akong ihatid sa bahay namin.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. Ang hirap tanggapin. Sobranggggg sakit.

Ang pinakamasakit pa ay alam mong isa ka sa mga dahilan kung bakit siya namatay. Dahil sa katangahan ko kaya siya namatay. Ang tanga-tanga ko kasi. Bakit ko pa kasi naiwan yung librong 'yon?! Sana hindi siya nagkaroon ng dahilan para ibigay sa akin iyon.

Parang paulit-ulit akong sinasaksak ng kutsilyo sa dibdib. Ang sakit-sakit kasi. Habang tumatagal mas lalong sumasakit.

Pero nagtataka talaga ako kung sino ba talaga ang totoong pumatay sa kanya. Naguguluhan na ako. Ang daming tanong sa akin isipan na hindi masagot sagotan. Ano ba kasing gustong palabasin ng killer? Noong isang araw ko pa iniisip 'yon pero hanggang ngayon hindi pa nasasagutan.

Andito na ako ngayon sa tapat ng classroom namin. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako pumasok. Huminga ako ng malalim at binuksan ang pintuan.

Pagkapasok ko hindi ko inaasahan na biglang may bubuhos sa akin. Kahapon pinagbababato ako ng kamatis tapos ito naman ngayon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Third Person's POV

Hindi inaasahan ni Amber na biglang may bubuhos sa kanya sa likod ng pintuan na iyon.

Meurtrier ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon