*******
YOSHIKA'S POV
"WHAT?!"
"Ay ipis!! ano yun?" tanong ko sa sarili ko dahil sa sigaw.
"Oy anong ingay yan?" Si nanay yun.
Paglabas ko nakita ko si kuya kakambal parang nanakawan grabe ang mukha.
"Huhuhuh..si Cardo nay, nahuli nina Butete at Bulate. Huhuhuhu pa'no na yan?" Sabi ni kuya kambal, tsk ganyan talaga yan ang kuya ko napaka-OA rin kaya nakikigaya na si Charmaine.
"Aytss...yun lang pala yan, kala mo may sunog" sabi ko kay kuya sabay talikod.
Nang balikan ko yung notebook, nagsulat na lang ako ng "NAPAKA-OA" wala lang type ko lang. Nanlaki mata ko sa nakita ko. Nawala bigla yung sinulat ko at may lumabas na words na "SINO" watda.. siguro nanaginip lang ako kaya papaluin ko na sana ang ulo ko....
Your not dreaming, and don't tell anyone you have a notebook like me. If you had a time, read the laws in the first page.-ayan biglang lumabas, ewan ko siguro kulang lang ako ng tulog, oo nga tulog lang grabe, nakakatakot na yang notebook na yan kaya nilagay ko na siya sa bag at natulog na'ko.
***********
"Arayy naman Charmaine" sabi ko kay Charmaine, grabe manapak.
"Kanina ka pa nakatulala. Ano ba yan iniisip mo?"
"Ahh... Yung n--" naputol sasabihin ko kasi naalala ko yung sinabi ng notebook na wala dapat ang nakakaalam nito.
"Nnnn?" Tanong ni Charmaine.
"A-ahhh y-yung nnn...ninakawan na kapitbahay ko nalaman na nila kung sino ang magnanakaw...yun nga oo nalaman na nila, buti nga at ikukulong na yung magnanakaw. Hehehz" patay grabe makatingin sakin si Charmaine, sana paniwalaan na niya.
"Totoo? Buti na lang sa magnanakaw na yun." Phew.. buti na niwala ka."Ay hali na sa canteen gutom na'ko eh" yaya ni Maine
"Sige..CJ, sasama ka ba samin?" tanong ko kay CJ, ayy kainis naka headphone pala siya, tangingi. Kaya niwave ko hand ko sa harap nita para mapansin niya "Uyy CJ, gusto mo sumama maglunch samin?"
"Yahh...just wait for a minute." Sabi niya at nagligpit na ng gamit niya.
****
Ng natapos na kami kumain pumunta na kami agad sa room namin.
"Hahahha......loka" naririnig ko na sabi ni Kharylaine. kaya napatingin na lang ako sa kanya.
"Oyy...napano ka?" Tanong ko sa kanya, tumatawa ng mag-isa.
"Whaha kasi may post dito sa fb na nakakatawa... Hashtag LOL" tss, loka talaga.
"FB? Ano yun?" Tanong ko sa kanya, familliar kasi parati ko naririnig.
"Wow Yoshika, fb hindi mo alam?"
"Kaya nga nagtatanong eh." Hayshh obvious naman hindi ko alam eh.
"Ahhh yung fb ay facebook. Ito ay----"
"Huh? May tao bang mukhang book? Depende pag flat ang mukha." Takang sabi ko.
Inirapan naman ako ni Khary "Pwede bang patapusin mo muna ako magsalita? Hayshh epal, ang fb or facebook ay isang social media kung saan.............." Paliwanag ni Kharylaine.
"Ahhh...yun pala ang fb, now i know." Sabi ko kay Khary
"Wag mong sabihin na wala kang account sa fb?" Tanong ni Khary
"Ahhh...hehehzz" sabi ko, mukha naman wala akong fb, tas aasarin niya na naman ako nyan...huhuh
"Sabi na nga ba eh wala ka, kung gusto mo gawan kita, saan cellphone mo?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa cellphone. Himala wala niya ako inaasar.
"Woah girl, don't tell me even cellphone wala ka?" She ask at sa akin na nakatingin.
"Hehehzz sabi kasi ng nanay ko nakakadistract lang daw yun sa pag-aaral ko." Totoo naman, nakakadistract talaga, si kuya nga malapit ng maaddict sa mga computer games kaya hindi siya pinapagamit ng computer except pag need.
"Ewan ko sa'yo girl, napaka-OA rin ng mama mo." Sabi niya at binalik na ang tingin sa cellphone niya.
"Ahhh Khary, diba sabi mo pwedeng lahat ng tao may fb account?" Tanong ko sa kanya.
"Yess..pero dahil sayo siguro hindi na lahat. Bakit?
"So pwede ba dyan magsearch ng name nila?"
"Yeah and why? May ipapasearch ka?"
"Ahh..kasi, ehh gusto ko sana ipahanap yung kababata ko ehh, miss ko na kasi siya may pinangakuan nga kami sa isa't isa eh..." Sabi ko sa kanya na nahihiya pa.
Tinignan niya ako ng maigi parang nag-iisip "Sige, anong pangalan niya?"
"Uhmm..si ano oh" ano ba yun ulit name niya? Ayy oo nga "Si ano oh, si Saje."
"Saje? Last name?"
"A-ahhh ehh, yan lang kasi ang sinabi niya ehh, pero pag hindi talaga mahanap wag na lang" sabi ko sa kanya na nahihiya pa. Eh kasi inuutusan ko na siya.
"Hindi Yosh, ok la---" wala na natapos ni nang biglaan sumulpot si Charmaine "Ay Saje ni Yoshika!!" Whaaah kainis ang ingay ni Khary.
"Yosh!! Sino si Saje hah?! Kaano ano mo siya hah?! Siya ba ang bagong mong kaibigan?! Pinagpalit mo na ba kame hah?! Magsalita ka!!" Grabe, hindi na ako magugulat.. bakit ko ba naging kaibigan ang isang best in actress?
"Hayyshh..your so very loka girl, nakakabingi ka rin no? Tsk.. hashtag best in actress ang peg." Si khary yun, napakaarte magsalita pero anbait naman.
"Ayyy heheh sorry, sino pala si Saje?" Malumanay na tanong ni Charmaine. Bipolar.
"Ahh si Saje, kababata ko yun...siya yu---"
"What?! So ganun hah?! Siya lang pala ang palaging iniisip mo hah?! Hindi mo ba napapansin na nasa tabi mo lang kami parati pero si Sage na yan lang ang parati ang nasa isip mo hah?!?" Hayshh kahiya, tinitignan na lang kami ng mga kaklase namin. "Alam mo? In my life wala ko kayo pinagpalit dito.." sabay turo niya sa puso niya, "Kasi mahal ko kayo" halos mangiyak ngiyak na sabi niya, hay naku here we go again.
"Hay naku Maine, may sinabi ba siyang pinagpalit na tayo? Kapag nag-iisip siya minemention niya ba si Saje na yan? Diba ngayon lang? May sinabi ba siyang si Saje lang ang gusto niyang kasama? At may sinabi ba siyang hindi niya tayo mahal? Kung hindi man sana hindi na tayo magkaibigan ngayon.. alam mo best actress ka na talaga....tsk" si khary yun... Bwhaha sila talaga yan ang parating nag-aaway Ms.Maldita VS. Ms.OA
"Oo nga noh, wala siyang sinabi...whahha grabe ang OA ko na pala?" Loka talaga yan si Maine.
"Ay wow, at ngayon mo pa lang napansin?" Si khary, mukhang matatakpan ko na naman ang tenga ko hah.
Napatingin na lang ako sa tabi ko, si CJ, mukhang napapahinga nakasuot ng headphone at nakahiga ulo niya sa table niya...impernes
Ang gwapo ni CJ
-----
Sorry po kapag naguluhan kayo. May kakambal si Yoshika pero Kuya ang tawag sa kanya, kasi magalang na bata talaga si Yoshika.
YOU ARE READING
MY WISHING NOTEBOOK
Teen FictionIsang weirdong notebook na kayang tuparin ang mga kahilingan ng kanyang amo na isang babae, at ang notebook na rin yun ang tutulong sulbahin ang mission ng babae na alamin kung ano ang meron sa isang weirdong lalaki.