Chapter 10

41 3 0
                                    

Chapter 10

Nandito ko sa may kubo. Nakatulala sa kawalan ng biglang may tumakip ng mata ko

“Sino to?”

“Hulaan mo”

“Sauce! Cedric tigil tigilan mo nga ko”

“HAHAHA Bakit mag isa ka diyan?”

“Wala lang. Di ba pwedeng mapag isa ngayon?’

“Tara fishball tayo”

“Si Mikki nasaan?”

“Nandun pa sa glee club. Hanggang 5 pa sila”

“ Next time na lang. May gagawin pa ko eh”

“Sige. Una na ko ha! Next time! Make sure!”

Umalis na si Ced. Nays ang ganda nung flower. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Rainbow color na rose. Alam ko sa Dangwa lang meron nito? Pang imagination lang ata yun kaya kahit bawal pumitas ng bulaklak sa school kinuha ko pa rin. Gusto ko siyang ilagay sa frame tapos idisplay sa kwarto ko. Dahan dahan akong lumapit at tumingin sa ppaligid. Hmmmmmm. May mga tao pero may sari sariling ginagawa. Pinitas ko at bumalik sa kinauupuan ko na parang walang nangyari. Nilabas ko yung cellphone ko at pinicturan yung flower. Biglang may nagtakip ng mata ko.

“Ced ano ba to? Di ako nakikipaglokohan ha!” pagalit kong sabi

“Hula pa more”

Hindi si Cedric yun. Ibang bosese eh. Malalim. Tinanggal ko yung kamay niya at tinignan kung sino

“Oh bakit ka nandito? Iniistalk mo ko noh?”

“Wow ha! Sa pogi kong to tska sa dinami dami ng magandang babae bakit ikaw?” pagdedepensa niya

Woooooooooooooooooooooooooooooooooohhhhhhhh! Lakas ng confidence ng kumag na to. What the? Ako? Sa ganda kong to? Wohhh! Kafal much sobra. Kakagigil. Sarap ilampaso

“Kapal mo rin noh. Bakit ka ba nandito?”

“Nakita ko ginawa mo”

“Oh paki mo?”

Binuksan niya yung handbook at may hinahanap na ewan

“Base dito, minor offense ang pagpitas ng kahit anong halaman dito sa school. Ang parusa magcocommunity service o kaya maglilinis sa Principal’s office”

“Ako pa ngayon tinakot mo? Eh kayang kaya ko nga na maglinis. Eh ikaw kaya mo? Syempre hindi. Rich kid ka eh”

“Ah ganun. Rich kid pala ah. Sge una na ko. Pupunta lang ako sa Principal’s office”

“Sauce! Sige lang. Tignan natin kung sino ang paniniwalaan sa atin ni Dean”

“Syempre ako! May pruweba kayak o na pumitas ka”

“Kung meron ipakita mo nga”

Pinakita niya yung video sa cellphone niya na saktong sakto na pumipitas ako ng bulaklak

“Paano ba yan, punta na ko kay Dean ah!”

“Uy wait lang. Wala naming ganyanan parang hindi naman tayo magkaibigan” pagmamakaawa ko

“Hindi naman talaga. Magkakilala lang tayo diba?”

“Friends na tayo. Basta wag mo lang ipakita kay Dean yan”

“Well , bye friend una na ko”

Kumapit ako sa braso niya

“Please wag mo na ibigay. Magkakaroon pa ko ng bad records niyan eh”

#MOMOL (Move On, Move On Lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon