Kabanaya 4: Ang Sorbetero at ang Munting Anghel

120 1 0
                                    

Ilang araw ang lumipas mula insidente na may kinalaman kay Linda. Iniwasan ko si Techo sa takot na baka saga darating na araw ay hilahin nanaman nya ako sa kalokohan nya.

Pagtunog ng bell ay agad kong binubuhat ang gamit ko at tumatakbo ako agad palabas ng eskuwelahan. Nagtataka si Celia sa ginagawa kong paghila sa kanya pauwi.

Pero di ko sinabi sa kanya ang totoong dahilan. Tinago ko ang katotohanan na iniiwasan ko si Techo Suzuki , ang lalakeng kinahuhumalingan ng mga babae sa aming paaralan. Tulad ng dati naghiwalay kami sa kanto ni Celia at naglakad na ko patungo sa aming bahay.

Natigilan ako sa aking nakita andun si Techo sa dating poste at nagbabasa ng libro. Tumalikod ako at plano kong umikot sa kabilang kalye at dumaan na lamang sa bakod namin sa likod. Ng bigla na lamang siyang magsalita.

" Iniiwasan mo ba ako", ani nya habang nakatingin sa kanya libro.

" Hindi naman", ang kunwaring natatawa kong sabi. " May nalimutan lang ako sa sa eskuwelahan kaya babalik ako."

" Kahit magtago ka sa eskuwelahan alam ko ang bahay mo kaya di ka makakapagtago. Humanda ka may pupuntahan tayo."

" Ayoko ko nga", ang matigas kong sabi habang naglalakad pauwi. Hinablot nya ang kamay ko at binuhat ako sa kanyang balikat.

" Biatawan mo ko ang pagpupumiglas ko. Ahhh, halp! kidnapper. kidnapper", buong lakas ng aking boses sa pagsigaw. Sinakay nya ako sa kayang motor at tumingin sa aking mga mata. "Pagtinulungan mo ako ngayon di na kita hihingan ng tulong uli."

Napatingin ako sa guwapo niyang mukha. Natigilan ako. Naisip ko na baka tigilan nya ako kung tutulungan ko siya ngayon.

Tahimik akong yumuko at hinayaan ko siya na dalhin ako sa simbahan malapit sa aming paaralan. Itinigil nya ang motor at siya ay bumababa. Habang nakatayo sya gilid ko at ako ay nakaupo sa motor ay tahimik niyang tinitignan ang matandang sorbetero na nagtitinda sa labas ng simbahan. Magiliw niyang pinagbebentahan ang mga bata na nabili sa kanya.

Napansin ko naman ang isang bata na matagal ng nakatunghay sa kanya pero di niya ito binibigyan ng sorbetes.

Nakita ko ang lungkot sa mata ng bata at ito ay lumayo at umupo sa may tarangkahan ng simbahan. Malungkot siyang nakatingin sa matandang sorbetero.

" Alam kong nakikita mo yung bata sa may simbahan."

" Oo", ang matipid niyang sagot.

" Di pa nya alam na siya ay patay na kaya paulit ulit siyang napunta dito."

" Ano gusto mong gawin ko?"

" Tulungan mo ako na iparating sa kanya ang totoo para pumunta na siya sa liwanag", ani ni Techo habang nakatitig sa bata.

Misteryosong TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon