Habang nakasukbit and bag ko sa balikat ni Techo nagtungo kami sa pasilyo sa ikatlong palapag ng gusali ng aming eskuwelahan. Nasa unahan si Techo habang ako ay naglalakad sa likuran niya. Yakap ko ang sarili ko habang palapit kami ng palapit sa classroom 301.
May kaunti pang liwanag sa pasilyo nangagaling sa palubog na araw. Tumigil kami sa tapat ng classroom 301. Tumingin si Techo sa relo nya. Tumingin sya sa bintana ng pasilyo nagisip.
" Ano ba? Ano ba talaga gusto mo gawin ko?", sabi ko may na may pagkairita sa boses.
" Hihintayin natin ang alas-sais ng gabi", sabi nya ng di tumitingin sa akin.
" Ha? Bakit naman?"
" Dahil yun ang oras na madalas magpakita ang babae dyan sa kuwarto na yan. Kailangan natin maghintay para matiyempuhan natin sya."
" Nasisiraan ka ba? Bakit ba gusto mo siyang kausapin?"
" Wala ka na dun", pagalit nyang sinabi.
Akala mo kung sino 'to. Makuha ko lang bag ko tatadyakan kita, ngumingiti ako habang iniisip ko ang gagawin ko sa kanya mamaya.
" Di ka ba natatakot?", tanong nya.
" Natatakot! Pero medyo sanay na ko na makakita ng mga kakaibang bagay kaya medyo handa na ko sa mangyayari."
Di na muli pang nagsalita si Techo sa loob ng biente minutos na paghihintay kami sa pasilyo. Sumakit na ang binti ko sa paghihintay kaya umupo ako sa simento at sumadal sa dingding. Pinikit ko ang mata ko para umidlip. Si Techo naman ay di tumitinag sa kanyang pagkakatayo.
Tumunog ang bell ng katabing simbahan ng aming paaralan. Hudyat na alas-sais na ng gabi. Tumayo ako at nagpagpag para tanggalin ang alikabok na dumikit sa aking palda.
" Oras na", ani nya sabay tingin sa akin.
" Ano na gagawin natin?
" Gusto ko pumasok ka sa loob at hintayin mo na magpakita sa yo ang babae."
Napalunok ako at kinabahan sa kakaibang plano nya pero wala naman akong magagawa kundi ang sumunod. Pinaupo nya ako sa upuan sa gitna ng classroom. Habang sya naman ay nakasalampak sa sahig sa likuran ng aking banko. Nakakubli sya na para bang ayaw nya makita sya ng babae sa loob ng classroom na yun.
Limang minuto na ang lumipas pero wala pa ding babae na nagpapakita. Lumakas ang tibok ng aking puso. Ginusto kong magsalita pero pinigilan ako ni Techo. Nakaramdam ako ng panlalamig, ang pagakyat ng buhok sa aking batok and senyales na may iba na kaming kasama sa kuwarto na yun.
Mula sa pintuan nakita ko ang mala-usok na pigura, unti unti itong nagkahugis. mapapansin mo ang damit, buhok at mukha na unti-unting naglalakad patungo sa bintana. Nanlaki ang aking mata habang unti-unting lumilinaw ang imahe. Isang babae na nasa edad na labing tatlo o di kaya labing apat. Nakalugay ang buhok at suot nya ang uniporme namin. Nakaharap sya sa bintana kaya di ko makita ang kanyang mukha. Sa likod ng aking isipan may naaalala ako na di ko tuluyang mawari kung ano. Biglang lumingon and babae, pamilyar sa akin ang mukha nya. Uniti-unti siyang lumapit sa akin, wala syang paa, para lamang siyang nakalutang sa hangin.
Di ako makagalaw, nagiisip kung ano ang aking gagawin. Palapit ng palapit sya sa akin, ng bigla kong maalala kung sino sya. " Linda Mae? Ikaw ba yan?", tumigil sya sa paglapit sa akin.
Lumabas sa pinagtataguan nya si Techo, napansin sya ng babae at unit-unti itong naglalaho. "Huwag kang matakot andito kami para tulungan ka ani ni Techo", sabay hawag sa kamay ng babae.
Nagulat ako sa kakayahan na meron siya, para mahawakan mo ang isang kaluluwa ibig sabihin may kakaiba kang kapangyarihan. Tumigil ang babae tumingin sa kanya at sa akin.
" Ano ba ang dahilan at di ka manahimik?", ani ni Techo sabay bitaw sa kanyang kamay.
" May isa akong liham", ani ng babae ng di gumagalaw ang bibig.
" Saan ito nakatago?"
" Nakaipit sa libro sa aking dormitoryo."
" Ano ang gusto mong gawin namin sa liham pagnatagpuan namin to?"
" Ibigay nyo sa aking magulang", pagkasabi noon ay bigla ng naglaho si Linda Mae.
Di ako makapaniwala sa nangyari, nakatulala lamang ako sa aking nasaksihan. Unti-unting nawala ang lamig sa silid. Nawala din ang pananakit ng aking batok at ulo.
" Saan sya nakatira?"
" Ha? Ano ibig mo sabihin?"
" Narinig ko na tinawag mo sya sa pangalan nya. Saan ang dormitoryo nya?" Seryoso ang mukha ni Techo. " Dalhin mo ko dun. Hinablot nya ang aking braso at hila-hila ako palabas ng eskuwelahan.
Napilitan ako na samahan ko sya sa dormitoryo malapit sa aming paaralan. Si Ginang Lopez ang may ari noon at sya ay isang ubod ng bait na babae. Siya ay mataba na may malaking nunal sa noo at may masayahin na personalidad.
" Magandang gabi po Mrs. Lopez.", ani ko.
" Oy ikaw pala yan Tinay, ano ang sa atin?"
" Itatanong ko lang po sana kung naitabi nyo po ang mga gamit ni Linda Mae?", sabi ko na may pagaalinlangan sa tinig. Habang si Techo ay tahimik lamang na nakatunghay sa amin. Nagbago ang mukha ng matandang babae, nalungkot sya ng maalala si Linda Mae.
" Napakabait ng batang yun. Sayang at kinuha siya agad sa atin ng nasa itaas", pagalaala ni Ginang Lopez. Pinilit niya muling ngumiti. " Oo tinago ko sa bodega ang mga gamit nya. Di na kasi bumalik dito ang magulang nya pagkatapos nilang makuha ang katawan niya. Di na ata nila maatim na maalala pa si Linda", sa huli isang malalim na buntong-hiniga ang lumabas sa matandang babae.
" Mrs. Lopez maari po ba naming tignan ang mga gamit nya? "
Nagtaka ang matanda. " Bakit naman Tinay?"
" Kasi po may libro po ako na hiniram nya na di na po naibalik. Medyo mahalaga po kasi yung libro na yun kaya naisip ko po baka naandito pa gamit nya at naiwan dito."
" Ngayon mo lang din nakayanan na harapin ang pagkawala nya. Pagkalipas ng dalawang taon mula sa pagkamatay nya tsaka ka muling dumalaw."
" Opo", nalulungkot din ako ng mga oras na yun pero mas mahalaga na matahimik na ang kaluluwa ng dati kong kaibigan.
" Sige pumunta na lang kayo sa bodega sa likod nasa isang kahon na asul ang lahat ng gamit nya."
" Sige po salamat po ng marami."
Tumayo na kami ni Techo at naglakad sa madilim na pasilyo papunta sa bodega. Di ko napansin na may basa sa inapakan ko at ako ay nadulas palikod. Sinalo ako si Techo at halata ang pagkairita nya sa kanyang mukha. " Di ka lang pala enggot lampa ka pa", sabi nya ng walang ka-emosyon emosyon.
Ang yabang talaga nito grrrr, sabi ko sarili ko. Pagdating namin sa bodega nakita min ang napakadaming gamit. ilang kahon din ang ginalaw namin bago namin nakita ang asul na kahon na may nakasulat na Linda Mae.
Umupo sa tabi ko si Techo at tinulungan nya ko na buklatin ang lahat ng aklat ni Linda. Ilang libro na ang natitignan namin pero wala pa din and liham na sinasabi nya. Napansin ko ang isang aklat ng mga dasal sa simbahan na nakaipit sa mga damit nya. Doon ko natagpuan ang liham nya. Naka-laan ito sa kanyang mga magulang sa nakatira sa Batangas, nakasulat din and kanilang address.
Hinablot ni Techo ang liham mula sa akin. Nilagay ito sa kanyang bulsa at inihagis and bag ko sa kin. " Salamat", ani nya sabay talikod palabas ng bodega.
" Hoy ano ba hahayaan mo ba ko ayusin magisa itong mga gamit na ginulo natin", sabi ko ng may pagkairita.
" Oo", ang matigas niyang sagot at ako ay kanyang iniwan.