Sunday ngayon kaya walang pasok. Hayshh hindi pa rin na wawala sa isipan ko yung nangyari kahapon, keber ka iniwan nila ako. Tshh grabe talaga ang magaling kong kakambal na kuya.
---flashback---
"Jake?!" Sigaw nila dalawa ni kuya kambal at kuya James.
"Hey..Nicco, James" sabi nung jake na yun. Yung chickboy
"Hey couz long time no see." Si kuya James yun at nag ano pa sila, yung ano parang ibunggo yung shoulder niyo na magkahawak kayo ng kamay, basta yung ginagawa palagi ng mga lalaki pag nagkikita.
Mukhang enjoy sila kaya aalis na ako.
"Long time no see bro, by the way may twin sister Yoshanika but Yoshika for short." Hayshh paalis na nga ako hihilain pa ako ulit.
"Nice to meet you beautiful." Nagsmile na lang ako sa kanya.
"Whahha..chickboy ka pa rin couz." Si kuya James. Halata nga mukha pa lang. Magpinsan pala sina Jake at James, kaya magkamukha konti.
"Maaga pa, laro muna tayo basketball?" Sabi ni kuya kambal.
"Game!"
"So pano maknae una na kami hah? Ikaw na bahala dito..bwahaha" sama mo kuya!! (Maknae-bunso)
"Maknae mo mukha mo! Tandaan mo 1 minute lang agwat natin!" Sabi ko kay kuya este sigaw na yata at padabog na umalis, hayshh iisasara ko na lang yung shop ng maaga, keber ka anrami pa ng costumer iiwan ako ng mag-isa? Ano ako si darna?
Kaya nung wala na sina kuya sinara ko na yung shop at umuwi na, lagot yan si kuya mamaya bubugahan yan siya ng apoy no mama. Bwhahah!
--End of flashback---
Kairita, imbis na pagalitan siya ni mama mas ok pa sa kanya kasi naglalaro na daw siya ng outdoor game hindi puro computer lang. Pero pinagsabihan naman siya na wag akong iwan na mag-isa.
"YOSHANIKA!" aray sakit sa tenga, gising na po ako kaya hindi na kailangan mangsigaw kuya. "May bisita ka!" Bisita? Eh sino naman? Kaya mabilis pa sa tigre ako bumaba.
"Charmaine?!" Ngumiti siya at magsasalita na sana. "Teka wait ka lang maligo muna ako" bakit ba kasi andito yung babae na yun?
Nag natapos na ako maligo at nagtoothbrush bumaba na ako.
"Charmaine bat ka andito? Ang aga hah? 8:15? Kain mo? Anong meron? Trip mo?" Diretso kong tanong sa kanya.
"Hoy Yosh, ako dapat ang magtatanong anong nakain mo? Isa lang bibig ko tas anrami na ng tinatanong mo! Isa isa lang!"
"Bat ka kasi andito?"
"Haysh nagtext ako sayo kagabi di mo alam?" Kung nagtext siya it means kay kuya siya nakitext. Tinignan ko na lang ng masama si kuya.
"Kasalanan ko ba na wala ko na pansin?" Si kuya talaga, oo nga hindi niya naman palagi yun ginagamit.
"Ay Yosh, bilisan mo na magkain kasi bibili tayo ng dress para sa birthday ni Lyka."
"Lyka?"
"Haysh..classmate natin, ikaw kasi puro notebook at book lang parati mong pinapansin kaya hindi mo na napapansin mga classmate natin. Sige na kain ka na." Sabi ni Charmaine habang tumitingin ng anime sa T.V. Kumain na ako, nagtoothbrush na at nagbihis.

YOU ARE READING
MY WISHING NOTEBOOK
Teen FictionIsang weirdong notebook na kayang tuparin ang mga kahilingan ng kanyang amo na isang babae, at ang notebook na rin yun ang tutulong sulbahin ang mission ng babae na alamin kung ano ang meron sa isang weirdong lalaki.