"Juzhaine, hina hina lang kinakaladkad mo na ako." Sabi ko kay Juzhaine.
"Ayy sorry lang Yoshika, naiihi na kasi talaga ako eh."
Nasa CR na kami at nagmamadali si Juzhaine na pumasok sa isang cubicle. Hinihingal hingal pa ako. Nang matapos ng umihi si Juzhaine lunapit siya sa'kin.
"Sorry talaga Yoshika, nagnamadali lang."
"Ok lang, whahha i feel you naman kung naiihi na ako." Sabi ko sa kanya at tumawa kami.
Tinignan ako ng seryoso ni Juzhaine at parang may tinitignan siya sa mukha ko.
"May problema ba? May dumi ba ang mukha ko?" Tanong ko sa kanya.
"Parang familiar mukha mo...teka wag kang malikot." Sabi niya sakin at may nilabas siya sa sling bag na dala niya.
May nilagay siya na kung ano sa mukha ko na powder, pulbos yata ang tawag dun. At sinuklay niya pa ang buhok ko.
"Ah-aray ko Juzhaine.." magulo kasi ang buhok ko kaya masakit pagsuklayin.
"Wag ka munang malikot..." Sabi niya at may kung ano ano pa siyang nilagay sa mukha ko. Tas tinanggal niya ang salamin ko at hinawakan niya ang buhok ko na para bang cli-niff.
"Ayan..may kamukha ka." Sabi niya sa'kin at seryoso na tumitingin sa'kin. Hinawakan niya ang chin niya na para bang may iniisip.
"Sino naman?"
"Si ano oh...hmmm si......Aha! Kamukha mo si Yoshan!"
"Yoshaniko?"
"Teka, bat mo siya kilala?"
"Ahh kakambal ko yun.." sabi ko sa kanya at literal siya na napanganga.
"Talaga?! Kaya pala close kayo."
"Bat mo siya kilala? Crush mo siya noh?" Pang-aasar ko, binatukan naman niya ako."Aray!!" Kapag may pagkaboyish talaga, amazona.
"Sira! Bestfriend kasi siya ng pinsan ko dati pa kaya kilala ko na siya."
"Sino ba pinsan mo?"
"Si Chrizellio." Sabi niya at ako na ngayon ang napanganga. "Bibig mo, kalas kuryente." Sabi niya sa'kin at napatawa kami.
"Weh? Kaya pala ganun na kayo ka close...ayy malapit na magtime hali na sa room?"
"Tara!" Sabi niya at naghilamos muna ako, ano ano na kasi ang nilagay niya sa mukha ko at sinuot ko ulit ang salamin ko.
Pumunta na kami sa room pero wala pa yung teacher. Kaya kinuha ko yung wishing notebook ko.
Teka, diba sabi mo hindi mo matutupad ang lahat ng kahilingan ko?
Yes
For example?
I can't bring back the dead person into alive.
I can't m---Wala ko na natapos basahin ang nakasulat kasi inagaw ni Charmaine.
"Uy maine! Akin na nga yan!" Sabi ko kay Charmaine habang tinataas niya ang notebook ko. Hindi ko naman maabot kasi matangkad siya.
"Pabasa naman, siguro diary mo toh." Sabi niya at bubuksan na sana ang notebook nang tumalon ako at napunta ang notebook kay CJ na natutulog at nagheheadset.
Nagising siya dahil dun, kami naman ni Charmaine natatakot na baka anuhin kami. Tinignan ni CJ ng mabuti ang notebook pero wala niya ito binuksan.
"Who the heck you are! who throw this notebook into my face?!" Tanong paba yun o sigaw na. Lahat na lang ng kaklase namin nakatingin samin. Mukhang natatakot at nabigla rin.

YOU ARE READING
MY WISHING NOTEBOOK
Teen FictionIsang weirdong notebook na kayang tuparin ang mga kahilingan ng kanyang amo na isang babae, at ang notebook na rin yun ang tutulong sulbahin ang mission ng babae na alamin kung ano ang meron sa isang weirdong lalaki.