Kabanata 10

4.2K 78 8
                                        

Xyra's POV


Tatlong araw ng nawawala si Amber. Tatlong araw na din akong hindi makatulog. Nag-aalala na din ako para sa kanya. Alam kong nag-aalala na din si tita sa kanya.



Nasaan na ba kasi siya? Saan ba siya dinala ng killer? Kung naasang lupalop man sila ngayon ay sisiguraduhin ko na hahanapin ko sila. Hahapin ko si Amber. Hahanapin ko din yung bwisit na killer at papatayin ko siya.



Oo. Alam namin na kinuha na siya ng bwisit na killer na 'yon. Nakita namin sa kwarto niya ang liham na binigay sa kanya ng killer na 'yon.



Alam na din ni tita lahat-lahat. Napilitan kaming umamin nina Dectective Cass at Detective Axcell. Hindi na kasi namin alam ang sasabihin namin sa kanya. Kaya ayun sinabi na lang namin sa kanya yung totoo.


Halos mabaliw na kasi siya nang malaman na nawawala si Amber. Naaawa ako kay tita. Sobra na yung nangyari sa kanya. Namatay si Kuya Drix. Tapos ngayon nawawala si Amber. Sinong hindi mababaliw doon.




Naaawa din ako kay Amber. Sobrang bigat ng mga nangyari sa kanya. Kung ako 'yon siguro nabaliw na ako.



Pero kahit wala ako sa pwesto niya parang nababaliw na rin ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gustong-gusto ko na mahanap na namin siya. Gustong-gusto ko na ulit siyang makita.




Patuloy pa rin ang imbistigasyon nina Detective tungkol doon. Patuloy pa rin nilang iniimbistigahan sina Damon at Hell. Pareho silang nandito ngayon. Pareho silang nandito sa GCU. Wala namang kakaiba sa kanila.



Pero sigurado ako na isa sa kanila ang bwisit na killer. Hindi lang ako sigurado kung sino sa kanilang dalawa. Halos pareho ang boses nilang dalawa. Hindi ko matukoy-tukoy kung sino.



Muntikan ko na silang sugudin, sigaw-sigawan at pagsusuntukin. Gustong-gusto ko silang paaminin kung sino ba sa kanila ang pumapatay. Gusto ko silang takutin para lang umamin na kung sino ba talaga yubg bwisit na killer. Muntikan ko ng ginawa iyon. Pero pinigilan ko lang ang sarili ko.



Habang naglalakad ako ay nakita ko si Damon. Mukhang nagmamadali siya. Parang may pupuntahan. Napansin ko din ang pulang mantsa na nasa ibabang bahagi ng damit niya. Dugo. Dugo 'yon sigurado ako.



Siya ba? Siya ba ang killer?



Sinundan ko siya. Maingat akong nagtatago sa mga posteng nadadaanan namin. Huminto siya sa locker niya at bigla iyong binuksan. Nagtago ako sa isang poste na malapit sa kanya. Inilabas ko ang cellphone ko at pasimple siyang kinunan ng video.




Nagulat ako na may dugo sa palad niya. Halos malaglag ko na ang cellphone ko dahil sa nakita ko. Bakit may dugo sa mga palad niya? Siya ba talaga ang killer?




Nagtago ako agad sa poste nang bigla siyang lumingon sa gawi ko. Sana hindi niya ako nakita.



Narinig ko ang pagsara ng locker niya at narinig ko din ang tunog ng kanyang sapatos na papaalis doon.



Tumakbo ako agad paalis doon nang makitang wala na siya doon. Habang tumatakbo ako ay nakita ko si Hell na papalabas ng gate. Tumigil ako sa pagtakbo. Bakit may dugo ang damit niya? Bakit may dugo din ang mga palad niya???


___________________________________________________________________________________________________________

Cerys's POV




"Pwede ka ba naming makausap?" tanong ko sa kanya. Gusto naming malaman ni Kaizer kung tama ba ang hinala namin. Kung siya ba talaga yung taong iyon. Sana nga siya ang taong iyon. Sana.


Meurtrier ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon