Chapter 2: Pansamantala

64 3 0
                                    

Chapter 2

Pansamantalang unan sa tuwing ika’y nahihirapan

Pansamantalang panyo sa tuwing ika’y nasasaktan

Bakit ba sa akin na lang palagi ang takbo

Sa tuwing kayo ay may away

Ako ang lagi mong karamay

Di naman tayo, hindi diba’t hindi

Kaibigan lang bang maituturing

Ang hirap naman yata mangapa sa dilim

Sino nga ba talaga sa amin ang iyong

Pansamantala…

Pansamantala…

Tanggap ko na

Bakasyon na! At next year eh 4th year na ko. Araw araw akong may load kahit wala na kong pera. Gagawa talaga ko ng paraan at ang diretso kong pinupuntahan ay ang wallet ni mama.

Gusto ko palagi akong may load para pag may nagtext sakin, marereplayan ko kaagad. Dumating yung time na hindi na masyadong nakikipagchat sakin si Clark. Tapos nung isang beses na tinignan ko yung account ni eh puro yung status at post niya ay about love. Kaya naman titext ko siya.

<- Ikaw ah! May girlfriend ka na noh?

-> Hahaha. Oo. Paano mo nalaman?

<- Halata naman sa mga post mo eh

-> Sorry kung hindi ko nasabi sayo

<- Okay lang yun

Hindi okay yun. Hindi man lang niya sinabi na may girlfriend na siya kung hindi ko pa tinanong. Siguro mga 1 month din siyang hindi nagpaparamdam sakin. Yung walang ni isang text at chat. Pero isang araw nung bakasyon, bigla siyang nagtext sakin

-> Musta na?

<- Eto buhay pa! Himala nagtext ka ah. Broken hearted ba?           

-> Oo eh. Kailangan ng magcocomfort sakin. Pwede ka ba?

Aba! Ako pa ang ginawang comforter. Masisipa ko talaga to ng wala sa oras eh. Grabe na to ah. Di ko na keri itech.

<- Ahm. Pasensya na pero bawal ako eh

Yan na lang sinabi ko kahit gustong gusto ko siyang icomfort. Naisip ko kasi na ako lang rin naman yung masasaktan kung gagawin ko pa yun. Charot.

-> Ah ganun ba. Sige okay lang

<-Bakit ba kayo naghiwalay?

-> Basta mahirap iexplain eh. Nasasaktan lang ako kapag inaalala ko

Kupal din to eh. Eh mas mahirap pa nga iexplain tong nararamdaman ko sa kanya. Parang lumalabas yung katawang lupa ko tuwing chinachat at tinetext niya ko.

<- Ah ganun ba. Kawawa ka naman

Pang aasar na reply ko sa kanya

-> Sige. Tulog na ko tsaka wala ko sa mood

Ano bayan. Minsan na lang magtext mabilis pa. Tsk tsk. Diyan na naman nagtapos ang convo namin. Sobrang napaisip talaga ako sa sinabi niya. “Pwede mo ba kong icomfort”? Ang sakit.

Gusto pa niya kong gamitin bilang tagapagpasaya niya. Ganun lang ba talaga ko sa kanya? Di niya ba ko napapansin? Oo hindi talaga kase hanggang chat lang kami. Malayong malayo siya sakin.

Pagkagraduate kase naming nung elementary eh lumipat na sila sa Manila habang ako nasa Makati pa rin nagaaral.  Wala talagang pag asa. Puppy love lang tong nararamdaman ko.

Isang umaga naisipan ko siyang itext

<- Okay ka na ba?

-> Hindi pa rin eh. Ang sakit sakit eh

Ganun pala pag broken hearted. Hahahahaha . Palibhasa di pa ko nakakatry niyan kaya medyo bitter pa

<- Buti pa ko walang ganyan kaya di pa emo emo

-> Oo nga eh

<- Ano ka ba. Imbis na nagmumukmok ka diyan, enjoy life. Kala mo naman kung sinong babae yan. Di naman maganda -_-

-> Grabe ka! Maganda yun kaya nga naging girlfriend ko eh

Dahil sa conversation na to, madalas na naming pag usapan ang tungkol sa lovelife. Dahil nga may/nagka girlfriend na siya, ako yung tanong ng tanong sa kanya tungkol sa tinatawag nilang love. Painosente pa ko eh. -___-V

to be continued..

#MOMOL (Move On, Move On Lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon