Chapter 13
Dakdak dakdak dakdak. Knock knock! DAKDAK diba eto yung ibon na nagswiswim. Wehhhhhh cornnnyyyyyyy! HAHAHAHA. Eton na naman si Ms. Baba. Linggo lingo na lang ah. Wala ng marinig kundi ang walang kwenta niyang boses. Ang hard </3 Grabe! Pero realtalk totoo naman eh. Talagang walang kwenta yung mga pinagsasabi niya. Ang boring ng klase. Ngawa dito . . . ngawa doon . . . baka mahulog na nga baba nun eh ^_^V
Class dismissed . . . Teka teka! Si Mico nandun oh! Sa dulo ng classroom nagsosolo. Hindi tumabi sa akin pero dito naman talaga siya nakaupo sa katabi kong upuan. Naalala ko tuloy nung nalate siya tapos kumanta pa. HAHAHAHAH. Laughtrip kaya un. Mapuntahan nga tong kumag na to. Natutulog eh at nakasandal pa sa may dingding. Kala mo sobrang puyat eh
“Uy gumising ka nga diyan”
Dinilat niya yung mata niya at inalis ang ulo sa pagkakasandal sa dingding
“Hindi ako tulog. Nakapikit lang mata ko. Ano ba problema mo?”
“Sorry dun kahapon”
“Walang sorry sorry”
“Eh anong gusto mong gawin ko?”
“Wala. Umalis ka na nga. Istorbo ka” sabay sandal sa dingding na wari’y natutulog
“Ako pa ngayon ang istorbo ah?”
“Oo natutulog ako diba?”
“Kung ayaw mo . . . di wag . . . ako na nga tong nagsosorry
Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ng classroom. Ah may naisip na ko. Tutal Valentines naman last week, bibili na lang ako ng bulaklak at chocolates XD Baliktad! Dapat siya nagbibigay nun pero okay na un. Peace offering ko para magkabati na kami. Papalabas na ko ng campus. Naglalakad na ng may nagtakip ng mata ko
“Oh sino to?”
“Guess who” isang malalim na boses mula sa likuran ko
“Pa guess who guess who ka pa eh boses pa lang kilala na kita. Tigilan mo nga ko Cedric”
“Kilalang kila mo ko ha!”
“Syempre Bestfriend kaya kita”
“Bestfriend lang?”
“Syempre bestfriend na boyfriend na kuya na kapatid pa. Oh san ka pa?”
“Yiehhhh kilig naman ako dun”
“Syempre ikaw pa ba!”
“Best gala tayo!” pagyayaya niya
“Saan? Sama natin si Mikki”
“Alam mo yung bagong fast food chain dun sa may kanto?”
“Hindi eh”
“May gagawin daw si Mikki. Tayo na lang daw muna”
“Ayt. May lakad ako ngayon eh”
“Saan naman?”
“Basta. Sobrang importante”
“Mas importante pa sa akin?”
Nagulat ako sa tanong niya. Di ako makapaniwala na sasabihin niya talaga yung mga ganung bagay
“Yan ka na naman eh nagdradrama”
“Sige na nga. Pag hindi ka talaga sumama sa susunod pektus ka sa akin”
Lumakad na ko palabas ng gate at ipinakita na kay kuya guard yung orange sticker para makalabas
“Uy diba si Amanda ka?” tanong nung kuya nung papalabas na ko
BINABASA MO ANG
#MOMOL (Move On, Move On Lang)
Fiksi Remaja“Hindi dahil alam mong mahal ka ng isang tao, okay lang na saktan mo siya, hindi mo lang alam na habang sinasaktan mo yung taong nagmamahal sayo may taong nananalangin na sana naging kanya na lang ang taong sinasaktan mo” – Mikki “ Ang puso ay para...