12:32 pm
GABBI
Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Wala akong maalala sa kung ano man yung mga ginawa namin last night. Ang tanging naaalala ko lang ay nag enjoy lang kami ng mga kaibigan ko. Sana naman wala akong ginawang ikasisira at ikahihiya ng pangalan ko.
"Gab!!!" Jusko si mommy talaga ang lakas ng sigaw.
"Pababa na po" Kahit nakahiga pa rin hahaha para lang tumigil na sa kakasigaw ang mommy ko.
"Dalian mo Gabbi" Bakit ba nagmamadali 'to. Anong kailangan sa akin?Jusko po wag niyong sabihing may kinalaman to sa kagabi? Wag naman sana. Wala naman akong ginawa diba? Meron ba?
Hinanda ko muna ang sarili ko. Ginawa ko muna yung morning routine ko. Pagkatapos kong gawin yung mga ito, bumaba na ako.
"Good morning Mom!"
"Ano bang ginagawa mo sa kwarto mo at ang tagal tagal mong bumaba?" Agad tanong sa akin ni Mommy. Wow di man lang ako binati ng good morning.
"I just woke up Mom"
"What?!Kakagising mo lang?Anong oras ka bang umuwi kagabi ha at late ka ng nagising ngayon?"
"I don't know. Teka nga mommy bakit ba ang lakas ng sigaw mo kanina? Bakit ba pinapababa mo ko?" Iniba ko kaagad yung usapan namin dahil baka pag sinabi kong late na kami nakauwi kagabi ay hindi na ako payagang maglakwatsa.
"Someone's looking for you. Kanina pa siya naghihintay sa sala." Nagulat ako dahil sa pagkakaalam ko wala naman akong lakad ngayong araw at wala namang akong darating na bisita ngayon. Sino kaya yon?
Kaagad akong pumunta sa sala para tignan kung sino yung naghahanap sa akin at nagulat ako ng makita ko si.....
"Khalil???"
"Hi,Gab!" Bati niya sa akin ng makita niya ako na gulat na gulat.
"Bakit ka nandito?Kailan ka pa umuwi?" Malaking question mark pa rin yung nasa utak ko ngayon. Di ko pa rin maintindihan bakit nandito 'to? Bakit nga ba?
"Yesterday lang. Ayaw mo ba akong makita?"
Khalil is one of my boy bestfriend since elementary. Nagmigrate sila sa states kaya doon na siya nag-aral simula grade eight. Ang tagal din naming di nagkita nitong lalaking to. Nakakamiss yung bonding namin.
"Of course not! Pero bakit ka ba nandito? Di mo man lang ako sinabihan. Tanong ko at gulat pa rin ako.
"I was calling you so many times and I texted you too but you're not answering me that is why I went straight here.Why?Are you mad?" Hala! Nasaan na ba yung phone ko? Paggising ko wala naman sa study table ko.
"Really? Oh my Gosh! I'm so sorry. I don't know where's my phone kasi e."
"It's okay. So are you ready?"
"What do you mean ready? Saan?"
"Let's go somewhere? Pwede ka?" Ang cute magtagalog nito. Halatang englishero na.
"I'm not yet ready. Look kakagising ko lang."
"I'll wait" Maghihintay talaga siya sa akin?
"Okay. Magreready lang ako."
"Okay" Umakyat ako kaagad sa room ko para magready.
After one hour. Natapos din ako. Hindi pa kaya nakatulog yun? Kaagad na akong bumaba dahil baka naiinip na yun sa sobrang tagal ko.
Pagkababa ko nakita ko siyang nagcecellphone. Buti nalang di siya nakatulog hahaha.
"I'm done!" Sigaw ko. Mukha kasing di niya namamalayan na nandito na ako e.
"Come on?" Tanong niya habang nakasmile sa akin.
"Wait, I'll just tell my Mom"
"Okay"
"Mommy?! Alis na kami!"
"Okay! Ingat kayo ha. Kaagad umuwi Gabbi!" Sabi niya. At nagpaalam din si Khalil sa kanya.
"Yes,mommy! I love you" Then I kissed her.
"Una na po kami tita. Ako pong bahala kay gab."
"Okay. Ingat sa pagmamaneho hijo."
"Yes po tita."
At sumakay na kami sa sasakyan niya. Ang tahimik! Hindi ako sanay kaya nagsalita ako.
"Saan tayo pupunta?"
"Where do you want to go ba?"
"Anywhere.Choosy pa ba ako diba" Bigla siyang tumawa sa sinabi ko.
"By the way, did you ate breakfast already?" He asked.
"Nope" I said.
"Okay, you should eat first. Let's go to my favorite resto."
Hi guys! Don't forget to vote and comment!!! All the love😘
YOU ARE READING
Nothing Lasts Forever
Fanfiction"If nothing lasts forever, can you be my nothing?" >> ON GOING <<