Suho: oh dito, feel free umiyak.
Pinapayagan talaga nila? oh well. Ako na maganda. Haha. Kaso bakit hindi ako makasagot sakanya? Sakanila. Tinignan ko sila. At omegedd. Kasama ko pala mga bigaten. Nahihiya akooo.
Chanyeol: Uy, pwede ka ring magsalita ah?
Sehun: AFTER MO UMIYAK, MAGLALARO TAYO HAAA? \^.^/
aw ang sweet naman ng mga to. Para bang turing nila sakin kaibigan na. Pagtingin ko kay luhan, nginitian niya lang ako. Ang gwapo niya ngumiti pero masgusto ko pa rin si Suho sakanila. Si suho kasi may pinaka simpleng mukha, si chanyeol yung super cute nakakagigil, si sehun at luhan halos magkamukha lang pero si luhan may part sakanyang mukhang girl.
Hailee: Sure kayong ayos lang na magstay muna ko dito? at magdrama drama?
Suho: Oo para di ka dun sa library umiiyak baka may makakita pa sayong iba dun. Saka pinagawa namin yun para magbasa kayo ng libro hindi para magtago sa sulok at umiyak.
Hailee: oo na, paulit ulit.
Suho: hahaha, sige na maghanap ka na ng gusto mong spot.
Tulad ng sabi niya, nilayasan ko na sila. At naghanap ng magandang spot aba walang mangbabawal sakin, pinayagan ako ng rk eh. Hindi rin naman siguro nila ako sisingilin sa pagstay ko dito diba? HALA PANO PAG100, 10 minutes lang? Paktay tayo nito. Pero siguro as long na hindi ako makasira, wala namang ganung mangyayaring bayaan. Umupo ako sa may grass na may punong nakatayo, ang sarap sa ganitong place. Mafefeel mo yung pwede kang magisa para makapagisip isip. Napakapeaceful. Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit ngumiti.
Naalala ko lahat ng masasayang moments, yung ang dami kong kaibigan, kompleto pa kaming pamilya. Kung paano ako pahalagahan ng mga tao pero sa isang pangyayari nawala lahat yun. Ang dami palang plastic sa mundo. Hindi ko alam kung ano ba ginawa ko sakanila, masakit yun sa point ko na binabackstabb nila ako. At the same point, namatayan pa ko nun. Yung nagiisang lalakeng minamahal ko at yun si papa. Naalala ko nanaman yung pinagusapan namin ni mama kanina, na baka hindi na ko makapagcollege kahit na may scholarship ako.
Luhan: We can be friends, you know.
Sheeeet! >O< nagulat ako dun. Grabe, napapikit ako sa sobrang gulat ko sakanya. Malapit na ko umiyak eh, kaso bigla siyang sumulpot at nagsalita. Pagkadilat ko ng mata ko, ayun nakita ko siya nagpipigil ng tawa. May pasimpleng sungay rin pala to eh.
Hailee: Oh sure, itawa mo na yan baka mapano ka pa.
Humalakhak ba naman siya ng tawa. Siraulo talaga to, kanina bv lang at ayan ngayon napakasaya niya. Sa totoo lang siya ang pinakamadaming expression sa mukha sa kanilang. Kukulit kaya ng mga expression nitng si luhan.
Luhan: Sorry! HAHAHA. Kakaiba kasi yung itsura mo kanina nung nagulat ka. HAHAHA.
Hailee: Heh! Mang aasar ka lang ata eh kaya ka lumapit eh.
Bigla naman siyang tumigil, hala may nasabi ba kong masama? Pero ngumiti rin siya agad. Wooh! Kinabahan ako dun ah.
Luhan: Hindi na nga. Naasar ka na ata eh.
Sinabi niya yan ng nakangiti. Mainggit kayo dali. Mabait siya sakin. :P
Hailee: Hindi naman. Favorite mo ba talaga si hello kitty?
Luhan: Yeah, nobody mess with hello kitty.
Aw, ganun niya pala kafavorite si hello kitty. Hindi ko kayang ipagtanggol si hello kitty tulad ng ginawa niya kanina sana may lakas din ako ng loob na ganun. Pero wag kayo! Sure ako hindi bakla yang si luhan sa pagkakaalam ko may girlfriend siya? Hindi ko kilala. Hindi taga school eh, dalawa lang ata sila ni sehun ang girlfriend sakanilang magkakaibigan.
Luhan: Uy, wag kang mahiya ah? Pwede kang magkwento. Andito lang ako. Bilang kuya
Hailee: Haha, wala yun.
Ang bait naman niya, bilang kuya talaga. Siguro alam nila na hindi ko sila kasing edad. Natahimik kami sandali, siya naman ay pahiga para ata matulog? Pero bigla na lang may tumamang bola sa likod niya.
Sehun: Sorry! Si suho yun.
At nagpeace sign pa siya nian. Haha, para talagang bata si sehun. Ang cute niya. Pwede ba siyang iuwi? Hihi.
Luhan: Wag kang manakit par, dumiskarte ka kasi saka alam mo namang kay manly lang ako.
Suho: Siraulo. Haha.
Hailee: Sino si manly?
At binigyan ko siya na question mark na mukha, jokeee. Yung talagang curious na mukha. Akala ko ba may girlfriend siya? Bakit manly? Don't tell me bading talaga tong si luhan? Tinitigan naman nila kong apat na parang gulat na gulat. Hindi ba dapat ako yung ganun? May nasabi ba kong mali?
Chanyeol: Yun yung girlfriend ni luhan.
Hailee: Ah. HAHA (ang awkward ng atmoshphere namin, gash bakit ba hindi ko kilala yun?) Hindi ko pa kasi siya nakikita eh. Sorry luhan.
Luhan: Ayos lang pero halos lahat kasi ng taga dito kilala siya. Nagulat lang kami hindi mo siya kilala.
Suho: Hayaan mo, pagnagaral ka sa omega academy. Makikilala mo siya, dun na rin kasi siya magaaral.
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni suho. Hay, naalala ko nanaman na parang impossible ako makapagcollege.
Sehun: Uy, ayos lang samin na hindi mo kilala si manly. Wag ka ng sad.
Hailee: Hindi naman yun, yun eh.
Suho: Ano bang problema mo?
Magsa-share na ba ko sakanila? Wala naman sigurong masama dun eh. Friends na rin siguro kami eh, ikaw ba naman dalhin sa private place nila diba? Saka baka matulungan na rin nila ko. Mayayaman to eh, mabigyan pa nila ako ng trabaho. Diskarte mennn!
Hailee: Baka kasi hindi na ko makapagcollege eh.
Chanyeol: Bakit naman? Eh diba nakakuha ka ng scholarship sa omega academy?
Hailee: Mahirap lang kami, kahit naman may scholarship may mga gagastusin pa rin. Hindi na kaya ni mama ipush pa yung pagaaral ko dun.
Naiiyak na ko, habang sinasabi ko sakanila yun pero pinipigilan ko. Nakakahiya sakanila. Okay ng nagshare ako diba? Haha. Pare pareho silang napabuntong hiniga sa sinabi ko. Eh yun ang katotohanan eh, itatanggi ko pa ba sakanila?
SPEAKER: Graduates, please go to quadrangle. We will be having our practice now.
Pare-pareho kaming nagulat ng may nagsalita. Napatawa na lang kami at lumabas para makapunta sa quad. Ang init init naman, matutusta ako nito eh. Paano na ang maganda kong kutis? >.< Chos lag
Lakad dito, lakad doon. Upo, tayo. Hay nakakapagod. Tatayo, aakyat ng stage. Makikipagkamay, kukunin yung medal. Paulit ulit lang naman eh. Maiingay kasi eh, syempre ako tahimik lang. Wala naman akong friends eh. Pero eto yung typical na practice ng grad. Mamimiss ko rin to!
Hay, bukas graduation na. YES! Last day nanamin pero at the same time nakakalungkot rin. Paano na sa college? Makauwi na nga lang. Dun na lang ako maglulunch. Wala na nga rin daw practice mamaya. Beauty rest na daw.
************************************************************************************************************
An:
Guys suggestion pls, i need. Kung papalitan ko pa ba yung names ng bida. Like suho and all. Pero iste-stay ko pa rin yung hailee. :D
Penge naman ng likes dian saka comment pls? Basahin niyo naman to pls pls pls <3. #EnigmaticalBeing

BINABASA MO ANG
Casanova Pauper
Ficção AdolescenteAng tanging alam mo lang ay kung ano sinabi ng nanay at tatay mo pero paano kung yung iba dun ay pawang kasinungalingan lamang? Mapapatawad mo pa ba sila? Paano ka babangon sa pagkabagsak mo? Paano kapag nakita mo na yung inaakala mong the one pero...