Kabanata 10: Lihim na Sakripisyo

55 3 0
                                    

Tumunog na ang bell para simula ng klase ng araw na yun. Hinintay ko na umakyat si Techo sa klase niya bago ako umakyat sa aking kuwarto. Wala talaga akong gana na makinig sa guro namin na lagi na lang nagbibigay ng pagsusulit. Di ko maiwasan na dumungaw sa bintana ng kuwarto at tignan ang mga ulap na lumulutang sa langit. " Tinay!", sigaw ni Ginang Gomez. Napatayo akong bigla sa aking upuan. " Yes Ma'am", aniya ko.

" Anong yes ma'am?'

" Ay NO pala ma'am", nalilito kong sabi nagtatawanan ang mga kaklase ko habang nararamdaman ko ang paginit ng aking pisngi. " Nananginip ka ata ng gising iha. Ang sabi ko asaan na ang takdang aralin mo?", halata na angpagkairita sa tinig ni Ginang Gomez.

Umupo ako at inabot and notebook ko sa aking kakalase. Naiinis ako sa aking sarili sa nangyari. Di ko maintindihan ang problema ko. Di ko alam kung bakit di maalis sa isip ko si Techo. Buong maghapon akong malungkot at di ako sumama sa mga pag-aya ng barkada na pumunta sa mall na malapit sa aming eskuwelahan.

Paghudyat ng uwian ay nagpaiwan ako sa silid-aralan para magisip-isip. Gumuhit ako ng mga larawan gamit ang notebook ko. Namalayan ko na lamang na madilim na sa labas. Dali-dali kong niligpit ang ang aking mga aklat at nilagay ito sa aking backpack. Pagbaba ko sa gusali nakita ko si Techo na nakatayo sa daanan patungo sa palikuran ng mga lalakeng estudyante. Bigla ko na lamang naramdaman ang isang malamig na hangin na bumalot sa aking katawan at unti-unti akong nawalan ng malay.

" TINAY! TINAY! GUMISING KA LABANAN MO"

Pagdilat ko ay nakahiga na sa simento si Techo at ang dalawa kong kamay ay sinasakal ang kanyang leeg. Di ko makontrol ang mga nangyayri. Di ko mabitawan ang kanyang leeg. Unti-unti ko siyang inangat mula sa simento at habang sakal siya at inangat ko siya habang patuloy ang pagsakal ko sa kanya.

" Lu..lumaban ka.", aniya habang pahina ng pahina ang boses. Nawalan siya ng malay habang siya ay sakal-sakal ko.

" TECHOOOOO!", napasigaw ako. Sa isipan ko ay may naririnig akong tinig.

Hindi mo ko kaya. Limangpung taon na kong nabubuhay dito sa mundo. Ang iyong kakayahan ay di pa sapat para labanan ako.

" Sino ka?", bitawan mo si Techo.

Papatayin ko siya. Siya lang ang may kakayanan na pigilan ang mga plano ko.

" Gagawin ko lahat. Tutulungan kita. Basta huwag mo siyang patayin", sambit ko.

Talaga!

" Oo pangako"

Pagkasabi ko noon ay unti-unting binitiwan ko ang leeg ni Techo at binababa ko siya sa simento.

" Ano ang gusto mong gawin?"

Gusto kong patayin ang angkan ng lalakeng lumapastangan sa akin. Ubusin ang lahi niya mula sa kanya hanggang sa mga ka-apo-apuhan niya. At kailangan ko ang katawan mo para maisakatuparan ko yun. Kapag hindi ka pumayag papatayin ko itong nobyo mo.

" Hindi ko siya nobyo", di ko napigilan na ibulaslas.

Hindi???? kung ganun pareho kayong hangal. Ipinangako niya sa akin na puwede ko siya gamitin basta lubayan kita. Kahit di mo siya nobyo. Mga baliw kayo. hahahahahaha. Masyadong malakas ang kakayahan ng batang ito kaya nakokontrol niya ako. Pero ikaw.. mahina ka. kayang kaya kita gamitin.

Muli dumilim ang paligid. Nawalan ako ng malay.

*************************************************************************************************************

Pagmulat ko ng mata napansin ko na nasa isang malaking silid na ako na mukhang kuwarto ng isang lalake. Bigla sumakit ang ulo ko, paghawak ko dito napansin ko ang benda na nakapulupot dito. Nagbalik sa aking ala-ala ang lahat ng nagyari kanina. Tinignan ko ang aking kamay, natatakot na makakita ng bahid ng dugo. Pumatay ba ako?? Nagtagumpay kaya yung mapaghiganti na kaluluwa na yun?, sunod-sunod na tanong ko sa aking sarili.

Biglang bumukas angp pinto ng silid pumasok ang isang matandang lalake na sa aking sapantaha ay isang hapones. Umupo siya sa gilid ng kama at may inabot na tasa na may tsaa. Inabot ko ito at ininom. Napaka-pait ng lasa pero gumaan ang aking pakiramdam sa pinainom sa akin.

Lumabas ang matanda. Kapalit niya ay pumasok si Mrs. Suzuki na nakangiti. " Kamusta ka na Tinay?", aniya na may pagaalala sa tinig.

" Ayos naman po ako. Ano po ang nangyari?? Asaan po si Techo? Yung kaluluwa po na gusto maghiganti??"

Hinawakan niya ang aking balikat sabay sabing " Relax ka lang iha ikukuwento ko sa iyo ang lahat pero kumalma ka lang muna", umupo siya sa gilid ng kama.

Bumuntong-hiniga siya. at tumingin sa akin. " Nung kasalukuyan mong nilalabanan ang kaluluwa nagising si Techo, kinuha niya ang opportunidad na hampasin ka sa ulo para mawalan ka ng malay atdi ka magamit ng kaluluwa. Pagkatapos noon ginamit niya ang natitira niyang lakas para ikulong ang kaluluwa na yun sa bote na ito", nilabas niya ang isang bote na may nakasulat na orasyon.

" Napansin niya na may sugat ka sa ulo kaya dinala ka niya dito para gamutin ka namin, medyo malala ang naging sugat niya sa pakikipaglaban niya sa kaluluwa na yun. Pagkahiga niya sa iyo dito sa kama nawalan naman siya ng malay hanggang sa oras na ito. Ginagamot siya ng kanyang lolo. Pero di gumaganda ang lagay niya", nangingilid ang luha na sabi ni Ginang Suzuki.

Parang may bumara sa lalamunan ko, di ko maintindihan ang nangyayari. Tumayo ako naglakad palabas ngg kuwarto. Habang si Ginanag Suzuki ay nakasunod sa akin. Nakita ko si Techo na nakahiga sa gitna ng salas walang malay, walang ekspresyon ang maamo niyang mukha.

Napaluhod ako sa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya. Pumatak ang luha sa mata ko. Niyapos ko ang ang kanyang braso. Hindi ko namalayan ang liwanag na lumabas sa aking kamay. Isang malaking Krus na bumalot sa aming dalawa. Natigilan ang lahat ng kamag-anak ni Techo sa nangyari.

" Hoy! akala mo ba maganda ka para lalo mo papangitin mukha mo sa pagiyak?" , mahinag sambit ni Techo.

"Techo?", aniya ko sabay hagulgol.

"Ano ba? ayusin mo nga itsura mo", aniya na may pagkairita. Hindi ko na napigilan ang aking sarili niyakap ko siya habang siya ay nakaupo. Hinawakan niya ang balikat ko tinutulak niya ako palayo. " Uy ano ka ba manyakis ka ba?", sabi niya habang tinutulak ako.

Wala akong pakialam patuloy ko siyang niyakap. Di ko malilimutan ang lihim niyang sakripisyo para sa akin.

Itutuloy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Misteryosong TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon