Kabanata 7: Ang Di Sinadyang Pagkakataon

92 2 0
                                    

Ano ba tong pangitain na to... palapit siya ng palapit, bakit ang bagal ng takbo ko.. ano gagawin ko... saklolo.. nanigas buo kong katawan di ako makakilos ayan na siya.. ayan na.. di ko makita ang mukha niya.. ang labo... anino... ang kamay nya palapit na ng palapit.

"Aray! bakit ka namimitik sa noo" sabi ko habang hawak ang noo ko. Nagising ako sa pagkakaidlip ko sa lamesita sa salas namin kung saan kami nagaaral ni Techo.

"Tama bang tulugan mo yang pinapasagutan ko sa yo na problem sa math. Exam mo na bukas, tanga ka pa naman sa subject na yan", aniya habang tuloy sa pagbabasa ng libro na parang walang nangyari na pamimitik kanina lang.

Hawak ko ang noo ko at bumalik ako sa pagsolve ng math problem na ginawa nya talagang hirap na hirap ako. Makalipas ang isang oras ay natapos ko na ang pinapasagutan niya. Inabot ko yun sa kanya at napatingin ako sa relo. Magaalas diyes na ng gabi pero tiniyagaan nya pa rin na ako ay turuan.

Tumayo siya at inayos ang gamit niya bago inabot ang papel na sinagutan ko. May isa akong mali sa sampung problem na binigay niya. Dumiretso siya sa kusina ng di man lang ako tinitignan. Narinig ko na lang siya na nagpaalam kina nanay at tatay.

"Tita.. Tito magpapaalam na po ako tapos na po kaming magaral ni Tinay", aniya ng buong galang.

" Ah ganun ba iho? Sige magiingat ka. Tinay! ihatid mo na siya sa gate at uuwi na siya", sabi ni nanay.

Hinatid ko siya sa gate namin. Tahimik kaming dalawa at walang kibo. " Hoy Techo Suzuki wag mo ngang tawagin na tita ang nany ko di naman kita pinsan", sabi ko na may pagsusungit dala na rin siguro ng sobrang antok.

"Wag mo ko igaya sa yo na walang galang", sabi nya na wala pa din emosyon. " Puwede ba tandaan mo ang rules sa algebraic expressions para di ka magkamali bukas sa exam", pagpapatuloy niya.

Lumabas siya at pinagmasdan ko lang siya habang sumasakay sa motor niya. " Ano pa hinihintay mo? Goodnight kiss?", aniya sabay tingin sa akin.

" Kapal ng mukha mo", sabi ko pagalit sabay sara ng gate.

Mokong na yun feelingerong frog, sabi ko sa aking sarili. Nang mga oras na yun talagang ang pakiramdm ko naubos utak ko sa mga pinasagutan niya sa akin at pagod na pagod ako. Dali-dali akong humiga sa kama ko at agad din akong nakatulog.

Ilang saglit pa nanaginip ako. Alam ko na masamang panaginip dahil sa simula pa lang ay iba na pakiramdam ko. Pinilit kong gisingin ang diwa ko pero di ko magawa. Ayun nanaman siya ang anino ng lalake at tumatakbo siya palapit sa akin... palapit ng palapit... di ako makagalaw... lumapit siya at hinablot ang leeg ko.. sinasakal niya ko.. di ako makahinga. Nilalapit nya mukha niya sa akin.. palapit ng palapit.... sino ka... kilala kita... Techo?

Bigla akong bumalikwas at nagising hawak ang leeg ko at habol hininga. Hindi ko maintindihan ang panaginip ko. Bakit gusto akong patayin ni Techo sa panginip ko. Di na ko nakatulog ng maayos nung gabing yun. Ang nasa isip ko ay ang panaginip at gulong gulo ang isip ko.

*****************************************************

Kinabukasan maga ang mata ko ng pumasok sa eskuwela dahil sa kakulangan ng tulog. Buong madaling araw ako nagisip kung ano ang puwedeng maging dahilan na magalit sa akin si Techo at ang panaginip na yun

Baka magalit siya pagbumagsak ako sa math... naisip kong bigla. Inalog ko ang ulo ko. Nabigla ako ng bigla siyang magsalita. " Bakit ganyan ang hitsura mo?", aniya habang naglalakad kasabay ko.

Di ako sumagot at tahimik na nagpatuloy sa paglakad. Nilagpasan ako ni Techo. Sinundan ko siya ng tingin habang nakatitig ako sa likuran niya nakita ko ang isang lalaking nakaitim na kasuotan na naglalakd na nakasunod sa kanya. Matalim ang mga mata ng lalake at may kakaiba akong pakiramdam sa kanya. Pinili ko na lamang magkibit balikat at pumunta ako sa klase.

