Kabanata 1: Ang Babae sa Classroom 301

165 1 0
                                    

Di ko malimutan and nangyari nung isang araw ng makita ko si Techo na nakatayo sa labas ng bahay namin. Pinilit kong huwag ipahalata sa mga kaklase at kaibigan ko na naiilang ako sa kanya.

Tanghalian noon, naglalaro kami ng volleyball sa quad ng paaralan. Hindi ako magaling maglaro pero natutuwa ako sa kulitan namin ng aking mga kaklase kaya pinili ko na gawin ito tuwing recess namin.

Habang naglalaro naramdaman ko ang pagtayo ng buhok sa aking batok. Pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Inikot ko and aking paningin, sa kaliwa, sa kanan, sa likod, tumingala ako.  Hanggang sa sulok ng aking mata ay nakita ko siya... si Techo, nakatayo sa pasilyo malapit sa kinalalagyan namin , nakaipit and isang libro sa kanyang kanang kili-kili at nakatitig sya sa akin. Nagulat ako sa talim ng tingin nya sa akin, di ko namalayan ang pagtira ng bola ni Celia at direkta itong tumama sa mukha ko.  " Aray naman!", and sigaw ko habang nakaupo sa simento at hawak ang aking mukha.

Naramdaman ko ang pagpatak ng dugo mula sa aking ilong. Di ko  namalayan na katabi ko na si Techo. Inilagay nya ang panyo sa aking ilong sabay hila ng aking kamay ipinatong dito.

" Pisilin mo yan para tumigil and pagdugo. Di ko akalain na enggot ka pala", ani nya habang hinihila ako patayo hawak ang kanan kong braso.

" Hoy di ako enggot, bitawan mo nga ako", paghulagpos ko sa kanyang pagkakahawak. Hinablot nya muli and braso ko at hinila ako sa direksyon ng klinika.

" Whaah bitawan mo ko", ani ko habang pumipiglas.

" Wag ka ngang maarte, Engot ,dadalhin kita sa clinic", ani nya habang hila ako.

Paglingon ko nakatigil and lahat ng kaklase ko sa paglalaro at sinusundan kami ng tingin."Bitawan mo ko wierdong pangit ahhhh", sabi ko.

Di pa rin sya kumibo. hinila ako sa klinika at pinaupo malapit sa lamesa ng nurse. Dumating and nurse at tinignan ang lagay ng ilong ko.Habang ako ay ginagamot nakatingin sa akin si Techo nakadungaw lang sya sa bintana.

" Tinay, sa susunod magiingat ka. eto ang yelo ilag  mo bandang harap ng ilong mo para di mamaga. Wala namang bale nagkasugat lang kaya dumugo."

" Salamat po nurse Aira", sabi ko habang dinidiin and yelo sa ilong ko.

Tahimik kaming nakaupo ng biglang dumating and limang second year sa estudyante karga nila and isang babae. Wala itong malay. "

" Ano and nagyari sa kanya?", ani ni nurse Aira.

" Bigla na lamang po sya natulala at hinimatay."

Tinignan ni nurse Aira and pulso at kundisyon ng babae. Teka si Mindy yun ah ng class-a second year, sabi ko sa aking sarili.

Inutusan kami ni nurse aira na bumalik na sa ming klase. Paglabas ng klinika nakasalubong namin ang tatlong kaklase ni Mindy na naguusap sa labas. Narinig ko and ilan sa kanilang usapan. Nagkukumpulan sina Mark, Encho, Mico at Wendel.

" Sabi nya bago sya nawalan ng malay may nakita daw syang babae sa may bintana ng classroom natin", sabi Mark.

" Oo nga narinig ko din yun", dugtong ni Encho.

" Nakakatakot naman", sabay na wika naman ni Mico at Wendel.

Naku makaiwas na nga sa romm 301 baka ako pa may makita eh, sabi ko sa aking sarili. " Iniisip mo yung pinaguusapan nila no? ", sabi ni Techo habang nagbabasa ng libro sa aming paglalakad.

" Wala ka na dun", sabi ko ng pagalit.

" Alam mo ba nakikita ko yung babae na yun pero sa tuwing lalapit ako bigla siyang nawawala sa palagay ko sa babae lang sya nagpapakita"

Sa babae lang nagpapakita nyaaaa..di na talaga ako dadaan dun. Binilisan ko ang paglakad. Pilit kong iniiwan si Techo pero sa haba ng kanyang mga binti di ko sya maiwanan.  Tumakbo ako papunta sa classroom namin sa fifth floor ng eskuwelahan. Iniwasan ko dumaan sa classroom 301.

Umupo ako at nakinig sa guro namin para sa huling klase. Masakit sa ulo talaga ang algebra nasakit lagi ulo ko dito. Natapos and klase ng di namin namamalayan oras. Tumunog and bell at naghanda na kaming umalis. Lumapit sa akin si Celia. Nakatingin sya sa akin na para bang may ginawa akong kasalanan.

" Tinay... naiinis ako sa yo.. naiinis talaga akoooo..",pasigaw niyang sabi.

" Ha? Bakit? ano?", sabi ko na litong lito.

" Bakit di mo sinabi na ka-close mo pala si Techo Suzuki? Di mo ba alam na crush ko sya..",sabi nito habang nilalabas ang picture ni Techo na nakaipit sa notebook nya.

" Ha? di kami close", sabi ko na gulat na gulat.

" Sinungaling ka. Naiinis ako sa yo.pero di bale para mawala inis ko may dapat ka gawin.... Mawawala lang inis ko sa yo kung tulungan mo naman ako na makapagpapicture sa kanya."

" Ha? ah eh..", nakita ko ang pagasa sa kanyang mata. " Sige titignan ko", ani ko. Sa sobrang tuwa niyakap nya ko ng mahigpit.

Nililigpit ko na ang mga gamit ko ng mapansin ko na wala ang bag ko. Pinilit kong balikan lahat ng ginawa ko nung araw na yun at sa pagkakaalala ko nasa lamesa ko lang yun.

" Nawawala bag ko"

" Ha? wala ba dyan? Papaano yan di kita matutulungan maghanap pinapauwi ako agad ng nanay ko"

" Wag ka na magalala kaya ko na ito ingat sa paguwi. Sabay na tayo bumababa sa quad baka dun ko naiwan."

" Oh sige"

Bumababa na kami at nagikot ikot ako sa quad nagtungo din ako sa klinika pero talagang wala ang bag ko. Masamang biro to. Mahuli ko lang may kagagawan patay sya sa akin hmp!", naisipan kong bumalik sa classroom namin at inagay nalang sa plastik and mga dala-dala ko.

Pagdating ko sa aking mesa wala na ang lahat ng gamit ko. Naghanap ako sa loob ng classroom namin pero wala. Bigla kong naalala yung babae sa classroom 301. Baka umakyat sya dito at kinuha nya gamit ko nyaaaaaaaaa, nagmadali ako lumabas ng classroom naminnbumababa ako sa hagdan. Nung nasa pasilyo na ko malapit sa 301 bigla akong natigilan nakarinig ako ng mga hakbang. Palapit ito ng palapit mula sa aking likuran.

" Ito ba hinahanap mo?", ani ng tinig. Tumili ako ng malakas sa sobrang takot.  " Hoy engot ano ka ba?"

Si techo at hawak nya ang bag ko at sa itsura nito halatang andun din ang gamit ko. " Salbahe ka bakit nasa iyo yan weirdong pangit", lumapit ako para hablutin ang gamit ko pero itinaas nya ito. Dahil sya ay may katangkaran di ko ito maabot. Sinubukan ko sya sipain pero nakaiwas sya.

" Teka Teka ibabalik ko din to sa yo. Pero may dapat ka munang gawin para sa akin", sabi nya habang sinusukbit sa balikat nya ang bag ko.

" Ano naman yun?"

" Samahan mo ko sa room 301."

" Ayaw ko"

" Pagdi mo ko sinamahan ihuhulog ko tong bag mo sa ilog kasama ang cellphone at laptop mo", ani nya sa seryosong boses.

" Di mo gagawin yun."

" Gusto mo bang subukan?"

Natigilan ako, bago ang laptop at cellphone ko pagnasira yun tiyak na lagot ako sa tatay ko. " Oh sige ano ba gagawin?"

" Kakausapinatin yung babae sa room 301.....", and matipid nyang sagot.

" Anooooooooooooooo????"

Misteryosong TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon