Kabanata 9: Ang Naguguluhan na Puso

33 1 0
                                    

Masamang masama ang loob ko sa pagtrato na ginawa sa akin ni Techo. " Sa palagay ba niya gusto ko siya at ganun siya makaasta", nasabi ko sa king sarili.

Di ko namalayan na naglalakad na pala ako pauwi at pumpatak na ang luha ko. Dumaan ako sa sala ng bahay namin ng wala man lang kinikibo sa mga tao sa paligid. Napansin ko na nakatingin lang sa akin ang pamilya ko.

Pabagsak akong dumapa sa kama at niyakap ko ang unan. Patuloy and pagpatak ng luha ko, nagsisikip ang dibdib, matinding sakit na nararamdaman. " Ano ba to?" pasigaw kong sambit sa kawalan.

Biglang narinig ko ang pagkatok ni nanay sa pinto. " Tinay.. kakain na bumababa ka na diyan", aniya.

" Opo", ang mahina kong sagot. Dali-dali akong nagpalit ng damit na pambahay. Pagdating ko sa hapag kainan ay napansin ko na tahimik na nakaupo sina papa sa lamesa. Parang nakikiramdam sa nangyari sa akin. Dahan dahan akong umupo sa mesa. " Tinay, ayos ka lang ba anak", aniya ni tatay sa mukhang nagaalala sa namumugto kong mata.

" Ayos lang po", aniya ko sabay pahid sa luha na pumtak sa kaliwang mata ko.

" Oh kain na di ba paborito mo yang adobong manok?", aniya ni nanay habang nilalagyan ako ng ulam sa plato. Pinilit kong kumain ng madami, binusog ko ang sarili ko dahil sa sama ng loob na nararamdaman ko. Matapos kumain niligpit ko na ang mesa at dumiretso sa kusina para maghugas ng pinagkainan. Tahimik na nakatayo ni nanay sa likuran ko,  pinagmamasdan ako habang siya ay patuloy sa pagtutyo ng mga plato.

" Tinay? Si..... nagaway ba kayo ni Techo?", aniya na para bang naiilang.

Natigilan ako sa paghuhugas ng pingan, napabuntong-hininga, pero pinii ko pa din na huwag sagutin si nanay. Paano ko sasabihin kay nanay ang nangyari eh ni ako nga di ko alam ano 'tong nararamdaman ko.

Nilalagay ni nanay ang mga tapos ng hugasan sa mga lalagyan at bumuntong hininga. " Alam mo Tinay, ganyan talaga ang magkasintahan minsan nagkakatampuhan tsaka....."

" Di ko po siya boyfriend 'nay ano naman po ba yang sinasabi ninyo?", pagputol ko sa kanya.

" Eh kung di mo pala boyfriend eh bakit ka nagkakaganyan na parang nawalan ng lovelife ang itsura mo dyan.. di ka dapat umiiyak diyan sa isang tao na di mo naman pala nobyo. Ay naku Tinay umayos ka nga", pagkasabi noon ay bigla niya akong iniwan.

OO nga naman di ko naman siya boyfriend bakit ko ba siya iiyakan. Mamamatay ba ko kung deadmahin niya ko manigas siya... Grrrrrrrrrrrrr... aaaaaaah, napasigaw na lang ako.

Pagpasok ko sa kuwarto, pakiramdam ko sobrang pagod ang lumulukob sa akin. Nakatitig ako sa kisame na parang nagbibilang ng butiki. Ilang minuto po nakatulog na ko. Madilim ang paligid, wala ako makita, sa di kalayuan may taong nakatalikod at nakaharap sa pampang. Nilapitan ko siya, naaaninag ko siya.... si Techo ba itong ang imahe na aking nakikita. Hinawakan ko ang balikat niya paglingon niya ay malungkot ang kanyang mata na may nangingilid na luha, unti-unti nagbago ang anyo niya nagkakapangil, humahaba ang buhok. Napaatras ako lumapit siya at hinawakan ang aking leeg... unti unti hinigpitan niya ang hawak niya dito. Hindi ako makahinga, sa di kalayuan isang matalim na halakhak ang narinig ko.

Riiiiiiiiiinnnnnnnng!!!!!! tunog ng alarm ng orasan ko. Alas siyete na ng umaga luminga linga ako sa paligid. Panaginip lang pala, pabulong kong sambit.

Naghanda na ko pagpasok. Naisipan ko maglakad papunta sa eskuwelahan. Di ko maiwasan maala-ala ang aking panaginip. Natanaw ko si Techo naglalakad mga ilang dipa mula sa akin. Gusto ko siyang tawagin, tumakbo papunta sa kanya. Pero bumalik sa alaala ko ang nangyari. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Pinili ko na lamang bagalan ang aking paglalakad kuyom ang kamay sa aking dibdib.

Umiibig na ba ko kay Techo... tanong ko sa aking sarili.

Itutuloy

Misteryosong TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon