Chapter one:
"Pangmayaman ang pangalan ko pero may kaya lang kami. May mga kaibigan ako dati, actually marami kaso nafefeel ko namang naweweirduhan sila sakin, paano ba naman 4th year highschool na nakahello kitty tshirt, basta lahat hello kitty! Lalo pa silang nalayo sakin nung namatay yung father ko. At nabaon kami sa utang. Makakapagcollege pa kaya ako? Makakuha pa kaya ako ng kaibigan? Or makita ko na ba si the one?" -Hailee Austin.
Ako nga pala si Hailee Austin, isa akong maganda, sexy, kayumanggi ang balat at mahilig sa hello kitty \^.^/. Kaya nga ata ako nawalan ng kaibigan eh kasi ang isip bata ko raw tapos ayaw din nila sa mga poor, kawawa naman ako. Paano ba naman gamit ko hello kitty maski ang damit ko, wag kang ano dian! Sa divisoria ko lang yun nabili noh. Graduating student na ko, march na nga eh. Puro practice na rin, gagraduate na ko lalayasan ko na yung mga mapanghusga na tao. Pumapasok ako araw araw, hindi naman sa pagmamayabang pero 1st honorable mention ako, kelangan rin kasi scholar lang naman. Pumasa na rin ako sa isa sa pinakamagandang school para sa college student dito sa amin may pagkamahal nga lang dun. Pero pinagbibigyan naman yung may mga honor dun na maging scholar so push lang ng push. :D
Mama: hailee anak bumaba ka na dito.
agad naman ako bumaba, aba syempre nanay ko na yang nagsabi. Close kaming dalawa, actually close ako sa parents ko. Pero ngayon kaming dalawa na lang ang natitira.
hailee: ma, bakit po?
Mama: anak hindi ka na ata makakapagcollege.
Hailee: Pumasa naman po ako sa Omega Academy ah? Scholar na rin po ako dun.
naiiyak ako nung sinagot ko siya nun, kahit naman siya. Alam kong labag rin sa loob niyang patigilin ako. Pero ano bang problem mama? Gusto niya kaya ako pagtapusin kahit anong mangyari pero bakit biglang nagiba yung ihip ng hangin?
mama: pero anak kahit sabihin mong scholar ka, marami ka pa ring gagastusin.
Hailee: Pero ma, ayoko po magstop kung maari magtatrabaho ako habang nagaaral.
Pinipigilan ko ng umiyak kelangan kong maging okay. Ayoko magstop kaya bago pa makasagot si mama. Tumayo na ko at hinalikan siya sa noo upang magpaalam para pumasok. Hindi naman kami ganito dati pero simula ng mamatay si papa 2 years ago dun nagulo buhay namin. Baon na pala kami sa utang ng hindi namin namamalayan.
Hindi ko namalayan sa pagiisip ko, andito na pala ko sa school. Naglalakad lang ako papunta malapit lang kaso 10 minutes lang pagnilakad. Kung hindi pa ko tinawag ng prof namin hindi ko pa mapapansin na andito na ko.
mr. teng: austin!
hailee: po?
mr teng: pakibalik naman to sa library.
sinunod ko si sir, mamaya pa naman yung practice namin saka atleast dun makapagiisa ako at tahimik. Pagkatapos ko ibalik sa tamang lalagyanan yung libro pumunta ako sa pinakasulok kung saan bihirang puntahan ng estudyante at iniyak ang lahat-lahat ng patahimik. Call me weak or watever kayo kaya dito tignan natin kung kayanin niyo pa!
guy: hindi namin pinagawa ang library para mga emo moments niyo.
at sabay may inabot na panyo sakin. Nakakahiya man tanggapin pero tinanggap ko pa rin. At nung tinignan ko kung sino yung nagabot ako. Tama nga yung hula ko si suho ang may ari ng pinagaaralan ko. Ang alam ko kasi sa school na nakapasa ako may share sila dun.
hailee: Sorry, bibilhan na lang kita ng bagong panyo.
suho: kahit wag na, samahan mo lang ako okay na yun.
sumama na ako sakanya, nakakahiya kaya sumama sakanya >.<. Pinagtitinginan kami, may narinig pa nga kong "Bakit siya kasama ni suho?". "Sabagay scholar eh, baka inutusan lang siya ni suho?". "Ang baduy baduy niya talaga magdamit. Hello kitty? Duh so out of fashion!" Napayuko na lang ako sa narinig ko.
Luhan: SINONG MAY SABING OUT OF FASHION SI HELLO KITTY? SINO?!
Girl: Ako! Totoo naman eh.
sari saring comments ang maririnig mo sa paligid tulad ng "woah, lakas niya" "1st year siguro yan, lakas ng loob eh" "Omg, first year pa lang siya. Binangga na niya agad yang mga RK"
Luhan: Suho!
Suho: oh?
Luhan: Ipadetention mo ang babaeng to!
Girl: Sino ka para utusan si suho?
Suho: He's my friend, oh no! He's one of my bestfriends. Isa rin ang pamilya niya ang may malaking share sa school na ito. And the only guy who totally love Hello kitty so much.
Namutla yung girl sa nalaman niya, syempre ikaw ba naman makipagbangayan sa may malaking share sa school malamang matatakot ka na. Magsisisi ka sa ginawa mo. Malamang 1st year pa lang to, hindi niya alam eh. Poor her :(
sehun: wag mong lalaitin si hello kitty. Ayan tuloy. Go to detention now.
Chanyeol: grabe talaga kayo. Sana man langg nag1st warning muna kayo.
wala na ring sense yung sinabi ni chanyeol kasi yung babae tumakbo na paalis sa sobrang takot. Yan sila, mababait sila pero wag mo silang babanggain kasi mapupunta ka agad sa detention wal ng tanung tanung. Tinatawag rin silang "RK" or mga rich kids. Pare pareho yung pamilya nila may share sa school na to pero ang talagang may ari sila suho. Apat lang sila - Suho, luhan, sehun at chanyeol.
Suho: Lets go guys! Tama na yang pagdedebate. Nakaalis na yung girl. Hailee sasama ka pa rin sakin.
Buti naman alam niyang andito pa ko. Sa nangyari kasi nawalan ako ng papel. Nakikinood lang sakanila. Dahil sa sinabi niya masdumami yung haters ko, madami kasi silang fans. Instant na kasi mayaman na gwapo pa at matatalino pa!
At ayun habang naglalakad pinalibutan nila akong apat para bang mga bodyguards ko sila. Dinala ako sa may likod ng school, ang alam ko exclusive lang to sakanila. Bakit nila ko dinala dito? Halaaaa. May gagawin ba silang masama sakin? Sus, knowing them wala baka ako meron pa. Haha joke ^.^V. Pumasok na kami sa isang pinto at wow ang ganda talaga may sarili silang parang bahay? Hindi well maliit lang tapos lumabas kami sa isa pang pinto. May sarili silang garden. ANG GANDA PROMISE! Ngayon lang ako nakapunta dito, pinagbabawal kasi pumunta dito eh. Ano kayang gagawin namin dito? Parang ang sarap tumambay dito hihi.
************************************************************************************************************
AN:
Hello po! Nagbabalik na ko. Hehe :D. Alam kong hindi naging ganun kaganda yung ending nung It's complicated pero tinatry ko po yung best ko na maging maganda tong new story ko.
Clarification lang po. Ang meaning ng casanova dito sa story ay PLAY GIRL. Wala na pong iba. Hmm, any suggestion or what? Sana maenjoy niyo to. Naeenjoy ko kasi yung mga idea ko sa paggwa dito eh.
Alam kong masyado na kong trying hard sa paggawa pero support lang po. Malalagpasan din natin to. Hahaha. Readers pls, vote and comment pls. Kelangan ko rin ng suggestion niyo.
Gijibae and my other friends. Support naman dito pls? hahaha ILOVEYOU ALL #EnigmaticalBeing

BINABASA MO ANG
Casanova Pauper
Novela JuvenilAng tanging alam mo lang ay kung ano sinabi ng nanay at tatay mo pero paano kung yung iba dun ay pawang kasinungalingan lamang? Mapapatawad mo pa ba sila? Paano ka babangon sa pagkabagsak mo? Paano kapag nakita mo na yung inaakala mong the one pero...