ika-apat na liham: gwapo

535 64 97
                                    

✉

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

    Pang-apat na liham ko na ba 'to? Sana hindi pa nababagot ang iyong ulo. Habang isinusulat ko 'to para sa'yo, naalala ko iyong isang beses na naka-upong mag-isa sa bakanteng lugar-pahingaan sa ilalim ng mayayabong na dahon ng punong Mahogany.

    Kaunti lamang ang bilang ng mga tao sa paligid sapagkat nagsi-uwian para sa pananghalian. Sampung minuto pa lang ang nakalipas buhat nang matapos akong kumain at pinagkaka-abalahan ko ang asignaturang Siyensya na tayo'y may takdang-aralin. Sa aking paglinga, nagulat ako nang matanaw kita papasok mula sa magagaspang na rehas ng entrada ng napaka-aga.

     Ngayon na ginugunita, aking napagtanto na sa mga pagkakataong ika'y nakikita, wari baga'y alon ng pangingilig ang dahan-dahang bumabalabal sa aking dibdib. Ang aking mukha'y nagma-marka nang pigil na tuwang sagana.

     Malalaki ang iyong hakbang na siyang nabibigyang katarungan ng iyong matangkad na tindig. Nang papalapit ka na sa akin, malugod kang ngumiti at kasabay nito ang natural na kislap ng iyong mga mata na nakapanghahalina.

    Nilatag mo ang iyong bag sa ibabaw ng mesa at hinawi ang dalawa kong pisngi. Di ko mawari subalit kinagawian mo na itong gawin o ang di kaya'y ang pag-yakap mo bawat umaga kapag ako'y iyong makita pagdating sa skwela. Bago pa man ako makapag-tanong, sinagot mo na kung ano ang tumatakbo sa aking isipan. Humihingi ka na naman ng pabor sa akin para sa bago mong napupusuan.

    Napasimangot ako sa sinabi mo. Ano pa nga ba ang ina-asahan ko? Niloloko ko ang aking sarili kung ang ipinunta mo sa skwela ng ganoon ka-aga ay upang ako'y makita.

   Sinabi mo na para makabawi, humingi rin ako ng pabor sayo kahit ano. Kung sinabi ko ba noon sayo na mahalin ako, makakaya mo?

    Subalit ang daya naman kung ganoon, diba? Mapipilitan kang gawin ang isang bagay na hindi mo gusto at kung pag-uusapan naman ang aking damdamin, sa panahong iyon hindi rin ako sigurado.

    Kung nahulog man ako sa'yo noon sa ipinakita mong ka-sweetan at kabaitan, hindi mo obligasyong suklian ang aking naramdaman. Kasalanan ko rin naman na hindi ko minahal ang sarili ng sapat kaya minsan sa iba hinahanap ang pansariling pagkukulang.

    Masaya na ako sa pagpa-pahalaga mo bilang kaibigan.

    "Papayag na yaaan!" sa tono mong puno nang panunuyo.

     Tinanong kita kung paano ka nakakasigurado at kasabay nang paglapad ng iyong makapal na pagkalilok na mga labi na sa'yo ay perpekto, sinagot mo ako sa kadahilanang ikaw ay gwapo!

     Umirap man ako pero alam ng lahat na tunay kang magandang lalaki.

      Ang kulay-kaki'ng mga mata ay nakakalunod kapag ika'y puno ng emosyon at kapag na-a-asinta ng sinag ng araw, kamuntik na kawangis nito ang mapurol na kulay dilaw. Namumukod na korte ng ilong, pinait na panga, malabong at maitim na kilay- lahat ng ito ay walang kapintasang inukit sa kaibig-ibig mong mukha.

    Kung sakaling hindi ka sadyang ganyan ka-gwapo, bagay na kaya ako sa'yo upang nagkaroon ng tayo?

——

Pwede Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon