Chapter 9
Araw . . . oo sinag ng araw. Yun yung dahilan kung bakit ako nagising. After 5 minutes . . . gigising ulit ako.
-________________-
Minulat ko ulit yung mata ko pero papapikit ulit. Sige last na talaga to. 5 minutes sure na
-________________-
O________________-
-________________O
O_______________O
Hala! May pasok pa pala ako. Tumayo ako kaagad at naghanap ng orasan. Ikot. . . ikot . . . ikot . . . hanggang sa nakakita. Putekkkk!!!!! 7:30 na 8 pa pasok ko. Lumabas agad ako ng kwarto. Tumakbo pababa ng hagdan at may nakikitang dalawang tao na kumakain
“Oh my. Hindi nga pala to yung dorm ko. Bahay nga pala ni kumag to”
May tumawag sakin. Bumaba na daw ako at samahan silang kumain. Mommy ata ni Mico yun
“Iha, tara na sabayan mo na kaming kumain dito” nakangiti nitong sabi
“Kaso po kailangan ko nang umuwi kasi may pasok pa po ako” pag aalinlangan ko
“Wag ka na mag-alala pinakuha ko na kay Aling Letty lahat ng kailangan mo para sa pagpasok mamaya. Nakalagay na dun sa may table sa kwarto ni Mico. Kain ka na. Pagkatapos maligo ka na”
Huh? Pano? Eh nakalock yung kwarto ko? Tska paano nila nalaman kung saan? Huh? Huh? Huh? Ay ewan. Baka stalker ko tong buong pamilya ni Mico? Che! Hindi. Wag magisip ng ganyang bagay!
“Sige po. Salamat po sa lahat” ang tangi kong nasabi
“Hay naku. Kulang pa yan sa lahat ng ginawa ng anak ko sayo. Mico magsorry ka nga sa kanya. Sa pagpapahiya mo kahapon kay . . .”
Tumingin siya sakin
“Amanda po” sagot ko
“Ma naman!” angal ni Mico
“Magsorry ka”
“Edi sorry!” pataray niyang sabi
“ Umayos ka . . .” utos ng mommy niya
“Sorry na”
“Pagpasensyahan mo na to ha! Adib adib lang talaga. Oh Mico isabay mo na to si Amanda pagpasok. Hintayin mo to”
Natawa ko dun sa word na adib adib. In trend din pala tong mama niya. Coooooool! HAHAHAHA. Magkakasundo kami nito. Kumuha ako ng pandesal. Mga tatlong piraso siguro. Tapos hotdog tska corned beef. So unusual pag nasa dorm ako. Typical na itlog lang ang kinakain ko dun pag almusal. Nakakatamad kasi magluto kahit may mga lulutuin naman
“Nakatulog ka ba ng maayos?” tanong ng mommy niya sakin
“Opo naman po. Dami ko pong nalaman tungkol kay Mico” pangaasar ko kay Mico sabay ngiti
Tinignan niya ko ng masama
“Takot po pala to sa multo” natatawa kong sabi
“Ah oo simula bata pa. May trauma siya pag nakakarinig ng tungkol dun”
“Ah kaya pop ala kagabi . . . “
Hindi ko pa tapos yung sasabihin ko eh hinila niya na ko
“Ma sasamahan ko lang po tong papuntang CR tska baka hindi niya po Makita yung uniform niya don”
“Teka hindi pa siya tapos kumain”
“Tapos na po” pagdidipensa ni Mico
Hinila niya ko paakyat sa kwarto niya
“Nakita mo ng hindi pa ko tapos sa kinakain ko diba?” nagagalit kong sabi
“Maligo ka na” utos niya
“Diyan sa CR mo?”
“May iba ka pa bang CR na nakikita?” prangka niyang sagot
“Sabi ko na nga maliligo na. Eh nasaan yung tuwalya?”
“Oh eto na. Kinuha pa yan ni Aling Letty sa dorm mo. Pasalamat ka mabait mama ko” pagyayabang niya
Pumasok na ko sa CR. Aba may bath tub, may shower, tapos anlaki nung salamin. So Rich Kid talaga to. Naligo na kaagad ako kasi malalate na. Hanap sabon. . . hanap shampoo . . . bukas shower . . . hilod katawan . . . Tapos! Teka yung uniform ko
“Oy kumag paabot nga yung uniform ko tska yung bag na katabi niyan”
“Huh? Ano? Sinong kumag?”
“Dali na paabot na kasi”
“Kuhain mo. Sayo yun diba?” pangaasar pa niya
Hay! Dakilang kumag talaga. Para iaabot lang yung gamit ko hindi pa magawa. Siguro may tagaabot pa to ng gamit niya.
“Bahala ka. Malalate ka dahil sakin” paghihiganti kong asar
Pagalit niyang binigay sa akin yung gamit ko
“Oh eto na. Bilisan mo at baka malate ako”
“Yes boss”
Kinuha ko na yung pinapaabot ko at nagbihis na
“Tenen! Oh yan okay na tara na!”
“Teka hindi ka magsusuklay tska maglalagay ng make up?”
“Hindi uso sakin yun. Tara na!”
Hinila ko na siya pababa at nakita ko yung mama niya
“Ahm. Una na po kami” pa shy type kong sabi
“Tita Joan na lang ang itawag mo sakin”
“Ahm. Tita una na po kami”
“ Ingat kayo”
BINABASA MO ANG
#MOMOL (Move On, Move On Lang)
Teen Fiction“Hindi dahil alam mong mahal ka ng isang tao, okay lang na saktan mo siya, hindi mo lang alam na habang sinasaktan mo yung taong nagmamahal sayo may taong nananalangin na sana naging kanya na lang ang taong sinasaktan mo” – Mikki “ Ang puso ay para...