Kinabukasan masakit ang buo kong katawan dahil na rin sa magisa kong tinapos ang pagaayos ng bodega nina Ginang Lopez.
Pagnakita ko ang salabahe na yun humanda sya sa akin. Sasaktan ko talaga sya,sabi ko sa aking sarili.
Dahan dahan akong naglalakad papuntanh eskuwelahan ng napaadaan ako sa dormitoryo. Nakita ko si Techo na nakatayo sa may gate. Susugurin ko na sana sya ng mapansin ko na may dalawang matanda ang lumabas na dala dala ang asul na kahon na nakasulat ang pangalan ni Linda Mae. Natigilan ako. Di maipagkakaila na sila ang magulang ng namayapa kong kaibigan. Makikita na pareho sila ng mukha ng matandang babae. Umiiyak ito habang akay akay ng matandang lalake.
"Maraming salamat iho sa pagdala mo ng liham ni Linda sa amin. Hanggang ngayon ay mabigat sa aking kalooban ang pagkawala nya ng di manlamang kami nagkausap bago siya nawala",wika ng matandang lalake.
"Walang ano man po yun. Gumagaan po pakiramdam ko pagnakakatulong ako", sabi ni Techo habang kinukuha ang kahon sa matanda at inilagay sa likuran ng kotseng pula.
" Pero di lang po ako ang nakahanap ng sulat. Siya rin po ay tumulong", sabay turo sa akin na nakatayo
ilang dipa mula sa kanila. Di ko alam paano nya nalaman na andun ako ng di man laman lumilingon.
Tumingin sa akin ang dalawang matanda at sabay na lumapit. Niyakap ako ng ina ni Linda Mae. " Salamat iha", ani nito.
" Wala pong anuman", ang nahihiya kong wika.
" Kaibigan ka ba ni Linda Mae iha?"
"Opo"
Nilabas ng matandang babae ang liham at pinakita nya ito sa akin. " Ikaw ba si Tinay iha?",sabay abot ng liham.
" Opo ako po."
" Nabanggit ka niya sa sulat iha basahin mo", may pagaalinlangan kong inabot ang sulat at eto ay aking binukasan.
Papa at Mama: Una sa lahat sana ay ok kayo dyan sa Batangas. Alam ko po na matagal akong nagtampo sa inyo ng itago nyo sa akin ang katotohanan na kapatid ko pala sa labas ang inampon ninyong bata. Papa alam kong naging masama ako kay Nathan lalo na nung huli. Sa kadahilanan na yun pinatapon nyo ako dito sa Maynila kina Tiya. Ngayon po sa piling ng aking mga kaibigan na sina Celia at Tinay ay napagtanto ko na mali ang aking ginawa dahil na rin sa kanilang mga payo. Dahil po alam ko na di nyo pa po ako pinapauwi ay ipapadala ko na lamang po ang sulat na ito para humingi ng tawad sa lahat ng mali kong nagawa. Alam ko na po na dapat ay naging masaya ako na maging ate ng isang napakabait na bata na tulad ni Nathan sabihin nyo po sa kanya na mahal siya ng ate nya. Nagmamahal, Linda Mae.
Naramdaman ko na lamang ang pagpatak ng aking luha at bumalik ang lahat ng magandang samahan namin noon nina Linda at Celia.
Tinignan ko ang petsa ng liham. Nalaman ko na sinulat nya ito isang araw bago siya naaksidente.
Humigpit and yakap ng ina ni Linda sa akin. Lalo ko naramdaman ang sakit na nasa puso nya. Ang hirap tanggapin na ang isang mabuting kaibigan ay tuluyang nawala ngunit alam ko na mas matindi ang hinagpis ng kanyang mga magulang.
Nagpaalam na sa amin ang magulang ni Linda at sila ay umalis na dala na ang lahat ng gamit na naiwan nito.
Nagsimula ako maglakad papasok sa eskuwelahan. Tumingin sa relo ko at napagtanto ko na limang minuto na lang ay magsisimula na ang klase. Binilisan ko maglakad. Halos patakbo na ko ng maramdaman ko na may pumipigil sa akin. Paglingon ko nakita ko Techo na hawak ang backpack ko. nagpupumiglas ako. Pero tinanggal nya ang strap ng bag ko sa aking balikat at sinuot nya ito.
" Mabagal kang kumilos dahil sa bag mo ako na ang magbubuhat nito.Tara na tumakbo ka na", ayaw kong makipagtalo sa kanya at lalo naman ayaw ko maparusahan sa pagiging late.Tumakbo ako pero si Techo ay naglalakd lamang ng mabilis, siguro dahil na rin sa mahahaba niyang binti.
Humihingal ako ng maabot namin ang hagdanan sa aming gusali. Tama lamang ang dating namin dahil tumunog ang unang bell hudyat ng simula ng klase. Mabilis akong umakyat sa Ika-limang palapag ng aming gusali. Hapo at hawak ko ang dibdib ko ng ako ay umupo sa aking bangkuan.
Naalala ko na wala nga pala sa akin ang bag ko. Nagulat ako ng biglang lumapit si Techo sa arm chair ko, ibinababa ang bag ko sa arm rest. Tumigil sya sandali at tumingin sa akin. " Salamat kahapon", ani nya sabay labas ng aming classroom.
Nakatingin sa akin lahat ng kaklase ko. Nakasimangot naman si Celia at umirap sya sa akin.
" Close pala kayo?" ,sabi ni Kevin . Si Kevin ang pinakamatalino na kaklase namin. Guwapo siya at matangkad. Pero di tulad ni Techo normal siyang nilalang at masayahin. Sa totoo lang matagal ko na siyang crush.
" Ah hindi naman", sabi ko. Biglang dumating ang aming guro na si Bb. Perez. Tumahimik na ang buong klase at nagsimula na ang aralin.
Sa alahat ng guro ko paborito ko si Bb. Perez, maliban sa siya ay maganda at mabait ay magaling pa siyang magturo. Madami sa aming mga kaklase ang may crush sa kanya. Di ko sila masisisi. Gusto ko pagtanda ko ay kagaya ko siya.
***************************************************
Oras na ng recess di ako sumali sa paglalaro nila ng volleyball dahil masakit pa katawan ko. Dahan dahan na lumapit sa akin si Celia. Nakasimangot siya. Di ko maintindihan ang talim ng tingin nya sa akin. Nakakatakot.
" Bakit ka ganyan?"
" Ha?"
" Kaya mo ba ako pinauna kahapon ay dahil gusto mo masolo ni Techo?"
" Hindi ganun ang nangyari Celia", di ko alam ang sasabihin ko. Di niya nalalama na na maya taglay ako kakayahan. At pagsinabi ko ang totoo tungkol sa nangyari kahapon mapipilitan ako magsabi ng totoo. Muling bumalik sa alaala ko na sinasabihan ako ng sinungaling ng mga kalaro ko.
" Di ganun yun Celia."
" Bakit nasa kanya ang bag mo?"
" Ah tinulungan kasi nya ako na hanapin yun", pagsisinungaling ako.
" Ganun ba? Sinabi mo ba na gusto ko magpakuha ng picture na kasama siya."
" Pasensya na nawala kasi sa isip ko kakahanap sa bag ko. Mamaya sasabihin ko."
Nagulat na lamang ako na biglang pumasok si Techo sa aming silid aralan at lumapit sa akin.
" Kailangan natin magusap", sabi nya.
" At bakit naman?"
" Ah basta", pagkasabi nun ay hinablot nya ang braso ko at hinila ako palabas. " Techo salamat ah sa pagtulong mo sa kanya kahapon paghanap ng bag", lumigon si Techo kay Celia na walang ekspresyon man lamang. " Tinay di mo ba ako ipapakilala?", ani ni Celia.
" Ah Techo si Celia nga pala."
" Eh ano naman ngayon?",ang malamig na wika ni Techo.
"Ah eh pinapatanong nya kung puwede daw ba kayo magpalitrato na magkasama sa cellphone nya."
Tumingin si Techo sa akin sabay bumaling kay Celia. "Pasenysa na pero bawal kasi sa kin magpalitrato na may intentional na kasamang iba",sabi nya sabay hila sa akin palabas ng kuwarto.
Nakita ko ang lungkot sa mata ni Celia pero wala akong magagawa.
" Saan ba tayo pupunta?"
" Nalimutan mo ba na ito ang unang oras na nagpapakita ang babae sa classroom 301? Kailangan nating tignan kung nakaalis na sya pagkatapos nating ibigay ang sulat. "
Tumayo kami sa pasilyo na tanaw ang bintana na pinagkakakitaan kay Linda. Pagsapit ng eksaktong pagtunog ng bell ay nakita namin sya sa bintana nakangiti at kumakaway. Narinig namin ang isang malalim na tinig na nagsasabing.......salamat.
Tumingin ako kay Techo. Wala pa din ekspresyon sa mukha nya, napatitig ako sa guwapo niyang mukha. Unti unting lumiwanag si Linda at siya tuluyan nag naglaho.
Naramdaman ko sa puso ko ang gaan at saya na malaman na natulungan ko siya makapunta sa liwanag. Tumalikod ako at naglalakad pabalik sa klase ko.
" Tinay", tinawag ako ni Techo. Nakatingin sya sa akin at sinabing, " Simula pa lang eto"