Chapter 7 - When Trust Breaks

6.5K 116 12
                                    

Simula nang managinip ako, paulit-ulit na itong nangyayari. Iisa lang din ang palagi kong napapanaginipan. Palaging may humahabol sa'kin at minsan kapag nahahabol niya ako, pinapatay niya ako. Paulit-ulit lang 'yung gano'ng pangyayari sa panaginip ko.

Isa pang ikinakabahala ko ay 'yung naka-black hoodie jacket ay palagi ko pa ring nakikita. Ewan ko ba, hindi ko alam kung ano bang kailangan niya at pakiramdam ko sinusundan niya ako.

Ang tanging mabuti na nangyari this week ay mas lalo na kaming naging close nila Thalia at Raine. Halos lagi na kaming nagkakasama sa school tuwing lunch. Nagkukwentuhan sa garden sa school at minsan sumasabay kami ni Thalia kay Raine pauwi. I feel more comfortable with them which I think is pretty good lalo pa sa katulad kong hindi gano'n kadali makahanap ng kaibigan.

Minsan na kaming nag-sleep over sa bahay nila Raine last last weekend. Ang saya kasi all girls tapos nanood kami ng movies at nagkwentuhan bago matulog. Minsan gumagala rin kami sa district, mall at park, kung saan namin gusto at kung pwede kami.

Minsan pumupunta rin sila rito sa bahay para samahan ako everytime na may seminar si lola at gabi na siya kung umuwi.

Pinagtatawanan nga nila ako dahil ang hilig ko raw magbasa ng mga horror books, hinalungkat nila ang bookshelf ko rito sa kwarto at natatawa sila kasi wala silang makitang romance, love stories o kahit na ano basta hindi lang related sa horror.

Naghanap din sila ng mga movies sa laptop ko pero puro horror movies ang nandoon. Para raw akong alien kasi kahit mag-isa akong nanonood ay hindi raw ako natatakot. Feeling ko nga eh mas dumaldal ako ngayon, siguro mas nae-express ko na ang sarili ko kaysa noon. Nararamdaman ko na naibabalik ko na kahit papaano ang tiwalang ibinibigay nila sa akin. Pinagkakatiwalaan ko na rin sila gaya nang pakikitungo nila sa akin. Sana hindi ito magbago.

Si Yvelson, walang pinagbago, he's still the same guy as before at higit sa lahat ay nakakaasar pa rin siya. Wala namang bago, palagi pa rin siyang nangungulit na parang bata. One day nga um-absent ako dahil nilalagnat ako, kaya naman pagkauwian nila, dumeretso siya rito sa bahay para kumustahin ako.

Nauna pa siya kina Thalia at Raine na kumamusta sa'kin. Naaubutan nga siya nila Raine at Thalia rito sa kwarto ko kaya halos asarin kami no'ng dalawa.

"Good morning lola," masiglang bati ko pagbaba ko.

It's first week of august at nakakatuwa na nakaka-excite dahil one month na lang ay bermonths na. Marami ring ginagawa sa school at narinig kong may bagong events ang paparating, paniguradong may kinalaman ito sa Buwan ng Wika at Intramurals. Sa tingin ko magiging masaya 'yon dahil ngayon ay may mga kaibigan na ako kumpara last year.

"Good morning apo," bati ni lola pabalik.

Umupo ako sa tabi niya at nagsimulang kumain ng agahan. Nag-usap pa kami nang nag-usap ni lola hanggang matapos kumain. Ihahatid niya ako this morning papasok sa school dahil may inaasikaso siya sa mga papeles tungkol sa bahay. Hindi ko naman na siya natutulungan dahil whole day ang pasok ko, tuwing weekends lang.

"Keia! We're here," bati ni Raine sa akin na kumakaway sa garden. Kasama niya si Thalia na naka-smile sa akin.

I smiled back. "Hi! Good morning," bati ko sa kanila.

"Kumusta?" nagulat ako sa lumabas bigla galing sa likuran ng puno na si Yvelson.

Nakaupo kaming tatlo sa bench at nasa gilid ito ng puno.

"Ayos lang naman," tanging sagot ko.

"Hays, ang dami nating gagawin!" pagrereklamo ni Raine sa'kin.

"Ay oo nga pala, Raine 'yung group project natin pakisabi kay Ashley magre-research ako mamaya sa library," paalala ko naman kay Raine.

A Demon's LoveWhere stories live. Discover now