Prologue

497 6 0
                                    

Noong bata pa ako madalas na ako makulit at masayahin. Mahilig ako maglaro kasama ang mga kababata ko sa likod ng eskuwelahan namin. Di ko maintindihan nung una kunga bakit madalas ako magising sa gabi na parang may tumatawag sa aking pangalan.

Di ko alam kung maniniwala ako sa mga paranormal, pero sabi ng katulong namin siya daw ay mangkukulam at kaya daw nya gamitin ang itim na kapangyarihan nya. Nakita nya ang takot sa aking mga mata siya ay biglang ngumiti at sinabing, " Natatakot ka ba?", nanalalaki ang aking mga mata naramdaman ko ang malakas na pintig ng puso ko. Sa mura kong gulang na anim na taon naisip ko na maaaring binibiro ako ng katulong namin, pero nasa likod din ng aking isipan na maaring totoo yun.

" Alam mo ba Tinay na pagnatakot ka daw ay lalo kang tatakutin ng mga kaluluwa? Bwhahaha", sumigaw ako at natakot. Nagtakip ng mata at nagtalukbong ng kumot. " Hahaha niloloko lang kita ano ka ba?", sambit ng aming katulong.

Tumatatak sa isipan ko ang mga sinabi nya noong gabing iyon, ng patayin na ng aking ama ang ilaw sa aking kuwarto. Di ako makatulog at mulat ang mga matang nakatitig ako sa kisame na naiilawan ng liwag mula sa poste sa labas ng bahay.

Nakarinig ako kaluskos, napalingon ako sa kanan.. sa kaliwa.. kuyom sa aking mga kamy ang aking kumot. palapit ng palapit ang kaluskos pagtingin ko sa aking paanan dalawang pulang mata at isang kumpletong pares ng mga ipin ang nakatunghay sa akin. Natakot ako, sinubukan kong sumigaw pero walang tinig na lumabas sa aking bibig. Lumapit sya ng lumapit natakip ako ng kumot. Naramdaman ko ang paghila sa kumot. Sa sobrang takot ako ay nahimatay.

Kinabukasan pagmulat ko ng mata, umaga na at walang kahit anong palatandaan sa nangyari kinagabihan. Sinubukan kong ikuwento sa aking mga kalaro ang nangyari. Subalit wala silang ginawa kundi ako ay pagbintangan na ako ay sinungaling. Na maaring ako ay namalikmata o biniro ng aming katulong.

Di ko na muli pang sinubukan na magkuwento sa takot na mahusgahan lamang ako. Ngunit di natapos dun ang mga pangitain. Sa paglalakad nakakita ako ng mga dwende, lamang lupa at mga ligaw na kaluluwa, mas pinili ko na lamang na manahimik baka isipin nila na ako ay nababaliw. Nagdalaga ako na walang iba pang nakaalam sa aking sikreto.

Ang alam ko totoo ang nakikita ko pero di ko akalain na di pala ako nagiisa sa mundo. Nagsimula kong maintindihan ang dahilan ng kakayahan na ito ng makilala ko si Techo.

Si Techo ay isang mestizo na hapon na lumipat sa paaralan namin. Tahimik sya at walang kinakausap. Madalas na sya ay nakaupo sa isang sulok at nagbabasa ng libro. May kataasan sya at may taglay na kagwapuhan.

Madaming babae ang nahuhumaling sa kanya sa aming paaralan pero dahil sa sya ay suplado walang masyado nakikipagusap sa kanya.

Isang araw habang ako at ang ilang kaibigan ay naglalakad. Napansin ko na may isang maliit na maligno na maghuhulog ng buko sa isang kaklase namin na nakatayo sa ilalim ng puno. Tumakbo ako sa kanya at sya ay hinila ko. Nalaglag ang buko at siya ay di tinamaan.

" Paanong mo nalaman na mahuhulog yung buko?", tanong ni Paco habol ang kanyang paghinga.

" Ah wala napansin ko lang kasi", ang matipid kong sagot na nakangiti." Magiingat ka na sa susunod at wag na kayo tumayo dito baka may mahulog uli mamaya.'"

Tinuloy namin and paglalakad kasama ang aking matalik na kaibigan na si Celia. Pagkadating  sa kanto malapit sa aming bahay naghiwalay na kami at ako ay magisa naglakad pauwi. Sa poste sa tabi ng bahay namin nakasandal si Techo, nagbabasa sya ng libro.

Dahan dahan ako na dumaan sa kanyang harapan. " Nakita mo yun no?", ani nya ng di tumitingin sa akin.

" Nakita and alin?", nagulat ako sa kanyang tanong di ako sigurado sa gusto nyang malaman.

Sinara nya ang libro at lumapit sa akin. Seryoso syang tumingin sa aking mga mata. " Nakita mo yung nasa puno na maligno kaya nailigtas mo si Paco."

Nagulat ako. Di ko alam kung ano ang isasagot ko. " Di ko alam pinagsasabi mo", pagkasabi nun ay naglakad na ko palayo. HInawakan nya braso ko at pinigilan ako.

" Wag ka magalala di ka nababaliw. Nakita ko din sya", ani nya sabay bitaw sa aking braso. Naglakad sya palayo. Tinignan ko sya. Nagisip.

Di ko akalain na eto na pala ang simula ng magulo at masayang paggamit ng aking kakayahan.

Misteryosong TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon