Maglilimang araw na mula nung insidente na may kinalaman kay Mico. Naging normal uli ang takbo sa buhay ko. Pero isang malaking hamon ang haharapin ko sa mga susunod na araw.. examination.
Magaling ako sa ibang subject pero talagang sinusumpa ko ang math. Masakit na ang ulo ko algebra at ang kinakatakot ko baka ito pa ang maging dahilan para di ako makagraduate.
Buti na lang andyan si Kevin Manalo. Siya ang pinakamatalino sa class F. Madami din kaming kaklase ang nagkakagusto sa kanya pero suplado siya. Tulad ni Techo madami ding babae ang lumalapit sa akin para iabot sa kanya ang mga sulat at tsokolate. Minsan napapaisip na din ako kung bakit para na kong postman na taga deliver.
Tulad ngayong araw na ito si Agnes Sarmineto ang magandang Fourth year ng class A ay hinarang ako sa CR.
" Tinay alam ko naman na abala ito pero puwede ba pakiabot naman kay Kevin to? Nag-bake kasi ako ng cookies kanina. Ah oo nga pala eto para sa iyo", sabay abot sa akin ng maliit na balot ng cookies.
Ito naman talaga ang benefit ko hehehe meron din ako,nangingiti kong sabi sa aking sarili.
"Sige Agnes ako na bahala mag-abot."
"Salamat talaga ah Tinay", napaganda talaga ni Agnes sa maalon niyang buhok, maputi niyang kutis at pink niyang pisngi at labi.
Naglalakad na ko papunta sa classroom namin ng makasalubong ko si Kevin. Kinawayan ko siya at lumapit siya sa akin.
"Kevin pinapaabot ni Agnes", ngumiti siya at inabot ang cookies.
"Pakisabi salamat", pagsabi noon ay nagpatuloy sa paglalakad si Kevin kasama sina Paco at Mark.
Itutuloy ko na ang paglalakad ng magulat ako at nasa harapan ko na si Techo. Nakatitig lang siya sa akin na parang nagiisip.
" Grabe din ang crush mo sa Kevin na yun no? May pa-cookies cookies ka pang nalalaman", seryoso pa rin at walang emosyon ang boses niya.
" Ano naman sa yo? Inggit ka lang", sabi ko habang patuloy sa paglalakad.
" Di ako maiingit, naaawa pa nga ako sa kanya kasi sigurado masama lasa nyan ikaw kasi may gawa", pagkasabi noon ay naglakad na siya pabalik sa classroom ng A section.
Lumingon ako at nakita ko lang ang likod niya na palayo sa akin. Nakapasok ang kanang kamay sa bulsa. Nangigigil ako sa kanya. Tinignan ko ang cookies at balik uli ang tuwa ko.
Tumunog na nag bell hudyat na tapos na nag recess. Natakbuhan pabalik sa kaniya-kaniyang upuan ang lahat.
Masaya akong umupo sa arm chair ko at binuksan ko ang cookies. Dahil wala pa naman ang guro namin sa math naisip kong tikman ang bigay ni Agnes.
" Hmmmm sarap naman nito", sabi na medyo napalakas ng konti.
Lumingon si Kevin na katabi ko at tumawa. Pagkatapos nun ay bumalik na siya sa pagbabasa ng libro.
Pumasok sa klase namin si Ginoong Martin para sabihin sa amin na ang eksamen ay may coverage na mula sa polynomials hanggang sa trial and error formula sa algebraic expressions.
Napailing ako dahil sa haba nun siguradong babagsak ako.
" Katapusan ko na talaga", sabi ko habang nakalagay sa ulo ko sa arm rest ng upuan.
"Ok ka lang?", si Kevin na natatawa.
" Ok lang pero alam mo naman kahit nung bata pa tayo sa math ako tagilid. Buti ka pa ang galing mo sa math."
" Eh di tulad na lang ng dati mamayang hapon pupunta ako sa inyo para turuan ka."
Nagliwanag ang mukha ko sa tuwa dahil makakasama ko si Kevin at may chance na ako pumasa sa algebra.