Chapter 5 - Abyss of Fear

7.2K 116 5
                                    


Mabilis na nagdaan ang afternoon class namin. Mula kanina ay hindi ko na kinausap si Yvelson. Hindi niya rin naman ako pinapansin which is the good thing. Hindi ko gusto ang nangyari kanina sa locker room. Nakakainis lang kasi ang clumsy ko. Ang awkward talaga. Ayokong bigyan ng malisya 'yung nangyari pero paano kung may iba pang nakakita kanina?

Ano na lang ang sasabihin sa'kin ng ibang tao?

Hindi ko mapigilan ang mag-isip, halos hindi na nawala sa utak ko ang pangyayaring 'yon hanggang papauwi ako. Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng school nang may makita akong babae na kumakaway sa'kin. Si Raine, lumapit siya sa akin at ngumiti.

"Hi Keia!" bati niya nang nakangiti pa rin.

"Hello," bati ko pabalik at akmang maglalakad na sanang muli pero pinigilan niya 'ko.

"Alam mo, sabay ka na lang sa'kin. Susunduin ako ni Daddy, ipapakilala kita sa kanya," she offered me excitedly.

"Hindi naman na kailangan," nahihiyang sabi ko.

This is what I hate the most, to talk with other people. Lagi na lang ako napangungunahan ng hiya. Hindi talaga ako magaling sa pakikipag-usap kaya siguro wala akong kaibigan.

"Okay lang 'yan, friends naman na tayo eh at saka sasabay ka sa'min dahil tinulungan mo 'ko no'ng nakaraan," sagot niya naman.

"Sige na nga," I answered then smiled at her.

Naglakad kami pabalik sa gilid kung saan naka-park ang kotse ng daddy niya. Nauna siyang pumasok sa kotse at sumunod naman ako.

"Dad, this is my friend, Keia Jhasmin Aster," Raine introduced myself to her Dad.

Her dad looks at me as if he knows me that's why I smiled at him politely. "Hello po Sir, good afternoon," I greeted him.

"Aster," he murmured in a very formal way and he seems like trying to remember something. He start the engine of the car.

"Ikaw ang anak ng mag-asawang Attorney Aster?" he stated with a bit of amusement in his voice.

Napangiti ako. "Yes po."

"I'm Attorney Veltroid. Nice meeting you. I remember your dad because of you. You exactly looked like him," he smiled with full of amazement.

Ang kwento sa'kin ni lola ay mas kamukha ko si mommy pero sa mga albums din na nasa akin, hawigin ko nga talaga si daddy. He start to face the road and drove slowly. I saw Raine smiling at me, I just smiled back.

"Thank you po tito. Bye Raine, see you tomorrow," nagpaalam na ako sa kanila nang makarating kami sa tapat ng bahay.

Sa kabilang village pa sila nakatira but they refuse to drop me at the village entrance. Hinatid na nila ako hanggang dito sa bahay.

"Bye," she waved at me.

I waved my right hand. "Ingat!"

Hinintay kong mawala sa paningin ko ang sasakyan nila bago pumasok.

"Lola," I hugged her.

"How's your school?" tanong niya sa'kin. Nakasuot siya ng apron, naghahalo siya ng flour at eggyolks, nagbe-bake pala siya.

"Masaya naman po Lola, I'm honestly having fun with my new friends," I smiled at her.

"Oh, I see, mabuti 'yan apo," she smiled back.

Naalala ko ang pagbati sa'kin ng daddy ni Raine kaya naman naisipan ko itong itanong kay lola Leticia.

"Lola, do I looked like my Dad? Sabi po ni Attorney Veltroid, daddy po ng kaklase ko." I stated, nagulat si Lola sa tanong ko saka siya mahinang tumawa.

A Demon's LoveWhere stories live. Discover now