Chapter 4: From This Moment

38 3 0
                                    

Chapter 4

I give my hand to you with all my heart

Can’t wait to live my life with you can’t wait to start

You and I will never be apart

My dreams can true because of you

From this moment as long as I live

I will love you, I promise you this

There is nothing I wouldn’t give

From this moment on

 -> Pahingi akong katext!

<- Ahm. Lalaki o babae?

-> Babae. Boring paglalaki

<- O96739****2 Yan classmate ko. Meggy pangalan

Mga 20 minutes pagkatapos kong itext si Clark eh si Meggy naman tong titext ko

<- Katext mo si Clark?

-> Tinatanong ko kung may girlfriend na eh

<- Ano sabi?

-> Meron na daw

Huh? Meron siyang girlfriend tapos nakikipaglandian siya sakin? Pagkatapos nung sinabi sakin ni Meggy, hindi muna ko nakipagtext sa kanya. Kinabukasan paggising ko. . .

-> Goodmorning Squishy

<- Goodmorning! Pwede wag muna tayo magtext ng 1 week?

-> Huh bakit? Dahil ba sa sinabi ni Meggy?

<- Hindi dahil dun. Basta

-> Na wrong interpret lang siya. Ang gusto kong sabihin sa kanya eh nagka girlfriend na ko, hindi may girlfriend ngayon.

<- Please 1 week lang

-> Kung yan gusto mo :/

Lumipas ang day one , day two at nung day three . . .

<- Pst!

-> Oh kala ko ba 1 week?

<- Di kita matiis eh. Sorry ah. Hinahanda lang kita pagnawala na ko.

-> Bakit mawawala ka ba?

<- Oo , siguro , baka, ewan?

-> Magkita kaya tayo?

<-Huh? Bakit mo biglang naisip yan?

-> Gusto kitang makita :)

<- Ngayon? Agad agad?

-> Di naman ngayon, ischedule natin

<- Sge ikaw bahala

Napa oo na lang ako. Nagulat nga ko nung sinabi niya yun eh. Hindi ako excited. Kinakabahan ako sobra. Pano kung hindi siya magandahan sakin? Paano kung boring ako kasama?

Pinagpapawisan ako. Hindi ko alam kung pupunta ba ko. August 1, 2008, araw ng pagkikita namin sa isang mall malapit sa Quiapo Church. Nakapagdecide na ko na makipagkita sa kanya kahit alam ko na marami ang magiging consequence nun. Nagpalusot pa nga ko kila mama na may kailangan akong bilhin na gamit na sa mall sa may Quiapo lang talaga mabibili. Effective naman sa awa ng Diyos. Hahaha

Nasa loob ako ng Jollibee. 2nd floor sa pinakadulong table. Pinili ko talaga yung good for two para walang makarinig ng pinag uusapan namin. Kahit naka aircon pinagpapawisan pa rin ako. Tumutulo ang mga patak ng pawis ko sa mukha ko. Nakahead set pa ko para may pagkalibangan habang hinihintay siya at nagbabasa ng isang pocket book.

#MOMOL (Move On, Move On Lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon