Wakas

501 62 100
                                    

Sa kasalukuyan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa kasalukuyan...


       "Hi!" Bati ko nang nakangiti sa batang babaeng nasa aking harapan. Nakasuot ito ng itim na choker at denim na jumper-shorts.

       "Hello po Miss Franc!" Bati niya pabalik na wari ba'y nahihiya. "Ayos lang po ba kung mag-fangirl ako sa harap niyo? Hindi po ba kayo masisindak?"

         Napatawa ako ng bahagya sa kanyang sinabi. "Oo naman! Salamat sa pagtatanong."

        Napakagat siya sa kanyang labi habang yakap sa kanyang dibdib ang librong papalagdaan. Matapos ang dalawang segundo, tumili siya ng papigil at sinabing, "O-M-G! Sobrang saya ko po na nakita ko na kayo sa personal! Isa po ako sa masugid niyong taga-hanga. This feels unreal!"

       Ngumiti ako ng masigla sa kanya. Sa tindig at pananalita, alam kong siya'y isang milenyal. May katamtaman siyang tindig, mala-gatas ang balat at naka-bob cut ang buhok. "Maraming salamat sa'yo. Sana hindi ka nag-antay ng matagal sa labas." Inabot ko ang aking kamay upang kunin sa kanya ang kanina pang tangan na mga libro.

       "May limang oras po kaming nag-hintay pero worth it naman po yung pagod at effort. Mabuti na lang po talaga na nasali ako sa bilang. Isang-daang katao lang kasi yung pwede na pwedeng magpa-lagda sabi ng mga organizers at pang-huli ako." Paliwanag niya sa pino niyang tono.

       "Nakakataba naman ng puso. Maraming salamat sa iginugol na oras at sa suporta sa aking mga likha." Tapat kong pahayag sa kanya. "Ano bang pangalan ang gusto mong isulat ko sa dalawang libro?"

       "Bella po." Tugon niya.

      "Hindi nagkamali sa pagpili ng pangalan ang mga magulang mo." Puri ko sa kanya ng tapat.

       Sa pag-uusap namin ni Bella habang nilalagdaan ko ang kanyang dalang libro, napag-alaman kong labim-pitong taong gulang na pala siya. Matapos mailimbag ang pangalawa kong akda, ito ang unang beses na may Book Tour akong ginawa.

     "Hindi po ba talaga hango sa totoong buhay si Emilio at Maria sa Sampung Liham na short story niyo?" Ipinihit ko ang aking ulo pataas nang matapos na akong mag-lagda upang makasalubong ang kanyang mga tingin.

    "Alam kong sinabi ko sa press con na tanging bungang-isip lang sila pero..." sadya kong pinutol ang aking sasabihin sa pagtatangkang mabigyan ito ng suspense, "malay mo." Ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko.

   "Hala ang unfair!" Daing ni Bella. "Feeling ko talaga may katotohanan po silang dalawa eh. Diba po sabi niyo sa press con na ang Ria sa kwento ay kinuha niyo po sa pangalang niyong Maria Francesca?"

     "Tinamad kasi ako nun na mag-isip ng ibang pangalan." Paliwanag ko at kumindat sa kanya. "Sa ngayon, ititikom ko muna ang aking bibig upang mapanatili  yung misteryo sa susunod na yugto."

       Nanlaki ang kanyang mga mata ng ito'y kanyang marinig. "Oh my god!" Ang naibulalas niya. "May karugtong po ang Sampung Liham?"

      "Oooopppps...we'll see." Wika kong nakangiti sa kanya habang ibinabalik ang dalawang libro.

       Tinanggap niya ito at humudyat ang isa sa mga organizers na tapos na ang book signing event. Nagpasalamat si Bella sa akin at bago pa man siya maka-alis binigyan ko siya ng maliit na yakap.

      Inunat ko ang aking mga braso matapos kong nilagdaan ang dala-dalang libro ng isang-daan ka tao na pumila kanina. Nakakangawit subalit nakaka-taba ng puso. Matapos magpasalamat sa lahat, naglakad na ako patungo sa van na nag-aantay sa amin kasama ang tatlong guwardiya ng mall at ni Esther na siyang namamahala sa akin.

     "Francescaaaaaaa!" Bago tuluyang makalabas, napahinto kami sa paglalakad nang may sumigaw ng aking pangalan. Napalingon ako at nakita kong may lalaking tumatakbo sa kinaroroonan namin. Nang mapansin ito ng mga guwardiya, agad nila itong sinalubong at hinarangan na makalapit sa akin.

     Inudyok ako ni Esther na lumabas na at agad nang pumasok sa van subalit para bang naparalisa ako sa aking kinatatayuan nang mapagtanto kung sino ang lalaking four feet ang layo sa akin. Nagpupumiglas siyang makawala mula sa hawak ng mga guwardiya at sa kanyang kaliwang kamay ay iwinasiwas ang librong dalawang buwan pa lang ang nakalipas matapos itong inilathala.

     "Hindi na pwedeng magpa-autograph. Tapos na ang book signing." Narinig ko ang magaspang na pagsaway ng isang guwardiya.

     "Franc, sorry na huli ako. Na delay kasi yung flight kaya ngayon lang ako nakarating galing airport." Paliwanag niya habang hawak-hawak parin siya ng mga guwardiya.

       Pinagbuklod man ng taong lumipas subalit hindi ako magkakamali na ang lalaking nasa harapan ay siya ring lalaki na sa aking likha'y kumakatawan.

       Lucarelli Emilio.

      "Alam kong imposible ng maibalik pa ang ating pinagsamahan sa nakaraan pero maaari namang magsimula ulit, 'di ba? Sampung liham na bawat isa'y naglalaman ng limang-daang salita, nakita at nabasa." Tiningan niya ako ng diretso sa mata at nagbuntong-hininga.

     "Maria Francesca...pwede pa ba?"

Pwede Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon