Chapter 16

20 3 1
                                    

Coleen Pov

Andito ako kela hailee ngayon, at in fairness! Ang ganda ng bahay, nagsisimula na sila maglagay ng christmas decor eklavu eklavur.

"Maaaaaaaaaaa! Anong maitutulong ko?" Kararating ko lang nian, nagiingay na ko agad. Wala lang ang tahimik ng bahay eh, masyado silang abala sa pagaayos, hindi nila naramdaman pagdating ko. Iyak na lang :(

"My great great twin sister, andito ka na pala" hindi ko alam kung nasaan ang utak nito eh. Ang galing galing sa academics tapos ganito. Hays.

"Ay hindi wala ako, actually picture lang to." -Coleen

"Hahaha sira! Maglagay ka na ng christmas ball sa christmas tree." -Hailee

Labo talaga ng kapatid ko, hahahaha. Alangan naman sa manga ng puno ako maglagay ng christmas ball diba? Pero syempre sinunod ko na lang siya. Hahaba pa discussion naming dalawa eh.

Kanya kanya kaming gawang tatlo, si mama pinapalitan na yung kurtina and all. Si hailee nagdidikit na ng decorations sa wall, ako andito sa giant christmas tree nila. Sobrang namiss ko yung ganito, sa us kasi may taga gawa kami ng ganito. Paguwi namin nakaayos na lahat, ganun. Pero ang nakakamiss dun yung snow!!

Nang matapos ako sa paglagay ng christmas ball, tinignan ko yung buong bahay. And wow ang ganda, ibang klase talaga tong dalawa sa pagaayos ng bahay. Sayang lang kasi hindi kami kompleto ngayon, sobrang happy siguro si daddy ngayon na nakikita niya yung 3 girls of his life magkakasama na ulit.

"Selfie tayo mommy and hailee"
Nilabas ko ang monopad ko, syempre sinama ko yung christmas tree noh! Part of the family na rin siya. Jokeeeee

One two threeeeee. - smile, pout, peace, look up, kunyari stolen and so on.

"Ang ganda naman nian anak!" - Mommy

"Thank you mommy, maganda talaga ako" -Coleen

"Wooh ang kapal po ng mukha. Hahaha" -hailee

Nagroll eyes na lang ako at nakisabay sa tawa nilang dalawa. Ang sarap pakinggan na punong puno ng tawa tong bahay ngayon. Na tipong walang problema at masaya lang kami na magkakasama kami. Wala ng mahihiling pa at kontento na kung anong meron ngayon.

Naghanda si mommy ng meryenda at kumain na kami, nagulat kami ng may biglang tumunog. Cellphone pala ni hailee, syempre tumawag ang great great lover niya. Sino pa nga ba? Ms molina hahaha joke syempre si suho!!

Hailee Pov

Inexcuse ko muna yung sarili ko sakanila at saka sinagot ang tawag ng loves ko. *butterflies in my stomach*

"Hello?" -hailee
"Hi babe? How are you" -suho. Ang sweet niya talaga kakasagot pa lang nangangamusta na agad. Best boyfriend ever! Syempre siya first boyfriend ko at syempre kelangan last na rin!
"Okay naman, nakakapagod pero masaya. Nagdecorate kami ng bahay and andito rin si coleen kaya lalo nabuhayan yung bahay. Napuno ng kaingayan ng magaling kong kakambal. Haha" -hailee
"Thats good to know pero wag ka masyadong magpapagod babe ha? Btw, dinner tayo later. Paalam ka na sa mommy mo, sunduin kita ng 7pm."-suho
"Sige babe, papaalam ako text na lang kita ha?" -hailee. *crossed fingers, sana payagan ako ni mommy!!*
"Sige babe, see you later. I love you" -Suho
"I love you too" -Hailee

Ang sarap talaga sa feeling na may tumatawag sayo para mangamusta tapos bago ibaba yung phone may iloveyou. Ang perfect lang ng feeling, tipong wala ng kulang. Kontento ka na andian pamilya mo at siya. Pero dapat sa isang relationship tatlo kayo, ikaw, siya at si God. Hindi dapat natin kalimutan yun :).

Pagpasok ko, aba ang dalawang babae na iniwan ko kanina ang ganda ng ngiti. Mukhang may namiss akong kwento ah? Oh well, magpapaalam na ko kay mommy. Anong oras na oh! Magfafive pm na.

Casanova PauperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon