Chapter 1
You set it again my heart’s in motion
Every word feels like a shooting star
I’m at the edge of my emotion
Watching the shadows burning in the dark
And I’m in love, and I’m terrified
For the first time and the last time
In my only life . . .
Uy online ba si Carla? – pm sakin ni Clark sa facebook
Hindi eh. Sensya – sagot ko
*Kinabukasan*
Uy! Online ba si Carla? – pm ulit sakin ni Clark sa facebook
Oo – sagot ko
Chat mo please. Pakisabi chat niya ko! – sagot niya
Amanda :) Yun na lang ang itawag niyo sakin. Since 1998 nabubuhay na ko dito sa mundo. Oy nagbilang pa yan. Hahaha. Ahm kung idedescribe ko sarili ko . . .
Ako yung tipo ng tao na eskwelahan at bahay lang palagi. Pihikan ako sa pagpili ng kaibigan. Naranasan ko na rin kaseng maloko ng bestfriend ko mismo. Merong iilan pero hindi mo rin masabi kung totoo ba sila. Ang daming kong kagalit. Siguro monster talaga ang tingin nila sakin pero para sakin hindi ako masama. Gusto ko lang na may thrill tong buhay ko.
Ang dami kong gustong gawin sa buhay . . . pero PAANO?
Ang kulit talaga ni Clark. Tanong ng tanong kung online si Carla. Di na lang tignan kung may green button sa tapat ng pangalan. Siya yung elementary crush ni Clark. Close friend ko si Carla. Maganda siya. Karamihan sa mga classmates at schoolmates ko ay crush siya.
Nasa kanya na kasi lahat eh. Matalino, maputi at mabait. Oh san ka pa? Kung lalaki nga din ako eh crush ko na un eh.
Diyan talaga nagsimula yung pagkakaibigan namin ni Clark. Araw araw online ako. Wala kasing magawa sa bahay lalo na kapag walang assignment. Siya rin palagi online. Ewan ko ba dun. Di naman talaga kami close kung hindi dahil kay Carla. Madalas kaming magchat at sa awa ng Diyos, katagalan hindi niya na tinatanong kung online si Carla.
Uy! Musta na? – pm niya sakin sa facebook
Eto buhay pa – Masaya kong reply
Madalas na ganyan yung conversation naming. Hanggang sa nagkapalagayan na ng loob. Marami rami na kaming pinaguusapan. Maski PBA at NBA tsaka yung mga issue na trending napaguusapan na namin. Ang haba nga ng chat namin. Mahigit na siguro sa tatlong libo at dumating na yung araw na hiningi niya na yung number ko.
Pahingi ako ng number mo – pang 324097139814 pm niya sakin. Hahahaha. Jk
Ah sge eto oh 0943345***9 - agad na reply ko sa kanya
Wait text kita – reply naman niya sakin
Sa telepono may tumatawag! Sa telepono sagutin natin . . .
-> Oy!
Ringtone ko yun. May nagtext na number lang. Obvious naman na siya yun.
Nareceive mo na? – pm niya sakin pagkatext niya
Oo , dami mong alam. May pa oy oy ka pa – natatawa kong reply
HAHA – reply niya na capslock
Oy di ako makakareply. Wala kong load – pm ko ulit sa kanya
Ah sige next time na lang – pm niya with happy face pa
Si Clark? Schoolmate at Batchmate ko nung Grade 6 yun. Pag sa public school ka kase, maraming section. Ako section 1 tapos siya 2 kaya magkatabi lang yung room namin. Pag nagkikita kami noon, di kami nagpapansinan kasi di naman kami close.
Nagsimula lang yun nung nagchat kami tungkol kay Carla. Lahat ng tao may karapatang magkacrush. Panget ako at inaamin ko yun. Ako yung taong feeling maganda sa facebook. Pagnakita niyo profile picture ko maeelibs kayo. Pero hanggang facebook lang talaga yun. Madami akong crush at lahat nakakaalam nun. Bulgar kase ako pag may crush.
Describing myself? Probably a waste of time. Susubukan kong iexplain kung sino ba talaga ko. Isa kong babae na mahilig magsulat at magbasa. Hanggang ngayon na 3rd Year high school na ko eh nagdidiary pa rin ako. Someday, gusto ko rin makapag publish ng sarili kong libro.
Yung mga hilig kong basahin eh yung mga Filipino Edition Books. Music lover din ako. Feeling ko relate na relate ako sa lahat ng lyrics ng kanta. Favorite kong gawin ang matulog at kumain. Boring akong kasama. Swear! Hahaha. Wanna try? Jk.
Ako yung tipong lalapitan lang pag may kailangan. Ganun ako sa kanila parang National Bookstore. Sana kung gaano sila kagaling mag manghiram eh ganun din sila kagaling mag thank you.
Hindi rin ako sikat sa school kasi hindi naman ako maganda. Pango ilong ko, malaki mata, malapad noo, katamtaman ang kulay at higit sa lahat, may itim na birthmark sa ilalim ng mata kaya kadalasang inaasar nila ako kung sino daw sumapak sakin. Si Donaire siguro. Knockout pa nga eh.
to be continued..
BINABASA MO ANG
#MOMOL (Move On, Move On Lang)
Fiksi Remaja“Hindi dahil alam mong mahal ka ng isang tao, okay lang na saktan mo siya, hindi mo lang alam na habang sinasaktan mo yung taong nagmamahal sayo may taong nananalangin na sana naging kanya na lang ang taong sinasaktan mo” – Mikki “ Ang puso ay para...