Chapter 3

70 2 0
                                    

Mama: Anak ayos na ba tong suot ko?

Tignan mo tong nanay ko, kala mo siya gagraduate eh. Makapagayos wagas, eh ako? Simpleng dress lang, konting curl lang sa buhok, at light make up na rin. Ayos na yun. Si mama ayun semiformal ang suot, masgumanda pa siya. Nanay ko yan eh <3

<School: Graduation>

Makikita mo lahat aligaga sa pagaayos at lahat naghahanda para sa graduation. Syempre sino bang magulang hindi magiging proud diba?

Sir M: Okay, pila na kayo guys. Magsisimula na tayo.

Agad naman kaming pumila at sinama yung mga magulang namin. Sa may likod ako ganun kasi pagmay honor eh, sa likod kayo huling maglalakad.

Mama: Anak wala ka bang kaibigan para pipicturan ko kayo?

Si mama naman eh, parang hindi niya alam na nawe-weirduhan yung mga tao dito sakin. Ay ewan, nginitian ko na siya. Ayoko na magsalita, ayos na ko. Ayokong sirain ang magandang event na to.

Lakad – upo – sabit ng medal – hagis ng cap.  Tapos naaaa! Typical na graduation. Wala naman ako dapat ikwento kasi nakikinig lang ako, walang kadaldalan.

Mama: tara anak, kain na tayo.

Hailee: Wag na, sa bahay na lang tayo.

Mama: Kj mo talaga, halika na pinagipunan ko to.

Si mama talaga sabagay achievement na to para sakanya, magisa niya kong itinaguyod at nakapagtapos pa ko sa college. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa sakayan, gutom na rin kami eh.

Nagulat kami ng may tumatawag sakin “Hailee! Hailee! Waiit” Nanglingunin namin, si suho pala. Kaya pala lalake yung boses akala ko namamali lang ako ng rinig.

Mama: Anak, hindi mo naman sinabing may boyfriend ka na pala.

Hailee: Ma, nakakahiya ka. Anak yan ng may ari ng school. Wag kang maingay baka marinig ka ng iba.

Si mama talaga, binigyan pa ng isyu. Buti na lang walang nakaranig sakanya. Nang makalapit samin si suho may binigay siya saking envelope. Ano nanaman yan?

Suho: Oh, kunin mo na.

Hailee: Para saan yan?

Suho: Graduation gift ko para sayo. Buksan mo na at basahin.

Taraaay, friend na talaga kami. Oh yeah. Agad ko naman binuksan at nakita ko agad yung pangalan na “Omega Academy”. OH MY GOOD. Fullscholarship so meaning wala na kong babayaran kahit anong mangyari. Grabeng graduation gift to. Sa sobrang tuwa ko, nayakap ko si suho.

Hailee: Thank you talaga suho. Grabe tong binigay mo.

Suho: wala yun, wag ka lang magstop.

At nginitian niya ko ng sincere. Bumitaw na rin ako sa pagkakayakap ko sakanya. Ang dami na kasing nakatingin samin. Syempre nasa utak ng iba isang basura yumakap kay suho. Pero wala akong pake sakanila ngayon ang importante sobra sobra yung binigay ni suho sakin ngayon.

Suho: Oh siya hailee, alis na ko ah? See you in Omega academy.

Kumaway na lang ako sakanya at yung walang boses na “salamat”

Mama: hindi daw boyfriend pero makayakap wagas. Ano ba yan loveletter? Landi landi ng anak ko. Hahaha.

Ay jusko po si mama. Hahaha. Hinila ko na siya agad baka may makarinig pa sakanya. Nahihiya ako sa mga pinagsasabi ni mama T_T.

Casanova PauperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon