Huminto kami sa isang restaurant at sinabi ni Mommy na doon daw kami magkikita nung kaibigan niya, nagpaalam ako kay mommy na magcr syempre kailangan maayos yung pagmumukha ko no.
Nagliptint at nagpulbos lang ako, pagkatapos ay lumabas na rin ako ng cr at hinanap sila mommy.
Nakita ko si mommy na mukhang hinahanap ako, dahil malaki at maraming tao sa napili nilang restaurant na kakainan namin. Itataas ko na sana ang kamay ko para makita niya ako nang makita ko kung sino ang mga kasama niya...
Why are they....wait is this f* real? S-she's with t-tita M-maricel? She's mom's best friend???
"Gab!" Narinig kong tawag sa akin ni mommy. Kaya pumunta na ako at nagbeso kila tita Maricel at tito Anthony.
Nakita ko din na nagulat sila dahil hindi nila expect na ako yung anak ng kaibigan nila.
"Gabbi?" Tita Maricel was surprised when she saw me.
"Yes po tita, it's me yung friend ni Juju and kayo po pala yung best friend ni Mommy???" hanggang ngayon gulat pa rin ako.
"Kaya naman pala maganda. May pinagmanahan e." tinawan ko nalang si Tita.
"You know each other? Have you two met?" Nagulat din si mommy kaya tinanong niya kung nagkita na kami kasi hindi ko nga pala nakwento sa kanya na nagkita na kami, pero hindi ko naman alam na siya yung best friend na sinasabi niya.
"Yeah, we met each other noong nagdinner sila ni Julia." sagot ni tita Maricel na hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala.
"Yes, mommy" pagsang-ayon ko.
"Oh by the way, this is Hannah and your Ate Ella and Benj went to the comfort room. Kids, this is Gabbi." Tita Maricel introduced us to each other.
"Hi Ate Gab. You are so beautiful!" Hannah greeted me at nginitian ko naman siya.
"Nice to meet you Gab" Ate Ella said.
"It was also nice meeting you both" I replied and smiled to them.
"Anyway, tita where is Solana?" hinahanap ng mga mata ko si Solans dahil hindi nila siya kasama.
"Oh, she's with Dons. Bumili sila ng cake." She answered.
"Cake?" I asked. May birthday celebrant ba? Is it her birthday? We didn't even brought gift.
"Yes, just for a little thanksgiving. Since your mom and I bond again after how many years sobrang busy din kasi" Sagot ni tita Maricel.
When the food finally arrived, Solana and what??? Totoo ba 'to? Siya yon? Seriously? Myghaaaaddd!!!! Letchugas!!!
"Ate pretty!!! You're here." tumakbo si Solana papunta sa'kin nang makita niya ako at saka niya ako niyakap. Ang cute talaga niya at nagulat din siya na nandito ako. P-pero ba't si Donny hindi nagulat?
Kiniss ako ni Solana sa pisngi at nagbeso naman siya kila Mommy at Daddy.
Nagbeso din si Donny kila Mommy at Daddy and nagulat ako dahil nagbeso siya sa akin at saka niya binati sila mommy at daddy.
"Nice to meet you po and of course you Gabbi." Aba at ngumiti pa talaga siya.
"You two look good together" Daddy teased and I was shocked for a second. Then, I look at Donny but he was just smiling!!
"Oo nga" dagdag pa ni Tito Anthony pati na rin sila Mommy, Tita Maricel, Ate Ella, Hannah and Benj. Ayan tuloy inaasar na kami.
"Kuys, I want Ate Gabbi for you" nagulat naman kaming lahat ng biglang magsalita si Solans. Kaya ayun nagkatinginan kami ni Donny.
Nagtawanan naman silang lahat sa sinabi ni Solana.
"Come on stop, Gabbi's already blushing oh?" Sagot naman ni Donny habang nakatingin sakin. Habang sila mommy ang tumatawa naman.
Samantalang ako ay nagulat sa sinabi niya kaya tinignan ko rin siya at kitang kita ko yung ngiti niya na nang-aasar. Seryoso ba 'tong mokong na'to? ako namumula? Nagbablush ba siya? Duh, me blushing? Baka the faceshop liptint lang yan.
"You gotta be kidding me." Mahinang sabi ko pero alam kong rinig pa rin ni Donny. In his dreams no!
Habang kumakain kami, iniisip ko pa rin kung bakit di ako nakilala ni Donny. Hindi niya ba ako namumukhaan? O nagpapanggap lang siya na walang nangyari sa pagitan naming dalawa? Hay! Wag ko na ngang isipin yon. Atleast di niya na naaalala yung away namin.
Kumain nalang ako at ninamnam ang pagkain ko. Habang siya nasa harapan ko na seryosong kumakain.
Ang gwapo niya, ang tangkad, kahit ang gulo ng buhok gwapo pa rin, may taste siya sa damit, ang ganda ng eyes, ang tangos ng nose, ang cute ng labi, ang perfect!
Bigla namang sumulpot tong kaluluwa at sinabi pang "Myghaaadd Gabbi ano ba yang mga pinagsasabi mo" panira ka self e no panira!!! Kitang nagmomoment yung tao dito tapos bigla kang susulpot! Hustisya naman oh!
~※~
YOU ARE READING
Nothing Lasts Forever
Fanfiction"If nothing lasts forever, can you be my nothing?" >> ON GOING <<