Chapter 9

6 3 0
                                    

Yoshaniko's POV

(Kring)*

Uwian na kaya yung mga loko loko kong classmate nagsitakbuhan na palabas. Half day lang pala ngayon kasi may meeting ang mga teachers.

"Yehey halfday! Makakapagchicks pa'ko nito!" Si Jake yun.

"Lul! Whaha pwede na rin. Ahh!" Sabi ko at nagstretch stretch pa. Nakita ko si James na papasok sa room namin na pinalilibot ng mga babae.

"Uyy couz, rami ng namingwit mo hah bigyan mo naman ako kahit isa." Si Jake yun.

"Sira...andito pala ako kasi may pupuntahan tayo." Si James

"Tsk..parati naman." Si Jake yun.

"Saan?" Ako yun.

"Suprise na yun kaya tara na." Sabi ni James at hinila kaming dalawa ni Jake palabas.

"Uyy...anong klaseng suprise? Babae?" Sabi ni Jake at ngumisi.

"Teka lang, wala ko pa nasabi sa kakambal ko. Ipapauna ko na siya umuwi."

"Pinahatid ko na siya sa driver namin, sabi ko magrereunion lang tayo kaya ayun sumang-ayon na lang. Ayaw pa sana magpahatid pero sa huli nanaig parin ako." Sabi ni James.

"Reunion?" Takang tanong ko.

"Basta hali na kayo." Sabi niya at una nang lumakad. Sumunod na lang kami sa kanya.

-*-*-*-*-*-*-*-

"Bro, miss ko na toh ha." Si Jake yun at umupo sa isang bench.



"Kaya ko nga kayo dinala dito."


"Ang ganda pa rin ng lugar na'to lalo na pagsunset na." Sabi ko habang nakatingin sa dagat.

"Uyy...pagkain!" Sabi ni Jake at hahawakan na sana ang pagkain pero pinalo siya ni James.

"Wag ka nga muna masyadong patay gutom dyan, may hinihintay pa tayo." Suway ni James sumimangot naman si Jake. Whahha nakakatawa talaga silang dalawa.

"Hinihintay?"

"Yep..kaya nga reunion."

Tumahimik na lang kami. Nang may narinig kaming tunog sa labas.

"Oh sorry guys am i to la----"

"CJ?!" Hindi namin makapaniwang tanong ni Jake. Si James naman ngumiti ng malapad.

"Yeah..but im Chrizellio Josh alrea----" bigla na lang kami ni Jake nakayakap sa kanya.

"Kainis..nakakabading ka bro!" Sabi ko. "Aray! Biro lang!." Sabi ko nung binatukan niya ko.

"Long time no see bro!" Si Jake yun.

"Uyy...kayo lang? Sama ako noh. Group hug!" Si James yun.

"Di parin kayo nagbabago!" Sabi ni CJ at kumawala na kami sa paghug.

"Syempre gwapo pa rin ako as always." Si Jake yun.

"Sus...umasa ka pa, ako kaya ang gwapo." Sabi ko hehehz.

"Haynaku, kung kayo gwapo ako mas gwapo!" Sabi ni James sabay tawa.

"Para walang away, ako yung pinakagwapo satin. Di nyo ba alam nung pinanganak ako dun nadiskubre ang salitang 'gwapo'?" Sabi ni CJ sabay tawa niya, nagkatinginan naman kaming tatlo at nagkaroon na ng 'bakbakan ng kakulitan'.

MY WISHING NOTEBOOKWhere stories live. Discover now