Chapter 6 - Photograph's Farewell

6.4K 119 6
                                    


Pumasok ako sa classroom kasama si Raine. Tahimik lang ako dahil hindi mawala sa isip ko ang panaginip ko. I hate to bother myself, I know it's just a nightmare but it still creeps me out.

"Okay ka lang ba?" napalingon ako sa lalaking nagsalita sa tabi ko, si Yvelson.

I looked at him, "Ayos lang ako," sagot ko naman ngunit walang gana.

Hindi ko rin alam, ang laki ng hatak sa mood ko ng panaginip na 'yon. Bigla akong nagtaka, nalungkot at higit sa lahat ay natakot. Lahat ba ng panaginip ay may dahilan? Kung mayroon man, anong dahilan kung bakit ako nanaginip ng gano'n kagabi?

Hindi nagsalita si Yvelson kaya mas mabuti naman. Ayoko na muna ng may kausap ngayon, I'm really not feeling well. Sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip.

Dumating ang teacher kaya kahit papaano ay na-focus ang atensyon ko sa lesson at hindi sa panaginip ko. Dumating din 'yung ibang mga teachers at ipinagpatuloy ang mga lessons namin na hindi natapos kahapon.

Mag-isa akong naglalakad ngayon papunta sa canteen. Hindi pa man ako nakakarating, naramdaman kong may sumusunod sa akin pero hindi ko ito pinansin. Tumabi ito sa'kin at sumabay sa paglalakad pero hindi ko ulit ito pinansin. Parang ang sama ng pakiramdam ko at hindi ko maintindihan kung bakit.

"Okay ka lang ba talaga, Keia?" tanong ni Yvelson na sinabayan na ako sa paglalakad.

"Oo naman, I'm just not in the mood," sagot ko saka dumeretso na sa paglalakad.

Nakarating kami sa canteen na hindi nag-iimikan, marami na rin ang tao sa loob. Umupo kami sa usual table namin. Nakaupo roon si Thalia kasama si Raine. Mukhang nag-uusap sila.

"Makikisabay sana ako mag-lunch," nahihiyang ngumiti si Raine.

"I told her it's fine," nakangiting sabi ni Thalia.

"Oo naman, Raine. Sumabay ka na sa amin pagkain." Sagot ko naman saka pilit na ngumiti.

Mabuti naman at kilala na rin nilang lahat ang isa't isa dahil nakapag-usap naman na si Thalia at Raine habang hinihintay kami ni Yvelson.

Dumeretso kaming apat sa counter ng canteen at nag-order. Habang nasa pila dala ang aking tray, naramdaman kong may dumaan sa gilid ko. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Clark na naglalakad na palayo. I was about to call his name but the canteener is already asking me kung anong order ko, kasi marami pa raw ang nakapila at nakatulala lang ako sa kung saan.

Inuga pa ni Raine nang mahina ang balikat ko kaya napilitan akong um-order ng kung ano ang unang nakita kong pagkain. Nang ilapag ko ang tray sa counter para ilagay ang mga pagkain na binili ko, noon ko lang napansin na may nakataob na papel sa tray. Nang kuhain ko ito ay hindi naman pala basta papel dahil ito ay photopaper. Hinarap ko ito sa akin at nangunot ang noo ko nang makita ang larawan ko. Nakatayo ako habang naglalakad mag-isa sa hallway at mukhang sekreto lamang na kinunan ang litrato dahil malayo ang pag-capture nito. Inilibot ko ang paningin ko para hanapin si Clark dahil paniguradong sa kanya galing ang picture na 'to. Napangiti man ako nito pero nakakainis pa rin siya.

Napabuntong-hininga na lang ako habang muling tinitingnan ang picture. Nakita pa ni Raine ang picture nang bitbitin ko ang tray ng pagkain.

"Ano 'yan? Saan galing?" biglang tanong niya kaya agad ko itong itinago.

"It's a picture of mine." I shrugged.

"Kanino galing?" tanong naman ni Thalia saka kami nagsimulang maglakad.

"Hindi ko alam, hayaan niyo na lang," ang tanging naisagot ko saka naunang maglakad pabalik sa table.

Nang lahat kami ay naka-order na ay nag-offer si Raine na magdasal.

A Demon's LoveWhere stories live. Discover now