Chapter 14

29 1 0
                                    

Chapter 14

Isang napakagandang araw para simulang magpakasaya. Masyadong maraming nangyari sa nagdaang araw. Ang saya saya kong pumasok sa school

“Oy may nagaaway dun oh. Nagsasapakan daw” pambungad na sabi nung isang babaeng nakasalubong ko kausap pa yung isang babae

An gaga aga may nagaaway? For sure lagot yun kila Dean. Naglakad na ko paakyat ng hagdan at pumasok na ng room para ibaba yung mga dala kong gamit pero walang tao sa room kahit maraming bag ang nandoon. Lahat sila nasa corridor, nakadungaw na ultimong may pinapanood sa quadrangle

“Ano meron?” tanong ko sa kanila

“May away daw” sabi ni Bianca, classmate ko

Dumungaw din ako sa may corridor at totoo nga na may nagaaway na dalawang lalaki na nagsusuntukan. Madaming mga tao ang nanonood pero nagtaka ako kung bakit walang mga prof an nagsasaway

Pero . . .

Pero . . .

Bakit kilala ko yung nagsusuntukan?

O______________O

OMGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG! What the?! SI BEST!!!!!!!!!!!!!! NAKIKIPAGAWAY!!!!!!!!!!!!!!!!!! Si Best? Oo si Best!

Dali dali akong bumaba ng hagdan at pumunta sa court. Ang dami ng mga tao na nandoon kaya di rin ako makasingit. Pinipilit kong ipasok ang sarili ko sa mga nagsisiksikang tao

“Excuse me po! Padaan!”

Yan ang paulit ulit kong sinabi para lang makapasok sa mga nagsisiksikang tao. Pagkapunta kosa mismong nagsusuntukan, pinigilan ko kaagad si Cedric. Hinawakan ko yung dalawang braso niya at pinipigilan siya

“Oy ano ba! Tama na!” pasigaw ko sa kanya

Pilit niyang sugurin yung kaaway niya

“Ano ba!”

Hinila ko siya palayo at tinutulak

“Tumigil ka na nga!”

Ayaw pa rin tumigil ni Cedric kaya sa sobrang inis ko, tinulak ko yung kaaway niya

“Ano ba?” pasigaw kong sabi sa kasuntukan ni Cedric

Napaupo siya sa sahig ng quadrangle at nakatingin sa akin

“Mico?” pagtataka ko

Napanganga ako sa nakita ko. Sa dinami dami ng pwede niyang makaaway si Mico pa? Bakit? Tumayo si Mico. Pinagpag yung dalawa niyang kamay, tinignan ako. Yung masamang tingin na halatang galit at unti unti ay umalis na. Tumalikod na ko at hinila si Cedric palayo sa mga nagkumkumpulan na tao

“Ano ba tong ginagawa mo?”

Di siya umiimik habang hinihila ko siya. Dinala ko siya sa clinic

“Excuse me pwede pong magclinic siya?” tinuro ko si Cedric

Pinapasok kami ng nurse sa loob ng clinic

“Ano bang nangyari dito?” tanong nung nurse sakin

Hindi pa rin umimik si Cedric

“Ah eh napaaway po kasi” naiilang kong sabi

Binigay sakin nung nurse yung cold compress na may laman na yelo. May nagbukas ng pinto ng clinic. Actually, di ko nakita na may nagbukas kasi may nakaharang na kurtina na magsisilbing hati dun sa dalawang kama sa clinic. Maingay kasi yung pinto pagbinubuksan

“Ano namang nangyari diyan?” gulat na sabi nung nurse

“Nakipagbugbugan po” sabi  ng isang boses babae

“Paupuin niyo dito. Hintayin niyo na lang muna yung cold compress kasi ginagamit po nung isang estudyante”

Bumalik na yung nurse samin

“Pakibigay na lang sa kabila pagkatapos niyong gamitin” pautos na sabi nung nurse

Tumungo naman ako bilang sagot

“ Oh lagay mo sa ulo mo. Tignan mo ang panget panget mo na!” pang asar na sabi ko

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAH”

Nagulat ako sa malakas na tawa niya. Yung tipong galit ako tapos bigla siyang tumawa ng ewan. Dahil dun napatawa na rin ako.  Nagtatawanan lang kami dun. Hinagis ko na sa kanya yung cold compress

“Oh! Lagay mo na yan!  Nababaliw ka na naman”

Nilagay niya na yung cold compress sa parte ng mukha niya na puno ng bugbog. Siguro mga 15 minute niya ring ginawa yun.Tumayo na siya at binigay sa akin yung cold compress.Inalalayan ko siya palabas ng clinic. Hinawi ko yung kurtina para makalakad siya ng maayos. Si Mico? Yung isang estudyanteng injured? So it means narinig niya kung anong mga ginagawa naming ni Cedric? Yung tawanan naming? Yung ingay namin? Inabot ko na sa kanya yung cold compress

“Eto na yung cold compress” nagaalinlangan kong sabi at inabot na kay Mico

Wala siyang imik at kinuha lang yung cold compress. Inalalayan ko na ulit palabas si Cedric

#MOMOL (Move On, Move On Lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon