Chapter 17

19 3 0
                                    

Hailee Pov

Lumapit na ko dun sa dalawang bouncer, mukha naman silang mababait, sadyang ang lalake lang ng katawan nila. Scaryyyy! Joke.

"Austin po" sabi ko sakanila, binigyan nila ako ng isang matamis na ngiti at binuksan ang pinto at agad ako sinalubong na malamig na simoy ng hangin at ang magandang pagkakaayos ng tables and chairs. May isang table ang nakakuha ng paningin ko, yun ay nakapalibot sakanya ang petals ng rose at may candle. Ang swerte naman ng uupo nun dun!

Pero teka? Bakit walang tao? Masyado ba tong iniingat ingatan? Saka sabi ni coleen aalalayan ako ng mga tao dito para sa seats namin? Eh?

"*ehem* excuse me ma'am" -waiter

Ops, masyado ata akong namangha sa paligid at hindi naramdaman presence niya. Tumingin ako sakanya, ang gwapo naman ng waiter na to. Hmm, yummy. Sh! Hailee magtigil lagot ka kay suho nito eh. xD.

Sinundan ko na siya pero bakit sa magandang table niya ko dadalhin? Eh tatlo kaya kami?

"Uhm, sir. Tatlo po kasi kami." -Hailee

Tinignan niya lang ako at pinaupo, aba hindi man lang ako pinakinggan. Sabay ng pagalis niya, ang pagbeep ng phone ko.

"Hi hailee! Enjoy the night. Meet mo yung friend ko ha? Uwi na kami ni mama, ang sakit ng tyan ko eh" -Coleen

Anak ng! Ano pang ginagawa ko dito? Imemeet ko yung taong hindi ko kilala? Ang alanganin talaga ni coleen kahit kelan. Tumayo na ko upang makaalis ng biglang may tumugtog na violin sa gilid, uh? Anong meron? Pero ang ganda ng pagkakatugtog nila, ang romantic. Napatitig ako sakanila at hindi na umalis.

"Hope you like it!" That voice, I know that voice. Naman syempre! Gustong gusto ko tong ginawa niya. Onti onti ko siyang nilingon at tama ang hinala ko. Its ..... My..... Suho ofcourse!

Naglalakad siya palapit sakin, para siyang nakaslowmotion. Sobrang gwapo niya, Lord boyfriend ko po ba talaga to? Hindi po ba ko nanaginip? Sobra sobra na po to eh. Thank you po talaga.

"Akala ko nung nagtext ka hindi na talaga tuloy, pero sabay ng pagtext mo ang pagtext din sakin ni coleen. Hindi lang pala puro kamalditahan alam nun, alam din niya paano ka gagawing special. Super swerte mo sa twin mo babe" -Suho. Tama siya, kahit ako akala ko hindi na kami magkikita. Planado niya pala to para mangtrip ganun lang. Pagirls night out pang nalalaman, papayagan din naman pala ako makipagdate kay suho. Pero I can tell mama & coleen ang pinakagreat na taong nakilala ko. Thank you twin & ma.

"Yeah, we should thank her. I really love the view babe. Thank you for doing this" -Hailee. Totoo lahat ng sinasabi ko, akala ko sa movie lang nangyayari mga ganito, pwede rin pala sa lovelife ko. Sobrang swerte ko lang na ganito ka sweet boyfriend ko.

"Of course, I'll do everything for my lovely girlfriend." -Suho. Teka teka naiihi ako sa sobrang kiliiiiiiig. Ano baaaaa. With matching killer smile niya pa yan! Pero syempre nginitian ko na lang siya at umupo na kami sa seats namin. Pinatigil niya na yung tugtog at pinaserve na yung food. While waiting...

"I know this scenario is almost perfect but you know that we really need to talk right?" -Suho. Uhh. Oo nga pala, teka paano magiging perfect to kung paguusapan namin problema? Panira naman ng mood tong lalakeng to eh.

"yeah, talagang namili ka pa ng magandang place para pagusapan ang problema?" -Hailee. Hayyyyyyy.

"No babe, this our first date na ganito kaganda pero may mga bagay kasi talaga na dapat pagusapan na natin. Gusto ko kasi open tayo sa isa't isa walang tinatago ganun. Lovers tayo pero dapat bestfriend din" -Suho. Tama siya, dapat kinekwento ko sakanya yung nakakabahala sakin, dapat hindi ko to sinosolo. Dalawa na kami ngayon, hind na ko nagiisa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Casanova PauperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon