Chapter 6: Two is better than one

43 3 0
                                    

Chapter 6

So maybe it’s true, that I can’t live without you

And maybe two is better than one

But there’s so much time,

To figure out the rest of my life

And you’ve already got me coming undone

And I’m thinking two, is better than one

 It’s been five years na. Hay naku! Madami na talagang nagbago. 2 weeks ago, grumaduate na ko sa program na Computer Engineering sa UP. Kabog. NagUP ang ate nyo XD After ilang years ng paghihirap ko, nagawa ko ring kayanin. Now I can say that I am a successful woman even if I don’t have work yet.

Next week pupunta na kong Paris para magtrabaho. Naimbitahan kase ako dun ng isang company tska approved na yung passport ko. Hopefully, magtagal dun. Wait teka!

August 1 2013 bukas! Exactly five years na sinabi naming usapan ni Clark! Kamusta na kaya siya? Okay lang ba siya? Dami kong gustong itanong sa kanya pero kahit anong gawin ko hindi na mangyayari yun. Feeling ko nga hindi pupunta yun bukas eh. Matagal na kasi yun tska for sure nakamove on na yon! Ako na lang ata hindi pa. Sa tinagal tagal ng five years, marami nang nagbago sakin.

Kinuha na kong model ng isang soap company at dahil dun nagsimula na kong makipagmingle sa iba’t ibang klase ng tao. Mas naging maayos yung mukha ko, umaliwalas kung baga. At dahil sa pagmomodel ko nakaipon ako kahit papaano ng pera para ipambili ng librong gusto kong bilhin kaya yung kwarto ko grabe punong puno. May ilan ilan ding nagtangkang ligawan ako.

Lalo na si Channie. Mico tunay niyang pangalan pero Channie tawag ko sa kanya kasi kahawig siya nung bias ko sa EXO na si Chanyeol. Nagkakilala kami nung Sports Fest sa school nun tapos overnight ang kailangan.

A day before ng Sports Fest, sa school kami nagstay para ihanda lahat ng kailangan. That time naiihi na ko kaya nagpunta ko ng CR. Kahit natatakot ako hindi na ko nagpasama kasi marami pa silang kailangan tapusin.

Nung nasa CR ako, may narinig akong kakaiba na hindi ko alam. Parang ungol na humihingi ng tulong. Parang nagmamakaawa. Parang pinahihirapan. Hay pagkayo talaga nandun kikilabutan ka ng sobra. Wala kong ginawa kung hindi umiyak tapos humihingi ng tulong. Lakas ng tibok ng dibdib ko nun.

“Gising gising!” Yan yung una kong narinig ng mamalikmata ko at ng imulat ko yung mga mata ko. Maraming taong nakapalibot sa akin. Pinainom nila ko ng tubig. At nung tinignan ko yung paligid nasa clinic na ko. Tumayo agad ako kasi alam kong madami pang kailangan iprepare para sa Sports Fest.

“Anong nangyari sakin?” Tanong ko sa isa kong kasama na nasa loob ng clinic

“Narinig na lang namin si Mico na humihingi ng tulong” Sabi nung isa pa

“Huh? Sinong Mico?” Pagtataka kong tanong

“Yun oh! Yung naka blue tshirt”

“Yun ba yung nakatalikod?”

“Oo yun nga”

“Ah sige salamat”

Lumapit ako sa Mico na sinabi nilang tumulong sa akin pero saktong magsasalita ma ako ng hilain niya yung kamay ko papuntang labas ng school. Naghulog siya ng dalawang five pesos para sa kape at binigay sakin yung isa.

“Eto oh inumin mo”

“Ah . . . Eh . . .”

“Sige na inumin mo na. Pa shy type ka pa” Ako? Pashy type? Wow ha!

#MOMOL (Move On, Move On Lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon