ikasiyam na liham: ikaw

478 60 76
                                    

  ✉

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


      "Can't believe we'll be off to college in a couple of months. But for now...hello Summer!"

      Ang mga ito ang eksaktong salita na binitawan ko nang pinindot ko yung buton sa telepono kinaumagahan ng ating pagtatapos. Ipinadala ko ito sa lahat ng mga seniors na may numero ako. Ito iyong aking naaala na wari ba'y pinapalabas nang paurong ang isang lumang pelikula. Nakita ko kasi iyong una kong telepono na aking pagmamay-ari na lingid sa aking kaalaman, nakapaloob pa rin pala ang palitan natin ng text messages dati.

     Marahil hindi mo na ito maalala kaya heto at bibigyan kita ng kopya. Matapos kung maipadala yung mensahe, tumugon ka agad nito. (Siya nga pala, kinapalan ko ng bahagya yung guhit ng mga letra sa parte mo kumpara sa akin upang hindi ka malito.)

     Sino to?

    Hindi ko alam na nagka-amnesia ka o di kaya'y dapat magkakalimutan na pala! Nagpasabi ka sana!

    Pasensya na po. Na delete kasi iyong mga numero sa telepono ko.

   Wow. Classic move.

   Pasensya na talaga.

   Matapos ang ilang minuto, dalawang mensahe ang makasunod na ipinadala mo.

   Ria ikaw ba yan?

   Ria sorry na.

   Hindi na ako nag-reply sa pagka-yamot ko sa'yo. Simula noong iniiwasan na kasi kita, ito iyong pinaka-unang beses na kinontak natin ang isa't-isa. Nang una, nagte-text ka pa subalit nang hindi ka nakakatanggap ng sagot sa akin, dinadaan mo na lang sa dati'y usong-uso na 'group message' paminsan-minsan.

    Paano ko ba kasi nakaligtaan noon na huwag kang isali sa mga taong dapat makakatanggap ng mensahe?

   10 new texts. 5 missed calls.

   Sa aking gunita, ito yung bumungad sa akin nang tiningnan kong muli ang aking telepono matapos lumipas ang anim-na-pung minuto. Bukod kasi sa sinasadyang huwag kang bigyan ng pansin, nakatulog rin ako.

    Nang tiningnan ko yung mga mensahe, magkaiba man ang pagkabuo iisa lang ang ipinapahayag nito: Ria pasensya.

   Naka-silent yung telepono at nakatulog rin ako.

   Okay lang iyon. Sorry ulit ha? Yung girlfriend ko kasi, lahat pinagseselosan. Lahat ng babae sa na may numero ako maliban sa aking kapamilya ay kanyang binura.

    Ang harcore naman ni Madi!

    Wala na kami. Tatlong buwan lang ang inabot namin ni Madi.

    Siguro ako iyong nagdesisyon na huwag nang maki-balita kung anuman ang nangyayari sa iyong buhay-pagibig sapagkat sa sumunod na pinag-usapan iba na ang ating paksa.

    Sigurado na ako sa premed kong kurso. Ang di pa tiyak ay ang papasukan kong kolehiyo.

   Mabuti naman kung ganun. Good luck! :)

   Salamat :) Ikaw ba, anong plano?

   Hindi pa ako sigurado. Medyo mataas pa naman yung oras kaya iisipin ko muna ng maigi.

   Haha ^^, kamusta ka na pala? Namiss kita ng sobra!

   Ayos lang. Siguro nagdadalaga na dahil may crush na ako ngayon hahaha!

   Naks! Sino ba yan? Lalaki ba?

  Gago! I have nothing against lesbians pero straight ako.

  Lol! So sino?

  Ikaw...

  Ria seryoso ka ba?

  Hahaha! Tiyak na hindi, ano ka ba!

  Hindi ko mawari kung nabura ang iba pero iyon ang naging huling pag-uusap natin. Sa panahong iyon, iba naman talaga iyong tinutukoy ko.

   Subalit kung sakaling totoo ngang ikaw yung nasa puso, maririnig kaya na ako rin ay iyong gusto?

  —— 


Pwede Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon