ikatlong liham: baby

542 65 119
                                    

✉

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     "Bes, sige na!"

      Sinabi mo wala kang lakas ng loob na lapitan ako nung una sapagkat pinangunahan ka ng hiya. Sampung buwan na rin yung nakalipas matapos mong ipahayag na matalik mo akong kaibigan. Tinanong kita kung bakit at sinagot mo ako sa kadahilanang magkakilala na tayo simula ng bata pa. Hindi ko alam na pwede pala maging basehan ang bilang ng taon kaysa pinagsamahan. Bukod kasi sa magkaklase tayo simula sa unang taon natin sa elementarya hanggang lumipat ka nang tumungtong tayo sa ikalimang-baitang, hindi naman malalim ang ating pagkakaibigan.

     "Bakit ako? Hindi ako papayagan ni mama, Lio!"

     "Please?"

     Nag-dahilan ako na hindi lang ako ang kaibigan mo tapos sumagot ka na may pinag-kakaabalahan silang lahat.

    "So ganun? Pangalawang opsyon mo na naman ako? Ano pa nga bang bago!"

     "Hindi naman sa ganun, Ria. Kailangan lang talaga kita."

      At dahil mapilit ka at suportado kita kahit nasa kabilang siyudad pa yung dadayuhin natin, mag-papalam at ibubuhos ko lahat ng makakaya ko makumbinse lang si mama at makuha ang kanyang oo. Nang narinig mo ito, nag-bunyi ka at nag-pasalamat ng todo.

     Inalok mo ako na sunduin sa bahay kaso tinanggihan kita sapagkat ayokong magduda si mama na kung may anong meron sa ating dalawa.

    "May paraan naman para di ka pagdudahan." Ito ang sinabi mo at tinanong naman kita kung paano.

    "Gawin nating katotohanan!" Hindi ko man nakita pero bakas ang ngiti mong puno nang panunukso.

     Tinawag kitang baliw at binabaan ng telepono. Nagtagpo tayo sa Destin- sa estasyon ng tren na may rutang patungong siyudad ng MonEx. Niyakap mo ako ng saglit ng tayo'y magkita at agad mong hinila sa linyahan ng tiketan. Tinanong kita kung anong gagawin natin sa dati mong paaralan at sinabi mong may napaka-importanteng laban na dapat mong matunghayan.

    Nang makapasok tayo sa loobdoon ko nalaman na papanoorin pala natin ang ex-girlfriend mong dapat kayo'y magda-dalawang taon na sana, sa patimpalak na kanyang sinalihan. Sinabi mo na lagi mo siyang sinusulatan at sinusuyo nang walang pakundangan habang umaasa na kayo'y magkabalikan. Umupo tayo sa bakanteng bangko sa loob ng palaruan ng tenis at nang masulyapan mo siya, bakas ang galak sa iyong mga mata.

    Natapos ang laro at inanunsiyong sa unang gantimpala ang kanyang pagkapanalo. Tumakbo ka papunta sa kinatatayuan niya upang bumati sana subalit may yumapos na ibang lalaki sa kanya. Wari ba'y pinagsakluban ka ng langit at lupa- pagngingitngit ang bumalabal sa iyong mukha.

    Umalis at nagtungo tayo sa estasyon ng tren na hindi nagpalitan kahit isang salita. Matapos ang ilang minuto, naiinip ka sa haba ng linya kaya ganoon na lang ang pagka-inis mo sa naging wika ng guwardiya.

    "Paunahin po muna natin ang buntis na may dalang baby."

     Sinagot mo siya na ikaw rin ay may dalang baby. Nang tinanong ka niya kung nasaan, itinaas mo ang aking kamay ng hindi inaasahan. Namula ako sa hiya kaya iniwan kitang nakatayong mag-isa sa linya.

     Sa araw na iyon, nakita mo kaya na pwedeng may ikaw at ako...may tayo?

--

Pwede Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon