Amber's POV
Kinaumagahan
5 a.m.
Naghuhugas ako ng mga pinagkainan namin. Ibabalik ko na sana sa lalagyan yung basong hawak-hawak ko nang bigla itong mahulog. Nahulog ito sa sahig at bigla itong nabasag. Nahati-hati iyon sa maliliit na piraso. Nagulat ako dahil doon. Bigla din akong kinabahan. Hindi ko alam pero bigla akong natakot. Sabi nila kapag may nabasag na baso may mamamatay. 'Wag naman sana. Sawang-sawa na ako. Pagod na pagod na din ako umiyak gabi-gabi.
Pinulot ko ang mga bubog na nakakalat sa sahig. Habang ginagawa ko iyon ay mas lalo akong kinakabahan. Ito nanaman yung pakiramdam ko na parang may nangyaring hindi maganda.
"Anong nangyari diyan anak?" nag-aalalang tanong ni mama na kakapasok lang nang kusina.
"Nahulog ko po kasi yung baso." sagot ko.
"Ah. Akala ko kung ano nang nangyari sayo. Sige ayusin mo na 'yan at pagkatapos ay maligo ka na." sabi ni mama at naglakad na siya palabas ng kusina.
Katulad ko ay palagi na din siyang malungkot. Simula nang mamatay si kuya ay lagi ko siyang naririnig na umiiyak sa kwarto niya. Pumayat din siya dahil gaya ko ay palagi siyang walang ganang kumain. Alam ko na pinapakita niya lang sa amin ng kapatid ko na matapang siya kapag kaharap niya kami. Alam kong pinapakita niya lang na masaya siya pero ang totoo ay sobra siyang nasaktan sa pagkamatay ni kuya.
Alam kong ako dahilan ng pagkamatay ni kuya. Alam kong ako ang dahilan kung bakit nagkakaganyan si mama. It is all my fault. Ang sakit makita na nasasaktan ang mga taong mahal mo nang dahil sayo. Mas doble ang sakit sa akin.
Napatigil ako sa ginagawa ko nang biglang magring yung cellphone na nasa bulsa ko. Kinuha ko 'yon at nakitang may tumatawag. Agad ko iyong sinagot nang makita ang pangalan ng mama ni Xyra sa screen ng cellphone ko.
"Hello tita? Bakit po kayo napatawag?" tanong ko sa kanya. Hindi naman siya tatawag kung wala siyang dahilan. Nagulat ako nang marinig ko ang pag-iyak at paghikbi ni tita mula sa kabilang linya. Naririnig ko din na maingay ang piligid kung saan man naroroon si tita. Kinabahan ako doon. Hindi naman siya iiyak kung walang dahilan.
"Tita. Ano po bang nangyayari? Bakit po kayo umiiyak?" naghehesterical na tanong ko. "Tita sabihin niyo po sa akin. May nangyari po bang masama? Asan po si Xyra? Nandiyan po ba siya?" sunod-sunod kong tanong. Kinakabahan na talaga ako. Paano kung may nangyaring masama.
"Amber....si...si Xyra." wika niya sabay hagulgol. Ano bang talagang nangyari? Nagsisimula ng mamuo ang mga luha sa gilid ng mata ko. Tingin ko may masamang nagyari kay Xyra.
"Tita! Ano po bang nangyayari? Bakit po si Xyra?" tanong ko. Nagsimula nang tumulo ang luha sa mga mata ko. Alam kong may nangyaring hindi maganda kay Xyra.
"May...may bumangga kay Xyra. Andito kami ngayon sa hospital." wika niya. Pagkasabing-pagkasabi niya pa lang na nasa hospital sila ay agad na akong tumakbo palabas ng bahay. Gusto kong makita si Xyra. Narinig ko pa ang boses ni mama na tinatawag ako pero hindi ko na siya pinansin pa. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong mapuntahan at makita ang bestfriend ko.
Biglang bumugos ang napakalakas na ulan. Nakakainis. Sumabay pa talaga yung pesteng ulan na 'yan. Ngayon pa talaga bumuhos. Basang-basa na ako.
Pumara ako nang may makita akong taxi. Sumakay ako doon at sinabi na pumunta kami sa hospital. Hindi ko na kailangan sabihin kung saang hospital dahil iisa lang ang pinakamalapit na hospital dito sa bayan namin.

BINABASA MO ANG
Meurtrier Obsession
Mystery / ThrillerMystery || Vampire || Romance ________________________________________________________________________________________________________________ I am happened to be 'His Obsession'. But who is he????! __________________________________________________...