Kakasagot ko pa lang sakanya pero kalat na agad sa school. Hindi pa natatapos yung araw, ang dami ko ng side comments na naririnig. Na kamo kakaligaw pa lang daw pero sinagot ko na agad. Ang alam ko kasi ang pinapatagap ang relasyon hindi yung ligawan. Eh ano naman kung saglit lang nagpaligaw? Eh alam naman namin sa isa't isa na mahal namin yung bawat isa. Tama naman diba??!!!
Kriiiiiingggg.
Napabuntong hininga na ko nung narinig ko yung bell. Tapos na yung klase dadaanan na ako sa mga mapanghusgang nilalang. Haynako hailee. Bakit ka ba nagpapaapekto? Eh andian lang naman si suho sa tabi mo, yun ang pinakaimportante diba? Tumayo na kami at lumabas ng room ng biglang hawakan ni suho yung kamay ko. Pagtingin ko sakanya nakangiti lang siya. Na para bang sobrang proud siya na ako yung girlfriend niya.
Luhan: naks, iba na talaga si suho, pagkatapos mong magpakatorpe ng 4 years, kayo na rin ni schokitty.
Schokitty? Akala ko ba ako yung girlfriend ni suho? Tapos may schokitty pa palang iba. Binawi ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya kaya napatingin siya sakin na parang nagtataka. Nginitian ko na lang siya.
Hailee: baka makita tayo ni schokitty mo, sige na bitaw ka na.
Tumawa ng malakas ang magkakaibigan. Problema nila? Hirap kaya magkunwari na okay lang pero nasasaktan ka na kasi kabit ka lang pala. Inalis ko na talaga yung kamay ni suho at naglakad na ng mabilis.
Suho: babe!!!
Bahala ka dian, babe babe pang nalalaman, eh pangalawa lang naman ako. Machakitttt wahh!! Ayoko ng magmahal. Tignan mo lang hindi man lang ako hinabol. Nagulat ako ng biglang may humatak sa kamay ko at hinarap sakanya so sa madaling salita inikot niya yung katawan ko.
Pagtingin ko nasa likod niya mga kaibigan namin, siya nasa harap ko mismo. At lahat sila nakangiti na nangaasar kaya iniwas ko na lang yung tingin ko sakanila.
Suho: babe nagseselos ka ba?
Duhh? Hindi ba halata? Kulang ma lang isigaw ko sayo oo!!! Bakit mo kami pinagsabay. Hayy pero syempre hindi yan yung sinagot ko.
Hailee: hindi ah.
Suho: sus, pakipot ka pa babe eh. Lemme tell you a secret okay?
Tss pagkami lang talaga nakita ni schokitty tapos inaway ako nun. Syempre hindi ako lalaban baka matanggal pa ko dito sa school eh.
Suho: schokitty is someone I love for almost 4 years and now we are together. I want her to feel she's my princess and I'm willing to accept her as she is. And schokitty is hailee austin, my babe.
Hailee: ha? Ako? Paanong ako?
Suho: ang slow mo babe. Schokitty, scholar girl, who loves hello kitty. Wag ka ng magtanong kung sino gumawa ng nickname mo kasi.
Sehun: itth meeee!!
Obviously, si thehuuun yung gumawa kathi proud thiya. Hahaha pero hala nakakahiya yung inasta ko kanina.
Manly, miranda and victoria: ang cute cute mo magselos haileee!
At tumawa sila ng sabay sabay ang gagaling nila, pinagtatawanan nila ko. Fuuu joke masama magcurse noh!
Hailee: sorry babe.
Niyakap lang ako ni suho at pinafeel na ako lang talaga.
Suho: i love you hailee austin.
Hailee: i love you too babe.
At naglakad na kami papunta sa parking, pero bakit parang kulang, kaya nilingon ko kung sino kulang samin, ahh!! Yung kambal ko adan nanaman ba yun?
BINABASA MO ANG
Casanova Pauper
Teen FictionAng tanging alam mo lang ay kung ano sinabi ng nanay at tatay mo pero paano kung yung iba dun ay pawang kasinungalingan lamang? Mapapatawad mo pa ba sila? Paano ka babangon sa pagkabagsak mo? Paano kapag nakita mo na yung inaakala mong the one pero...