Alam niyo yung feeling na pagkaalis na pagkaalis ni suho saka bumuhos ang ulan? Nako. Sana naman makauwi siya ng safe saka lahat ng tao maging safe ngayon. May bagyo daw kasi eh.
Ginawa ko na yung mga dapat kong gawin at saktong sakto yung pagtawag ni suho sakin.
Hailee: babe, nakauwi ka bang safe?
Suho: sweet mo naman babe. Opo
Hailee: nagaalala lang ako sayo. Hehe
Suho: oo na po, wag kang lalabas ng bahay ah? Malakas daw ang ulan ngayon eh.
Hailee: opo, tulog na tayo? Napagod ako ngayong araw na to eh.
Suho: sige goodnight babe, iloveyou.
Ughh! Hindi pa ko nasanay. Kinikilig pa rin ako.
Hailee: sige goodnight din, iloveyoutoo.
Suho: baba mo na babe.
Hailee: ikaw na babe.
Suho: ikaw na lang kasi babe.
Hahaha, ayaw magsibaba. Pero binaba ko na rin, masarap matulog ngayon kahit walang aircon malamig. May pasok kaya bukas? Bago ko matulog tinext ko muna si coleen kung saan kami magmemeet bukas sa school wala lang para sabay kami.
-----madaling araw. (4am)
Emerghed sobrang lakas ng ulan, may pasok pa kaya? Agad kong binuksan yung tv at nanood ng new. Lahat suspended na pero yung MANILA HINDI PA RIN!!! ano ba naman yan, pakigising nga yung mayor namin. Kawawa naman kaming mga college nagiging isda tuwing may bagyo. Pero hindi muna ako maliligo naniniwala akong isususpend yung pasok ngayon. Hahaha
Habang nagiintay ng announcement naisipan kong tawagan yung napakaganda kong kapatid na si coleen. Oras ko naman para manggulo.
Coleen: hello? -husky voice
Hailee: kagigising mo lang?
Coleen: oo eh.
Hailee: ay. Haha! Naulan ba diyan?
Coleen: oo ang lakas nga eh.
Hailee: dito din eh, plinano pa natin kung saan tayo magkikita.
Coleen: uhh? Wait si hailee ba to?
Hailee: hahaha oo? Sino ba akala mo?
Coleen: ay akala ko si hanna.
Hailee: ay hahaha.
Coleen: ang tagal magsuspenddddd!
Hailee: kaya nga eh, tayo na lang hindi pa nasususpend.
Coleen: magpapalate na lang ako naniniwala akong masususpend yan.
Hailee: sige ako din.
Coleen: osya tetext na lang kita kung may pasok o wala.
Hailee: sige babye.
Ohh dibaaaaaa. Nananalangin talaga kaming walang pasok ngayon, super nakakatamad lalo na pagganito yung weather. Omg.
Nagugutom na ko kaya naisipan kong magluto muna for my breakfast. At hindi ko na alam kung may pasok ba kami o wala bahala na si batman. After 30 minutes tinawagan ko ulit si coleen para makiupdate tinatamad na kasi ako manood ng tv -.-
Hailee: oh ano na?
Coleen: wala ng pasokkkkk!!
Hailee: seryoso?
Coleen: yup executive secretary na yung nagsuspend
Hailee: yehey!!!
Coleen: saka sinuspend na ng palasyo buong ncr. Kaloka kung kelan nasuspend na manila! Hahaha
Hailee: talaga? Grabe naman. Haha
Coleen: oyy matutulog muna ako ulit. Hahaha babyeeee
Hailee: sige sige ako din babye.
Ayuuun!! Wala daw, ang sarap naman ng buhay na ganito. Walang pasok, makatulog na nga lang ulit.
After ko matulog, nanood lang ako ng tv tapos nung lunch kumain tapos nood ulit. Nakakainis nga eh, wala na kong unli nagexpired na. Tapos wala pang internet ano ba naman to. Grabe naman tong bagyo na to!! Hindi ako makalabas sobrang lakas ng hangin baka mahampas sakin yung mga naalis na yero. Iyak na lang tayo guys.
Balita nga sa tv eh, binaha buong luzon. Hahaha ang oa sa buong luzon. Sana ligtas po lahat ng tao lord please po. :)
Mama: anak!! May internet na.
Ayun nagkaroon din! Makapagkakao talk na nga. (Yieee! Natutuwa kasi ako sa katalk. Hahaha -otor)
Ang dami ng pinagusapan nila coleen dito. Grabe hahaha!
Hailee: gising na. Naligo ka?
Aba ang mga kaibigan ko naligo, ako lang ata hindi. Wait time check 5pm na grabe
Miranda: hindi ka pa naliligo? Hala. Hahaha
Manly: hahaha! Maligo ka labas ka sa labas para nababasa ka ng ulan o kaya punta magswimming ka sa marikina
Hailee: oo nga sa araneta at marikina. Hahaha
Victoria: sige na pwede naman eh atleast magiging magaling ka na sa swimming
Miranda: gusto mo yata sumunod sa yapak ni ms salcedo. Hahaha
Manly: major in swimming!! At kakaiba kasi sa mga baha pa nagpractice
Victoria: bumiyahe ka na papunta dun para makiligo lang. Hahahaha
Mga sira talaga yun! Mga todo makasupport sa pagligo ko sa baha.
Hailee: hahaha, sige magshishift na ko. Hahaha sige na maliligo na ko :)
At nagoff na ko sa kakao, ay weh? May off ba dun? Hahaha!!
Naligo na ko kahit malamig. Sayang yung tubig noh? Ang daming inilabas na tubig kanina tapos gumamit pa ko ng tubig panligo. Hay dapat save every water ehh! Hahaha katamaran nga naman sa pagligo pero wala eh andun na. Nagawa mo na hindi mo na maiibalik. Chos!!
Uyy may nagtext ayy si sehun, mabasa nga.
Text from suho: i-off nyo mamaya lahat ng mga cellphones and gadgets 10:30pm until 3:30 in the morning kc malakas ang radiati0n na dadaan sa mundo. cosmic rays, nucli a t0mic ang tawag. binalita ni kuya kim tsaka sa BBC news s cable.makakamatay daw wag itabi sa tulog ang cp .pls pass para ma-inform u
Hahahahahahaha. Totoo ba to? Bumabagyo na lahat lahat may nalalaman pa silang ganito? Mga pilipino nga naman kabila ng kalamidad nagagawa pa rin magjoke. Nakakaloka. Puro ako nakakaloka nahawa ata ako kay victoria halaa. Hahaha peacee!!
Ang bilis naman ng oras tulad ng ulan na simula madaling araw napatak. Tila hindi ito napapagod pero tumigil ito saglit pero papatak ng malakas ulit at sasamahan pa ng malakas na hangin kaya hindi mo mapapansin gabi na pala. Pero kung ano ang kasinglamig ng panahon ganun din ang hindi pagpaparamdam ng boyfriend ko. Asan na ba yun? Nagsiswimming din ba sa baha? Sorry na past time namin yun eh. Hahaha i suggest na pagnagdate kaming dalawa tipong nabagyo tapos dun kami sa bahang baha nagsiswimming. Tinext ko siya ng "goodnight babe, hope you are safe iloveyou"
Tinabi ko na yung cellphone ko at nagdasal bago matulog.
BINABASA MO ANG
Casanova Pauper
Teen FictionAng tanging alam mo lang ay kung ano sinabi ng nanay at tatay mo pero paano kung yung iba dun ay pawang kasinungalingan lamang? Mapapatawad mo pa ba sila? Paano ka babangon sa pagkabagsak mo? Paano kapag nakita mo na yung inaakala mong the one pero...