Chapter 15
Weekends! Yeah! \m/ I feel free. HAHAHAHAH. Charing. May pasok dapat kami ngayon eh kaso oblation run XD #Galapamore. Nasa isang mall ako para mamasyal at bumili ng mga kailangan na materials para sa project. Paikot ikot lang ako sa mall kaya napagdesisyunan ko na pumunta ng National Bookstore at umuwi na. Inuna ko yung corner ng store. Tinignan ko kung nandun yung mga kailangan kong gamit para sa project naming
Colored paper
Manila paper
Neon Highlighter
Scrapbook decoration
Nakita ko dun yung colored paper at manila paper. Narealize ko sa may cashier pala nakakaorder ng highlighter. Mamaya na lang yun pagnakapila na ko. Second section na ko pero wala pa rin yung mga pandesign. 3rd section . . . hay naku puro naman coloring materials. 4th section . . . at sa wakas! Yun na! Lumapit ako dun sa may mga scrapbook decoration. Kinuha ko yung isa kung maganda. Panget eh! Kaya kinuha ko yung isa pa pero akmang kukunin ko na eh kinuha nung taong katabi ko. Who the hell is this? -_- Dahil nga tinitignan ko at nakayuko ako, nakita ko lang yung suot niya sa ibaba. Nakared colored jeans at nakatsinelas na mamahalin. Unti unti kong inangat yung ulo ko. Si! Si! Si! Si MICO!!!!!!!!!!! Bakit siya nandito? Stalker ko ba siya? Haba talaga ng buhok ko : V Hindi kaya siya yung nagbigay sakin nung mga yun? Ibig sabihin may gusto siya sakin at kaya niya ko niligtas eh para magkalapit kami? Imposible! Hindi pwede yun. Coinsidence lang yun. Wag ka feeler na may gusto yan sayo. Yan ka na naman umaasa sa wala
“Maganda to ah!” manghang mangha siya habang hawak hawak yung pandesign
“Sige sayo na!”
Kinuha niya na nga yun na nangangahulugan na babayaran niya na kaya kinuha ko na lang ulit yung una kong nakita
“Bakit pala nandito ka at bakit nagsuntukan kayo ni Cedric last week?”
Tinignan ko yung mukha niya. Wala na msyado yung mga pasa. Makikita mo lang talaga kapag malapitan
“Bumibili ako para sa project”
Naglakad na ko papuntang cashier
“Eh bakit yan lang bibilhin mo?” pagtataka ko
“Meron na ko sa bahay eh”
Binigay ko na sa cashier yung mga binili ko
“Tska isa pong neon green highlighter”
Kumuha na yung babae nung highlighter na pinakuha ko. Nagbayad na rin ako. Pagkabayad ko eh nakatayo lang ako sa gilid dala dala yung binili ko at hinihintay na makapagbayad din si Mico
“ Oh bakit mo ko hinihintay?” pagtataray niya
“Bilisan mo na nga. Pabebe ka pa"
Binayaran niya na yung mga kailangan niya at naglakad na siya palabas ng store. Sinundan ko lang siya
“Bakit ka ba sumusunod?” pagtataray niya
“Uy pwede ba tayong magusap?”
“Naalala mo yung dati? Sabi mo iniistalk kita? Mukhang nail ata yung sinabi mo. Kabaliktaran ata . . .”
“Huh? Ang kapal mo naman. Tsk tsk”
Kala mo kung sino. Feeler talaga! Tsk tsk. Mukha namang tsongge. Feeler talaga nito as if naman noh
“Sauce! Aminin mo na kasi na type mo ko”
“Kapal mo. Kapal kapal mo talaga”
Bwsht!!!!!!!!! Umalis na lang ako. Ako na nga tong makikipagusap ayaw pa niya? Choosy pa eh -_-
BINABASA MO ANG
#MOMOL (Move On, Move On Lang)
Teen Fiction“Hindi dahil alam mong mahal ka ng isang tao, okay lang na saktan mo siya, hindi mo lang alam na habang sinasaktan mo yung taong nagmamahal sayo may taong nananalangin na sana naging kanya na lang ang taong sinasaktan mo” – Mikki “ Ang puso ay para...