Dumating na ang guro namin at nagbigay ng exam. Di ko inaasahan na madali kong natapos ang exam at nadalian ako dito dahil na rin sa tulong ni Techo. Naalala ko ang baon kong dalawang sandwich na ibinilin ni nanay na ibigay ko kay Techo ang isa bilang pasasalamat sa lahat ng tulong niya.

Nagpunta ako sa classroom nila at sinalubong ako ni Agnes. " Ah Agnes andyan ba si Techo? Nageexam pa ba siya?"

Ngumiti si Agnes at sinabing kanina pa ito lumabas dahil maaga niya natapos ang exam. Nagkalakad ako pabalik sa classroom namin ng maaalala ko ang puting tali na nakakabit sa aming dalawa. Pumikit ako sandali at sa aking diwa ay nakita ko ang taling usok na naguugnay sa amin.

Sinundan ko ang tali. Dinala ako nito sa bodega sa likod ng eskwelahan. Nakita ko si Techo na kausap ang lalakeng nakaitim na nakita ko kanina.  Nagtatalo sila. Unti unti sa paningin ko ang lalakeng nakaitim ay naging usok. Palapit siya ng palapit kay Techo. May kung anong salitang hapon na binigkas si Techo at ang puting usok ay lumabas sa katawan niya. Di makalapit ang itim na usok sa kanya. Bigla itong nagiba ng direksyon palapit na ito ng palapit sa akin.  Natigilan ako. Di nakakilos. Palapit na ng palapit ang usok.  Biglang tumakbo si Techo sa aking harapan at hinarap niya ang usok na itim.

Bumagsak si Techo at nawalan ng malay. Sinalo ko ang wala niyang malay na katawan.  " Techo gumising ka", wika ko.

Biglang dumilat ang mga mata ni Techo, may kakaibang talim sa kanyang tingin. Bigla niyang hinablot ang leeg ko at sinakal ako.

Di ako makahinga tinawag ko ang pangalan niya. Tinutulak ko siya palayo habang idiniin niya ako sa semento. Humigpit ang hawak niya. Napatingin ako sa puting tali na naguugnay sa aming dalawa at unti unti na itong naglalaho. Nandidilim na ang paningin ko. Napansin ko ang kaliwang kamay ko may liwanag na naghuhugis krus sa palad ko. Idinikit ko ito sa noo niya.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh", ang sigaw ni Techo sa ibang tinig. Lumuwag ang hawak niya sa akin. Tinulak ko siya. Pagtayo ko napansin ko ang puting tali na naguugnay sa amin na unti unting bumabalik.  Unti- unti kakaibang liwanag ang lumabas sa kanang kamay ko na may marka ng krus.

Nagaalinlangan ako pero lumapit at kay Techo at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Lumiwanag ang mga palad ko na nakakasilaw.

" Aaaaahh, bitawan mo ko", sigaw niya sa nakakatakot pa din tinig.

Biglang lumabas ang usok na itim mula sa bibig ni Techo. Naramdaman ko ang matinding panghihina. Nagdilim ang paningin ko. Lumingon ako kay Techo nakahiga siya sa semento walang malay. Di ko na kinaya ang panghihina. Nagdilim na ang lahat.

****************************************************

Nagising ako sa ospital. Umiikot pa din ang paningin ko. Masakit ang ulo ko binaling ko ang tingin ko sa kaliwang kama at dun nakita ko Techo na natutulog. Napatingin ako sa kaliwang kamay ko at nakita ko ang puting usok na tali na naguugnay sa amin. Isang malalim na buntong hiniga ang nilabas ko. Natutuwa ako na andun pa din ang tali.

Lumigon ako kay Techo nakita ko na nakatingin din siya sa akin. "Salamat", sabi niya sabay pikit ng kanyang mata.

Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok ang isang napakagandang babae na sa palagay ko ay kaedad ng nanay ko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Lumapit siya sa kama ni Techo at hinawakan ang noo nito.

" Kamusta ka na?", sabi nito.

" Ok lang", matipid na sagot ni Techo habang nakapikit.

Lumingon ang babae at humarap sa akin. " Ako si Sakura girlfriend ni Techo", sabi nito sabay abot ng kamay sa akin. Natigilan ako nakatulala  sa kanya. Di ko alam naramdaman ko ng malaman ko sino siya. May kung anong kirot sa dibdib ko.

" Mama ano ka ba maniwala yan sa yo", sabi ni Techo.

Misteryosong TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon