Chapter 7

44 2 0
                                        

Hailee Pov

Andito kami sa pizza hut tulad ng gusto ni chanyeol. Dalawang box yung inorder nila kasi pare pareho kaming gutom. Tipong akala mo pinagdamutan ng pagkain ng 1 year!

Luhan: maiba nga tayo hailee, bakit yung mom mo lang lagi nakikita namin?

Hailee: sino pa ba gusto niyong makita? Yung kapitbahay namin? Hahaha!

Luhan: sira! Haha, i mean yung dad mo?

Ahh, yun pala yung mean niya. Ngitian ko siya ng matamlay. Huuuuh! Cheer up hailee.

Hailee: wala na si papa, patay na siya.

Luhan: sorry, hindi ko alam.

Hailee: ano ka ba! Ayos lang. Hahaha

Halata sakanya yung pagsisisi sa pagtanong nun, pero siguro okay na rin naman ako. Matagal na rin simula ng iwan kami ni papa eh.

Chanyeol: ayan kasi masyadong sensitive mga tinatanung mo!

Luhan: i said sorry already!

Chanyeol: yada, yada! Eto na lang hailee, may boyfriend ka na ba?

Luhan: pwede daw ba magapply si chanyeol?

Hahahaha! Ang kukulit nito! Binatukan siya agad ni chanyeol.

Hailee: wala naman, bat mo naman natanung?

Chanyeol: edi alam na naming may pagasa si suho! Haha!

Luhan: hoy wag mo pangunahan si suho! Hahahahaha

Nakitawa na lang ako sakanila, eh? Don't tell me gusto talaga ako ni suho? So tama nga yung kutob ko na ako yung pinaparinggan niya. Pero wag nga daw pangunahan si suho. Baka nahalata nilang crush ko si suho kaya ganian sila. Hihihi :">

Dumating na yung order namin, galit galit muna pagnakain!! Walang niisa samin ang nagsasalita kaya nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko "hindi man lang kayo nagaya!"

Alam ko kung kaninong boses yun, kanino pa ba? Syempre kay suhoooooooo my loves. Haha. Napatigil kami sa pagkain at tinignan siya, kumaway lang ako sakanya at nagpatuloy sa pagkain. Yung dalawang guys naman tuloy tuloy lang sa pagkain.

Suho: ayos ah? Parang wala ako dito luhan at chanyeol.

Hindi pa rin siya pinapansin nung dalawa busy talaga sa pagkain. Kaya umupo na lang siya sa tapat ko. So bale ang pwesto namin, ako at si chanyeol magkatabi tapos sa harap si luhan at suho.

Kumuha siya ng isang slice ng pizza at kinain yun. Umorder na din siya ng drinks. Nang makita niyang tapos na ko kumain. Nagsimula na siya magtanung -.-

Suho: bakit kasama mo tong dalawang mokong na to?

Luhan: oy grabe ka! Andito kaya kami.

Suho: edi nafeel niyo na rin yung paghindi niyo pagpansin sakin kanina.

At binatukan niya si luhan! Napakasweet talaga ng mga lalakeng to sa isa't isa.

Hailee: hinatak lang nila ako papunta dito tapos nagpasama sila magshopping.

Luhan: binilhan rin namin siya ng damit..

Hailee: hindi kaya ako pumayag.

Luhan: kaya ka nga sinukatan kanina eh.

Chanyeol: saka nandun na sa bahay niyo yung mga damit pati mom mo binilhan na rin namin.

Suho: bait niyo naman! So after nito ano ng gagawin niyo?

Casanova PauperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon