"Sigurado kang ayos ka na?" tanong ulit ni Thalia for the nth time.
"Huwag na kayong mag-alala sa'kin, ayos lang ako," paninigurado ko sa kanila.
"Tara na sa loob," sabi naman ni Raine.
"Sige na, papasok na ako sa room namin mabuti at wala pa kaming teacher," nakangiting sabi ni Thalia at saka umalis.
Buti hindi kami pinagalitan ng teacher namin, fifteen minutes na pala kaming late. Si Raine ang nagdahilan na sinamahan niya ako sa clinic dahil sumakit ang ulo ko. Parang totoo nga eh, sumasakit talaga 'yung ulo ko, biglang sumakit dahil sa mga nangyayari.
Nag-focus ako sa lessons namin, mabuti 'yung next teacher namin nagpasulat lang habang 'yung isa naman ay nagpa-recitation lang at hindi ako natawag. Mabilis na natapos ang oras siguro dahil sa ang dami kong iniisip.
Mag-aalisan na sana kami ng pumasok ang adviser namin at nakangiti siyang naglakad papunta sa table sa harapan.
"Good afternoon students!" bati nito sa lahat.
"Since we still have 30 minutes, pag-usapan natin 'yung mga ilalaban sa Buwan ng Wika," she said excitedly.
Napuno ng ingay ang room, mga reaksyon at mga kantyawan. Umayos kami nang upo nang magpatuloy si Ma'am.
"May poster making, slogan, sanaysay, at pagsulat ng tula at marami pang iba," pagsimula ni Ma'am. "Ang mga 'yan ay pare-parehas ng tema na 'Filipino: Wikang Pagbabago'" dagdag pa ni Ma'am.
Lahat ay nagsa-suggest at nagpa-participate para sa event na mangyayari bago mag-end ang August. Tahimik lang naman ako dahil wala akong lakas para makisali pa sa kung anoman ang pinag-uusapan ng lahat. Mas gusto ko na ngang umuwi na lang sa bahay at magpahinga.
"So lastly, ang inaabangan ng lahat. Ang Mutya at Lakan," sa pagbanggit no'n ni Ma'am ay naging magulo na naman ang room, lahat excited at lahat halos ay nagsa-suggest.
"So sino? Any suggestions?" tanong ni Ma'am sa lahat.
"Ma'am, si Paolo po for Lakan," sabi ng classmate kong babae.
"Ayoko, Ma'am," matigas na sabi nito.
Natawa lang naman si Ma'am. "Edi wag!" biro niya.
Nagtaas ng kamay si Raine at tumayo.
"Ma'am si Yvelson po," nakangiting suggestion ni Raine.
"Okay, Mr. Yvelson, please stand up, pumapayag ka ba?" tanong ni Ma'am.
Napakamot ng batok si Yvelson at bahagyang napatingin sa'kin. Ngumisi siya sa'kin kaya kinabahan na ako. Parang alam ko ang gusto niyang mangyari. I looked at him disagreeing but he just smiled at me.
Tinitigan ko siya nang masama. Huwag ngayon, Yvelson.
"I'll join in one condition," sabi nito habang nakangiti, he even motioned his index finger. "Sasali ako bilang Lakan kung si Keia ang magiging Mutya," nakangiting sabi nito at tumingin pa sa'kin saka nagtaas ng kilay.
Napayuko na lang ako sa hiya. Alam ko na matalino naman ako pero hindi ako maganda. At saka wala akong panahon, ang dami kong iniisip tapos dadagdag pa 'yan? Tinitigan ko si Yvelson nang masama pero nginitian niya lang ako.
"Ms. Keia? Are you willing to join?" tanong ni Ma'am.
Tumayo ako at magdi-disagree na sana nang magsalita si Raine.
"Ma'am payag na 'yan," sigaw ni Raine, tumawa ang iba sa mga kaklase ko at nakisali pa na sumigaw ng payag na 'yan!
"Ms. Keia?" tanong ulit ni Ma'am matapos niyang patahimikin ang klase.
YOU ARE READING
A Demon's Love
ParanormalKeia has always felt like an outsider in her own life. Haunted by cryptic memories and the unsettling stories her grandmother used to tell, she's learned to trust no one- not even herself. But when Yvelson appears, her world begins to unravel. Yvels...