Kabanata 8: Ang Pagiwas

94 3 2
                                    

Hinatid ako ni Techo at ng mama niya sa bahay namin. Tahimik si Techo sa loob ng sasakyan habang ang mama naman niya ay sobrang magiliwin na nagkukuwento.

" Magkaklase ba kayo iha? ", tanong ni Sakura Suzuki.

" Ah hindi po sa section F po ako", sagot ko.

" Ahm ganun ba?", sabi niya habang nagmamaneho at patingin tingin sa salamin.

" Opo"

" Gusto mo ba kumain muna iha bago umuwi"

" Naku wag na po kasi iniintay po ako ng nanay at tatay ko gabi na po"

" Iliko mo mama sa kanto na yan. Malapit na dyan bahay nila", sabi ni Techo habang nakadungaw sa bintana ng kotse.

Malayo pa lang ay kita na ang mama at papa ko na nakatayo sa labas ng gate na alalang alala. Di ko rin naman sila masisis dahil magaalas nuwebe na rin ng gabi.

" Naku mukhang nagaalala na ang papa at mama mo", ani ni Sakura

" Opo ngayon lang po kasi ako ginabi ng walang paalam."

Pagbaba ko ng kotse ay agad na lumapit ang magulang ko. Bumababa din ng sasakyan si Sakura Suzuki.

Magiliw na sinalubong ng mama ni Techo ang magulang ko at kinamayan sila.

" Naku pasensya na po kayo at ginabi si Tinay. Sinamahan niya kasi sa ospital si Techo ko", sabi niya na buong giliw.

Nagulat ang mga magulang ko pero agad din naman silang nakabawi. " Ah ganun po ba. Kamusta naman po si Techo?", tanong ni nanay. Sabay tingin kay Techo na nasa laoob ng kotse na nakasandal sa sa upuan habang nakapikit ang mga mata.

" Naku ayos lang siya kung di nga dumating itong si Tinay baka napaano na ang binata ko. Kaya salamat nga pala Tinay", sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

" Naku wala pong anuman yun", sabi na nahihiya.

" Mauna na po kami ng anak ko at mukhang napagod din po si Tinay sa pagaalaga." Pagkasabi noon ay agad din tumalikod si Sakura at pumasok sa kanilang kotse.

" Kumain ka na ba", tanong ni nanay sa akin.

" Nanay medyo pagod po ako bukas na lang po ako kakain."

Dali-dali akong umakyat sa aking kuwarto at humiga sa kama. Sa sobrang pagod na nararamdaman ko ay nakatulog ako agad.

Nanaginip ako ng gabing yun. Madilim ang paligid, mausok, parang nasa horror na palabas. Sinisigaw ko ang pangalan ni Techo paulit ulit. Pero di ko siya makita, tumakbo ako umikot sa dilim. Nakita ko siya sa kalayuan lumingon siya sa akin. Malungkot ang mga mata niya pero may ngiti sa kanyang mga labi.  Tumakbo ako papunta sa kanya pero palayo siya ng palayo. Hanggang sa di ko na siya nakita. Techoooo!
Napabalikwas ako ng gising. Habol ang hininga, may kung anong lungkot ang aking nadarama. Masakit ang dibdib ko na parang may kung anong parte ng pagkatao ko ang nawala. 

Di ko alam kung ano ang nangyayari pero takot at lungkot ang nararamdman ko sa posibilidad na siya ay mawala.

Buong magdamag akong gising di maalis sa isip ko si Techo at paulit ulit na bumabalik ang malungkot niyang mukha sa panaginip ko.

Kinabukasan naisipan kong pumasok ng maaga. Naglakad ako ng tahimik habang nakatingin sa mapulang kulay ng mga ulap sa umaga.

Pagdating ko sa classroom dumungaw ako sa bintana at doon nakita ko si Techo na papasok sa gate. Tumayo ako at kumaway sa kanya. Ngunit di siya tumingin sa akin.

Buong araw akong di mapalagay sa eskuwelahan di ko maintindihan kung bakit ginugulo ako ng panaginip ko kagabi.

Panay ang tingin sa akin ni Kevin halata ang kanyang pagalala pero nagkunwari ako na di ko siya napapansin.

Sa wakas tumunog ang bell hudyat ng pagtatapos ng klase sa araw na yun.

Dali dali akong tumayo at pumunta sa klase ni Techo, ilang dipa mula sa kanilang kuwarto ay nakita ko siyang lumabas at pumunta sa hagdanan pababa. Mabilis siyang naglakad sinundan ko siya. Napansin ko na patungo siya sa likod ng eskuwelahan kung saan ko siya nakita kahapon.

" Techo kamusta ka na?", sabi ko habang nakatayo ako sa likuran niya.

" Umalis ka na dito", sabi niya sa mas matigas na tono.

Biglang lumuhod si Techo hawak ang kanyang braso na parang nasasaktan. Lumakad ako palapit sa kanya.

" Huwag kang lalapit umalis ka na", sabi niya.

" Ano nangyayari sa yo", sabi ko habang lumalakad ako palapit.

" Lumayo ka na ", sigaw niya na may pagiiba sa kanyang boses.

" Techo...."

Bigla siyang sumigaw ng malakas. " Bakit ba hinahabol mo ko. Naalibabaran ako sa mukha mo?"

Natigilan ako. Nalungkot ako.. Tumakbo ako palayo. Nasasaktan ako sa sinabi niya. Pero kung yun ang gusto niya aalis na ko. Tumakbo ako palayo sa kanya. Di ako lumingon pa.

Misteryosong TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon