Chapter 1

46 7 8
                                    

Nagmamadali na akong pumasok ng school ngayon. Kasi baka bungangain na naman ako nyan.

-----------

Anyways im Yoshanika Itadaki, Yoshika for short hehehz. Yes my half japanese ako. Tatay ko ay isang japanese pero namatay daw siya, kasama daw siya sa eroplano nung nahulog yun..nasa sinapupunan pa daw kami ng kakambal kong kuya nun. Ayshhh maya na daw ang chismosan late na ako...
---------

Patakbo na talaga akong papunta sa room ko. Anlayo pa kasi, nasa campus C pa yun room ko eh nasa gate palang ako. Patay na ko pagnalate...huhuh first time pa baya toh.. At dahil si tanga ako,

BOOOGSS

"Aray! Pwet ko! Huhuhuhu" sa kakatakbo ko may nabangga lang naman ako. Kainis dagdag late. Nahulog pa tuloy glasses ko kaya pinulot ko.

DUG.DUG.DUG. wah ano yon?!bomba?!drum?!

"Tskkk...tanga tanga pa kasi, unang araw ko pa dito malas agad" ano sabi nya?! Ako malas?! Minamalas ko araw nya?! Ay teka bago pala sya dito? At dahil mabait ako tutulungan ko nalang sya.

"Ay sorry po kuya, tutulungan na lang po kita hanapin room mo" kaya tumayo ako bigla at inabot ko kamay ko sa kanya para makatayo sya. At tinanggap nya naman. Omege kuryente!!!

"Room E-104" dahek! Nanaginip ba ako?! Ang gwapo omegeshhh!!! Ay teka ka room kami huh?!"hey miss tutulungan mo ba ako o hindi?" Hayshhh napakasungit naman taray ni kuya, tutulungan ko na lang sya.

"A-ay sorry po , hehehz sumunod ka na lang sakin tutal same pala tayo ng room....uhmmm transfer ka?"tanong ko sa kanya.wala lang gusto ko lang malaman.

"Ano ba sa tingin mo? Hindi ba obvious?" Laka pilisopo na maldito pa...tinutulungan na nga eh.

"Hay oon, sumama ka na lang daw sakin...sungit" kainis kasi.

"What did you say?" Taong nya, Sabi ko sungit mo.

"Sabi ko sumama ka na lang sakin" palusot.com sabi ko

"Tsk, it is not what i mean" sabi nya..nakakapagod talaga sya kausap.

---nasa pintuan na ng room---

Hayshhh after a zillion years kasama ko yung ewan ko kung sino, nasa labas na kami ng room.

Pagminamalas ka ba naman, naglelecture na si Ma'am Yosores, ang pinaka ayaw ba naman nya ang sirain ang paglelecture niya.

Kaya ako nagsuot na ng shoe protector ko at papasok na sana ng room at maggrigreat ng biglang.....

"Ms.Itadaki..Why are you late, REASON?!?!" Halimaw na ngayon si maam..huhuhu mabait man talaga yan sya, kaya lang pag guluhin mo ang paglelecture nya..parang kakainin ka na nyan ng buhay.

"Ah..ehhh...kasi po ma'am...."patay pa'no ko ba sasabihin, mas magagalit talaga yan si maam.

"KASI?!?, oh ikaw pala yan Chrizellio Josh, saan nanay mo? Wala ka ba hinatid man lang?" Sabi ni maam na malumanay na..phew, ahh si Chrizellio Josh pala yung lalaki. CJ for short na lang daw.

"Busy po kasi sya sa work" cold na sabi ng lalaki, at aba marunong pala siya magPO?

"Oh, pano mo nalaman room mo dito? Ikaisa ka pa lang pumunta dito ha' himala naman mamemorize mo? Sa laki ng school na toh'" takang tanong ni maam kay CJ.

"Sinamahan po kasi ako nitong babae" paliwanag ni CJ, phew my saviour..what? Ano ba yan sinasabi mo yoshika.

"Ahhh kaya pala nalate ka Yoshanika? hmm kaya pasok ka na lang, wag na uulitin kung nalate man" bait ni maam, anghel yata yang CJ na yan, ay hindi mukang anghel lang pero yun ugali, erssss ano na ba yan sinasabi ko.

"O-opo maam, sorry po" sabi ko kay maam.

"Good go back to your seat, At ikaw naman Chrizellio sa tabi ni Yoshika, from now on sya muna ang magtutulong sayo dito kasi baguhan ka pa and ikaw rin naman ang president Yoshika. Its that clear?" What?!?!bat ako pa?! Huhuhu no choice.

"Yes maam/A-ahh opo maam" sabay na sagot namin dalawa ni CJ. At pumunta na'ko sa upuan ko.

"Welcome" bulong ni CJ, huh? Para saan daw yun sabi nya? Hayshh nvm na lang Yoshika.
"Pasalamat ka wala ko sinabi kay maam ang totoo." Ano daw? Ay teka isip muna ako...ahh oo nga late talaga ako, hihih gets ko na.

"Ay oo nga pala..thank you" bulong ko sa kanya, at nagsmirk lang sya...aba aba, hayshh patience lang Yoshika.

Nagkuha na lang ako ng notebook, napansin ko naman yung white plain notebook.

"Hindi naman toh akin hah." Sabi ko sa sarili ko, ayy teka ito pala yun binigay sakin ng matanda.

--flashback--

Ang aga ko pa pala kaya wala talaga halos jeep pa ang dumadaan. Kasama ko si kuya Yoshanicco, kakambal ko siya pero nagtatawag pa rin ako sa kanya ng kuya.

Habang palakad ako may nakita akong may nakita akong matanda na nahihirapang huminga naawa naman ako, kaya pinauna ko nang pumunta ng school si Kuya.

"Manang, ok lang po ba kayo? Gusto nyo samahan kita pumunta ng hospital?" Tanong ko sa matanda.

"Wag na iha, malelate ka pa nyan" sabi ng matanda.

"Maaga pa po naman, sige na samahan na kita" at malapit lang naman ang hospital nilakad na lang namin.

----nasa kwarto sa hospital

15 minutes na pala ako dito. Hinihintay ko pa kasi pamilya ng matanda. Kasi hindi pwede mag isa sya rito. Maaga pa man yata.

"Iha hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ng matanda.

"Hindi pa po. Hihintayin pa po kasi natin kamag-anak mo" sabi ko.

"Heto oh sayo na yan, hindi lang yan basta basta notebook" sabi nya na nakangiti ng malaking malaki at ibinigay nya sakin yung plain white na notebook.

"Naku wa--" wala ko na natapos yung pagsabi ko kasi may nagbukas na yung pintuan siguro sila na yun kamag anak ng matanda.

"Lola!!" Pasigaw na sabi ng batang lalaki. Siguro 9 years old pa yun.

"Apo ko" at naghug yung bata at yung matanda.

"Diba sabi ko sayo nay ako na bahala sa paghanap ng apo mo? Kaya wag ka ng mag-alala" sabi ng isang lalaki na kasing age ng nanay ko. Nang nakita ko siya parang may naramdaman ako na hindi ko maexplain. Impernes chinito.

"Ahhhh excuse me po, una na po ako siguro malate pa po ako." Sabi ko, grabe nakakahiya naman ako biglaan nagsalita.

"Sige na iha, una ka na" sabi ng matanda.

"Good bye po" pagpaalam ko at umalis na..

---END OF FLASHBACK---

"Wuyy Yoshika tawag ka ni maam" sabi ng bff kong si Charmaine. What?! Tawag ako ni maam?! Kaya tumayo ako bigla.

"Is there any problem Ms.Itadaki? Bat ka napatayo?" Takang tanong ni maam.

"A-ahhh wala po maam." Sabi ko kay maam at umupo ulit. Grabe nakakahiya nakakainis tong Charmaine na toh.

"Sorry" sabi ni Charmaine at nagpeace sign, inirapan ko na lang sya. Nakinig na lang ako kay maam.

----------

Sorry po pag naboringan kayo, first time ko po kasi ito, next time po gagandahin ko ;)

MY WISHING NOTEBOOKWhere stories live. Discover now